Ell POV
Katatapos lang ng Saturday lesson ko at pagod na pagod na ako. Pinadala ko na lang sa kwarto ko ang hapunan dahil hindi ko na kayang bumaba pa. I took a bath after eating, then opened my Instagram.
Mabilis na lumipas ang weekend at sa ngayon ay Lunes na at maulan pa. Tuloy pa kaya ang klase?
"Ell, pumasok ka na! Mahuhuli ka na sa klase." Lumingon ako sa likod ko ng marinig si Mama.
"Opo." I replied and smiled.
Baha na sa labas dahil sa lakas ng ulan. Mabilis akong bumaba nang makarating na sa harap ng gate. Nabasa pa rin ang medyas at palda ko dahil sa lakas ng ulan.
Pinunasan ko ang sarili ko nang makapasok sa gate, sinara ko na rin ang payong dahil may bubong na kapag nakapasok na sa loob.
Kakaonti pa lang ang tao sa room nang makapasok ako. Wala pa ang mga kaibigan ko... Napangiti ako nang mapagtanto na may kaibigan na 'ko.
Dre POV
Tangina sobrang lakas ng ulan, nahiya pa si Mayor na isuspende ang klase. Alas dose na, pero nasa jeep pa rin ako dahil sa traffic!
Sinuot ko na ang jacket ko ng mapansin na malapit na ako. Tinupi ko hanggang tuhod ang pants ko para hindi mabasa. Basang basa ako nang makapasok sa gate. Tangina kasi, 'di naman kami waterproof!
"Pre!" Tawag ko kay Kiel nang makita s'ya sa bench na nag-pupunas."Si Nial?"
"Wala pre, baha sa kanila. Hindi ko nasundo." Sagot n'ya, absent ang tukmol.
May teacher na sa loob nang dumating kami. Mabuti na lang pinapasok pa kami kun'di uwi aabutin namin nito.
Tinanggal ko ang sapatos ko nang makaupo na ako. Basang basa, pati medyas!
Ell POV
Kaonti lang kami ngayon dahil siguro sa malakas na ulan. Wala si Nial at Andrea ngayon, absent daw.
"Bakit amoy paa?!" Reklamo ng kaklase ko.
"Tangina, kaninong paa 'yan!? Pota! Ambaho!" Dagdag pa ng isa.
"Ang arte n'yo, nakikiamoy na nga lang kayo!" Si Dre at tumawa.
"Tangina pre, paa mo 'yun?"
"Gago hindi!" He replied,"Oh eto amuyin mo!" Tinaas n'ya pa ang paa n'ya. Ew!
Hindi ko na sila pinansin at tinanggal na lang ang jacket ko. Basa ito sa likod kaya sinampay ko muna sa harap upang matuyo.
"Hi Ell!" Ngumiti ako kay Dre nang tumabi s'ya sa'kin."P'wede favor?"
"Ha? Ano 'yon?"
"Amuyin mo nga paa ko kung mabaho ba talaga. Ayaw amuyin ni Kiel eh." He replied, napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kan'ya.
"Seryoso ka?" Ngumiwi ako
"Diba magkaibigan naman tayo?"
"Oo, pero kasi...." Pa'no ba 'to?"Sa totoo lang, nakakadiri kaya... seriously? Do'n ka na nga!" He laughed.
"Joke lang. Sungit agad, tsaka 'di naman sa'kin 'yon!" He said, napangiwi ako at hindi na s'ya pinansin."Pre, usog ka na dito!"
Makulimlim pa rin sa labas. Break time na kaya lumabas kaming tatlo para kumain.
"Ako na bibili, hanap kayo table..." Dre said, ngumiti ako at inabot sa kan'ya ang pera.
Halos puno na ang canteen at dumarami na rin ang mga tao. Hindi ko na nasundan pa si Kiel nang matakpan s'ya ng grupo ng mga lalaking dumaan. Luminga-linga pa ako para hanapin s'ya pero 'di ko na s'ya nakita pa.
BINABASA MO ANG
Drowned by Love
Novela JuvenilIba't ibang storya ang matutunghayan. Iba't ibang pinagdadaanan ang matutuklasan na sa murang edad ay mararanasan. Halikana't tunghayan ang mga nakaka-antig pusong storya nila. teen series #1