Dre POV
Nasa jeep na kami papunta sa school. Alas syete na rin at 7:30 ang start. Nakatingin lang ako sa labas, 'yung tatlo naman eh naka earphones, ayaw ako kausapin!
"Para po!" Gulat kaming lumingon kay Kiel ng pumara s'ya. Baliw na ba 'to? San Vicente pa lang kami!
"Pre, bakit?" Tanong ni Nial
"Si Ell, wala daw kasabay.." sagot n'ya.
"Kayo na lang ni Dre, kailangan na 'ko sa school eh.." si Nial
"Me too!" Dagdag ni Drea. Tumango si Kiel at hinila na ako pababa. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko ba sumama sa kan'ya.
Nakasakay kaagad kami ng jeep pabalik ng bayan. Masama akong tumingin kay Kiel na natataranta.
"Dapat ikaw na lang pumunta, pre! Bat' kasama pa ako?!" Reklamo ko.
Tinignan n'ya lang ako at hindi sumagot.
"Bayaran mo pamasahe ko mamaya ah.." dagdag ko pa.
"Ulol!" Sagot n'ya, aba't! Badtrip naman! Kay Ell na nga lang ako papalibre.
Nanlaki ang mata ko nang sumakay s'ya sa tricycle pag-kababa namin ng jeep. Ginagawa nito? Wala na 'kong pera!
"Sakay na, pota!" Sigaw n'ya. Bigla akong napasakay dahil mukhang galit na s'ya.
Ilan na nagastos ko, trenta na, na dapat bente lang. Tapos mamaya sasakay ulit, plus bente. Hanep singkwenta na! Bibili pa kong pag-kain mamaya dahil wala akong baon! Tanginang buhay 'to.
Nakasimangot akong bumaba at masama sa loob na binigay ko ang sampu ko. Dapat pala 'di muna ako nag-bayad kanina sa jeep, bababa lang pala kami!
Nawala ang lahat ng sama ng loob ko nang makita si Ell. Wow! Bakit parang iba itsura n'ya ngayon. Napalunok ako at napangiti na rin, kumaway ako sa kan'ya. Masama akong tumingin kay Kiel ng bigla n'ya akong batukan.
"Ano ba 'yon pre!" Iritang sabi ko.
"Nauulol ka na naman.." aniya, pinakyuhan ko s'ya at lumapit na lang kay Ell na ngiting ngiti. Ako ba naman bubungad sa umaga n'ya, talagang sasaya s'ya ng gan'yan.
"Hey, sorry ah. Wala kasi si Kuya.." nahihiyang sabi n'ya.
"Wala 'yon. Ikaw pa ba, kaibigan tayo dito.." sagot ko at kinindatan s'ya. Tumawa s'ya.
"Tara na, malalate na tayo.." singit ni Kiel. Pumara na s'ya ng tricycle. Nauna s'yang pumasok sa loob, aba't ang gago talaga! Inunahan ako!
"Ikaw na sa loob Ell.." masama sa loob na sabi ko, tumango s'ya at pumasok na. Kami dapat mag-katabi eh. Tsk!
Ell POV
Tahimik lang akong naka-upo sa tabi n'ya. Hindi naman s'ya nag-sasalita kaya hindi rin ako nag-sasalita.
"Bakit ang pula ng mukha mo?!" Napalingon ako kay Kiel ng bigla s'yang mag-salita. Napahawak naman ako sa mukha ko.
"Natural 'yan.." I replied, suminghap s'ya at hindi na nag-salita.
Hindi ba bagay sa'kin ang ganitong ayos? Liptint lang 'yung totoong mapula sa mukha ko.
Nasa jeep na kami at napapagitnaan ako ng dalawa. Hindi pa umaalis ang jeep kasi pupunuin pa raw.
"Dre..." I whispered, lumingon naman s'ya sa'kin."Hindi ba bagay sa'kin 'yung ganitong ayos?"
He chuckled."Bagay Kaya, ganda mo nga eh.." he replied. Ngumiti ako at lumingon kay Kiel na naka-earphones. Tinaasan n'ya ako ng kilay, inirapan ko s'ya at hindi na pinansin.
BINABASA MO ANG
Drowned by Love
Teen FictionIba't ibang storya ang matutunghayan. Iba't ibang pinagdadaanan ang matutuklasan na sa murang edad ay mararanasan. Halikana't tunghayan ang mga nakaka-antig pusong storya nila. teen series #1