24- illness or hurt

554 17 0
                                    

Mika's POV

"Oh, Mika, buti dumalaw ka na." abot tengang ngiti ni Shar pagpasok ko ng room niya sa hospital.

I decided to visit her pagkatapos kong makita ang kalagayan ni Jairus. Mukha talagang walang idea si Shar sa mga nangyayari. As well as Alexa and Nash. And wala pa siguro kaming balak sabihin sa kanila yun. Kasi even Francis, mukhang may problema rin.

I placed the fruits on the table beside her that Andre and I bought bago pa kami pumunta dito.

"Bakit ngayon lang?" malungkot na tanong ni Shar.

Inakbayan ko si Andre to show her na okay na kami ng pinsan niya.

"Really?!" gulat at tuwang tuwang tanong ni Alexa.

Silang dalawa ni Nash, mula nang ma confine daw si Shar... halos di na yata umuwi. Gusto daw nilang asikasuhin ang bestfriend nila. Lalo't si Shar ang isa sa mga naging tulay kung paano naging sila.

"Ayos diskarte ah." sabi ni Nash. "Kayo na ba?" pang aasar pa niya.

Tumawa lang ako nang tumawa. Si Andre, ewan ko ba kung bakit tahimik.

"Seryoso ako." seryoso ngang sabi ni Nash.

Oooppps. Ang awkward pala kapag ito na ang pinag uusapan. Actually, ready na rin naman ako kung sakaling manligaw nga si Andre. Pero mas komportable muna siguro sa ngayon yung mag bestfriend muna kami. Kasi ang friends... forever na 'to!

Kaya lang naisip ko rin yung pag amin namin sa isa't isa. Yung mahal niya 'ko... at mahal ko rin siya.

"Ahh.. guys! Si Jai?" binasag ni Shar ang katahimikang saglit na namagitan sa amin dahil nga awkward parin.

"Huy, Dre! Si Kuya ba nakita niyo? Ilang araw na kaming hindi nagkikita nun eh. Nagkakasalisihan yata kami sa pag uwi. Ayaw naman akong pansinin sa school. Tapos hindi pa din dumadalaw dito." narinig kong bulong ni Alexa kay Andre. Na pareho ko lang katabi.

"Ahh.. Shar, busy kasi si Jai ngayon. Nag try out yata siya sa basketball para sa intrams." palusot nalang ni Andre kay Shar.

"Pre, alam kong alam niyo. Bakit ba ayaw niyo pang sabihin ang katotohanan? Wag niyong gawing tanga si Shar. Pati na rin si Alexa... na KAPATID ni Jai!" maangas na bulong ni Nash kay Andre.

Pero nanatili kaming tikom ni Andre. Wag muna siguro. Hangga't hindi pa naaayos ang lahat. Pati na ang katinuan ni Jai.

"Nagsawa na ba siya?" cold na sabi ni Shar. "Sabi na eh!" tumawa siya. Yung pekeng tawa. "Magsasawa talaga yun. Ako ba namang si tanga? Maayos na nanliligaw yung tao, kilala na ng pamilya ko, bestfriend ko rin yung childhood bestfriend niya, pati na rin kakambal niya, ilang beses din niyang pinatunayan na kaya niya akong mahalin kahit kailan... TANGA talaga! May pa M.U-M.U pa 'kong nalalaman! Eh wala naman kaming pinanghahawakan!" pekeng tumatawa pa rin siya sa mga pinagsasabi niya. Pero ilang sandali pa, tumulo na rin yung mga luha niya.

Niyakap namin siya ni Alexa. Pero lalo lang siyang napahagulgol.

"Sige lang, Bebe. Ilabas mo lahat ngayon." sabi sa kanya ni Alexa.

---

Kinabukasan lang din, naiuwi na rin si Shar. Still... si Tita Michelle at Tita Cris lang ang kasama nila sa bahay. Dahil umuwi naman daw saglit ang pamilya nila sa Canada. For months lang naman daw. Kailangan lang nilang linisin ang lahat ng naiwan nilang trabaho doon.

"Thanks for helping, Alexa and Mika." kikay na sambit sa amin ni Tita Mitch. "Sa'yo rin, Nash." nakangiti pa niyang dagdag.

"Siyempre naman po, Tita." kikay rin na sagot ni Alexa. Eh kaya nagkakasundo ang dalawang 'to eh! Haha.

"Mag shopping tayo 'pag maayos na talaga si Shar ha!" hirit pa ni Tita kay Alexa. "Sumama ka din, Mika. Naku! Sa ganda mong yan, madali kang pilian ng damit!" pagbaling naman niya sa akin.

Halata naman siguro nila na kinilig ako. Kaya sinundot sundot ni Alexa yung tagiliran ko.

"Mambobola lang yan si Tita Mitch!" sigaw ni Andre na kalalabas lang ng kwarto niya.

"Che!" sabi ko nalang. Kaya naman tinawanan kami ng barkada.

"Sige, ingat kayo. Nakatulog na si Shar dahil masakit daw ang katawan niya kakahiga sa hospital." paglapit sa amin ni Tita Cris at nagbeso kami.

Muli naman kaming nagtawanan sa sinabi niya. Haha. Si Shar talaga! Masakit daw katawan sa kakahiga... pero natulog naman!

Pero alam ko... kinailangan lang niya ang matulog para mabawasan ang sakit. Kahit na sa paggising niya... nandoon pa rin iyon. Ang sakit.

to be continued...

A/N: Matatagalan po talaga updates. Busy college student si author ^_^V

Kaway kaway sa mga Bachelor of Arts in Mass Communication! ;)

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon