CHAPTER 2

7 0 0
                                    

"Pakitaan mo pre!"

"Wag kang papadaig, Kiel!"

Maraming side comments ang naririnig ko nang tumapak sa harap ang lalaking ito. Sino ba 'yan? I rolled my eyes dahil ang tagal n'yang magsalita.

"Pabida!" I whispered. Nag-salubong ang kilay ko ng mapirmi ang tingin n'ya sa'kin. Problema n'ya?! Lalo akong nagtaka ng ngumiti s'ya.

"Ang ginoong nakatayo sainyong harapan ay may pangalang... John Nekeil Drew Gomez, ang inyong psychologist!"

"Gaya gaya naman pre!"

Napangiwi ako sa kakornihan nila. Pero hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ang mga kaklase ko sa kanila. Ngunit 'di ko naman p'wedeng ikaila na natuwa rin naman ako kahit papa'no. Pero minsan korny na! Tsk!

Natahimik ang lahat nung ako na ang magpapakilala. Bigla tuloy akong nahiya dahil titig na titig sila sa'kin.

Kiel POV

Tawang tawa ako sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko kaya sinabayan ko na lang sila, kahit alam kong ang korny ng ginawa ko. Natahimik ang lahat sa sumunod na mag-papakilala.

"Ang swerte natin Dre!" Wika ni Nial, na titig na titig sa harapan.

"Tama ka!" Dagdag ni Dre

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa kanila. Kapag magandang babae talaga nauulol 'tong dalawa.

"Ang ganda ’no?" Lumingon ako kay Andrea ng kulbitin n'ya ako.

"Ha?"

"Ayan oh. Liit ng mukha, tsaka 'yung ilong ang liit din." Sagot n'ya, tumango na lamang ako at tumingin sa harapan.

"Hi. My name is Haenna Everielle Satairapan, you can call me Ell, for short." Maganda ang tono ng pakakabigkas n'ya, halatang bihasa sa Ingles.

"Kaso, englisera kasi eh!" Nanlulumong wika ni Nial."Makapag-aral nga ng Ingles."

Napangiwi na lang ako sa sinabi n'ya. Lumingon muli ako kay Andrea ng kulbitin n'ya muli ako.

"Anong masasabi mo sa kan'ya?"

"Mukhang mayaman. Tindig at pagsasalita pa lang, malalaman mo na." Sagot ko, napabuntong hininga s'ya." Bakit mo natanong?"

"Wala lang, titig na titig ka kasi eh!" Pang-asar n'ya.

"Duling ka lang!" Hindi ko na s'ya pinansin dahil baka lumala pa.

Ell POV

Nagkaroon kami ng sitting arrangement, kaya napunta ako sa gitnang row. Nasa gilid ako at katabi ang payat na babae. Tahimik lang ako at hindi namamansin.

Hanggang sa mag-uwian ay walang nag-tangkang kausapin ako. Pakiramdam ko nga ay panis na laway ko dahil hindi ako nag-salita maghapon, bukod sa pagpapakilala na nangyari kanina. Sinalubong ako ni Mama na may ngiti sa labi.

"Kamusta? Ginawa mo ba lahat ng sinabi ko?" Bungad ni Mama.

"Opo. Gusto ko ng mag-pahinga, akyat na muna ako." I answered, tumango lang si Mama kaya umakyat na ako sa kwarto.

Pabagsak akong humiga sa kama at napatulala. Bumuntong hininga ako at pumikit. Naalimpungatan ako sa malakas na tunog ng cellphone ko, nakapikit ko itong kinapa sa lamesa.


"Hello?" I said

[Ell, how are you?]

Napabalikwas ako ng marinig ang boses ni Tita.

Drowned by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon