34- francella

7 1 0
                                    

Ella’s POV

Halos tatlong buwan na ang nakalipas mula nang magkaayos ang barkada. Kasabay ng pag-aayos ng lahat ang pagkawala ni Crismille. Hindi ko siya nakilala. Pero sa lungkot na naramdaman nila Shar, Alexa, Nash, at Jai, lungkot din ang naramdaman ng buong barkada.

Nasa 2nd quarter pa lang kami ng huling taon ng high school, pero nagmukha nang seryoso sa pag-aaral ang mga kaibigan ko. Wala kasi masyado nagbibiruan, naglolokohan, at nag-iingay kapag magkakasama kami. Sobrang magkakasundo uli lahat pero ramdam mo yung pagluluksa ng grupo.

Kung sino pa ngang hindi magkasundo, kami pa ‘tong madalas bumabasag ng katahimikan sa barkada. Kami ni Francis. Ewan ko ba. Pero simula nang umamin siya sa akin at i-reject ko siya, lagi nang sarcastic sumagot sa akin. Lahat nalang ng sabihin ko, may comment siya. Masyadong nega sa buhay.

Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya. Gusto ko si Francis. Gustong-gusto. Minsan nga pakiramdam ko mahal ko na siya. Pero hindi naman pwedeng laging puso ang piliin. Besides, naguguluhan pa rin ako kung pagmamahal ba ‘to romantically, or as a friend, o baka bilang kapatid na. Hangga’t maaari kasi, ayokong may mamagitan sa’ming dalawa. Buong puso akong kinupkop ng mga magulang ni Francis. Kahit na anong gusto ko, binibigay ni Mommy Bianca. Kahit hindi ko sabihin. Tinuturing niya kong parang tunay na anak. Kaya ayokong ma-disappoint siya kung uunahin pa namin ni Francis ang pag-ibig kaysa pag-aaral at career namin. Ayoko ring mawalan siya ng tiwala sa amin sa mga panahong naiiwan kami ni Francis sa bahay na kami lang. Ano nalang maiisip nila, na magnobyo at hindi magkapatid ang turingan ng mga anak nila?

Na-kwento kong lahat ng problema kay Sophia. Ang payo niya, “Trust your heart.”. Pero hindi naman pwedeng laging ganun. Pwede ko naman sundin ang puso ko, but not romantically.

Mahal ko si Francis. Pero higit dun ang pagmamahal ko sa pamilya niya. Sila ang buhay ko ngayon. Sila ang nagbigay pag-asa sa akin sa panahong walang-wala na ako. Kung talagang mahal din ako ni Francis, either maghintay siya, o pag-aralan na niya kong mahalin ngayon bilang kapatid niya.

Nasira ang pag-iimagine ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Lala?” sigaw ni Francis.

“Bukas ‘yan! Pasok!” sagot ko sabay punas sa luha ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

“Sabi na eh. Napadaan lang ako sa pinto mo, pero naririnig ko ‘yang hikbi mo.” sabi niya pagpasok at umupo sa tabi ko.

“Kiko, galit ka pa rin ba?” tanong ko at tinitigan siyang maigi sa mata. “Pinaliwanag ko naman sa’yo di’ba?”

Bahagya siyang sumimangot bago sumagot. “Naiinis ako, Lala. Sa totoo lang. Kasi wala kang tiwala sa’kin. Wala ka ring tiwala na maiintindihan tayo nila Mom and Dad.”

Bumuntong hininga ako bago magsalita. “Oo. Pero...” hindi niya ‘ko pinatapos sa sasabihin ko.

“Pero naiintindihan na kita.” mariin niyang sagot. “Siguro nadala lang din ako ng barkada. Lahat kasi sila may partners eh.” natawa siya sa sinabi niya. “Alam kong mahal kita pero sa totoo lang, di ko rin naman naiintindihan kung anong klaseng pagmamahal ba ‘to eh.”

Nanahimik kami pareho sa sinabi niya. Pero siya rin ang bumasag nito.

“Tagal kitang hinanap. Alam mo ‘yan. Pero bata pa tayo nung huli kitang makita. Siguro nga hinahanap-hanap kita kasi wala akong kapatid. Ikaw lang yung nandyan sa tabi ko para pasayahin ako, makinig sa mga kwento ko, makipaglaro sa’kin. Baka nga siguro ganun yun?”

Iyak na ako nang iyak sa mga sinasabi niya. Pero siya, nanatili yung calmness.

“Hindi naman porket nagmahal, kailangang romantically di’ba? Besides, tama ka. Mga bata pa naman tayo. We still have lots of years para pag-isipan at pagdesisyonan lahat.” dagdag pa niya.

“Alam mo pag narinig tayo ni Jai, babatukan tayo nun!” natatawa nang sabi ko.

“Oo nga. Si Crismille kasi eh. Lahat ngayon sasabihin nya, YOLO.” natawa na din siya.

Mahaba-habang kwentuhan pa ang nangyari matapos ang seryoso naming pag-uusap. Pero ang final decision namin, manatili munang bestfriends at magkapatid. No one really knows the future. Pero pareho kaming masaya sa naging kasunduan namin. I know, mafu-frustrate ang mga shipper naming barkada. But FrancElla will always be FrancElla. Lovers man, mag-bestfriends man, o magkapatid man. Ang mahalaga, nandyan pa rin kaming palagi sa tabi ng isa’t-isa, ano man ang mangyari. Mas solid pa nga ‘to kung iisipin. Mag-away man kami, mananatli kaming magkapatid. Sa hirap o sa ginhawa.

to be continued...

A/N: At last! After more than 6 years, i am so back. Tatapusin ko lang ang story na ‘to para sa ikatatahimik ng brain ko na hindi pa rin alam nangyari sa barkadang to. Haha. Not yet sure kung ipagpapatuloy uli ang pagsusulat after this one. Adulthood came. Naging busy lang sa buhay :)

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon