CHAPTER 7

7 0 0
                                    

Ell POV

Lunch time na kaya bumalik na kami sa bus para makakain na.

"Dre!" Tawag ko, huminto s'ya at lumapit sa'kin.

"Bakit Ell?"

"Palit tayo upuan, kahit ngayong lunch lang... Please!" I pouted, tumawa s'ya.

"Oo naman!"

Ngumiti ako at masayang naglakad papunta sa bus.

"Okay ka na ba?" Tumabi ako sa kan'ya.

"Oo, salamat ah!" He replied,"Lipat ka na, andyan na si Dre."

"Nag-palit muna kami. Bakit, ayaw mo ba 'kong katabi?"

"Hindi! Gusto ko nga eh!" Tumawa ako at pinakita sa kan'ya ang mga pictures namin.

Dre POV

Ngumisi ako kay Kiel na masamang nakatingin sa'kin.

"Ginagawa mo rito?"

"Nag-palit kami ni Ell eh," Nakangising sagot ko."Tabi pre!" Ayaw pa ako paraanin!

Nakangising pinanood ko s'yang kumakain.

"Pre tignan mo, ang saya saya nila Ell oh!" Pang-asar ko.

"Walang may pake!" Aniya, humalakhak ako.

"Swerte ni Nial kung magi--"

Nabilaukan ako dahil sa sinalpak ni Kiel na chichirya sa bunganga ko.

"Tangina mo pre!" Singhal ko

"Ang daldal mo eh..." Ngumisi s'ya.

Hindi na ako kumontra pa at nakikain na lang ng hawak n'ya.

"Akin 'yan ah!" Gulat akong lumingon kay Ell na nasa harap namin.

"Ha?"

"Nachos ko 'yan eh!" Galit ang tono n'ya, napalunok ako at tumingin kay Kiel na wala lang pake!

"Pakalat-kalat eh, kaya pinulot ko!" Pang-gagong sagot ni Kiel. Siniko ko s'ya.

"Tangina mo pre! Dinamay mo pa 'ko!" Reklamo ko."Sige na, balik na 'ko." Nataranta ako at bumalik na sa upuan ko.

"Bakit bumalik ka na?" Tanong ni Kiel

"Basta pre! Ayoko na do'n!" Pumikit ako at hindi na s'ya pinansin.

Ell POV

Kinagat ko ang labi ko at tahimik na umupo sa tabi n'ya.

"Pakalat-kalat kasi sa daan, kaya kinain ko na lang." He said

Tumango ako at hindi nag-salita. Kinuha ko ang bag ko sa lapag, uminit ang gilid ng mata ko nang makitang wala ng natirang pagkain sa loob!

"Tulad nga ng sinabi ko, pakalat-kalat 'yung snacks mo sa daan... Tapos, kinuha ng iba.." he added

Hindi ko s'ya pinansin. Pinunasan ko ang pisngi ko ng tumulo ang luha ko. Napapikit ako at masamang tumingin sa kan'ya.

"Problema mo ba?!" Mahinahon na tanong ko.

"Tulad nga ng sina--"

"Tangina!" I shouted, natahimik ang lahat.

Dre POV

"Tangina!"

Minulat ko ang mata ko ng makarinig ng ingay. Napakurap-kurap ako nang makitang nag-aaway na sila!

"Gago, nagmura si Ell!" Hindi makapaniwalang sambit ni Nial.

Hindi n'ya kami pinansin at nakapirmi lang ang tingin kay Kiel. Patay ang gago!

Drowned by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon