7- insecurities

660 23 0
                                    

Ella's POV

"Ella! Hindi na ako natutuwa! What the hell is your problem ba?!" sermon na ni Sophia sa akin na sinundan ako sa unit.

Sa totoo lang, wala! Pero ayoko lang yata talagang sabihin kay Kiko. Nahihiya ako. Ayokong kinakaawaan niya ako.

"Ella, stop thinking the way you do! Kiko is our friend. Luckily, your BESTFRIEND. So bakit mo inaalis ang karapatan niyang malaman ang problem mo at matulungan ka?" sabi ni Sophia at tumabi sa akin.

"Kasi... ayokong kinaaawaan niya ako. Ayoko nang ipakita pa lalo sa kanya na mahirap lang ang bestfriend niya. Sa totoo nga lang Sophia... ayoko na rin minsang lumalapit sa inyo eh. Yung sinasabi yung mga problema ko. Kasi nahihiya ako. Hindi ako bagay sa inyo. Mahirap lang ako. At kayo? Mayayaman kayo. Kilala ang pamilya niyo. Tinitingala kayo ng marami. Samantalang ako, ulila na nga, nakikitira pa. Tapos ngayon, mawawalan pa ng tirahan. Mas magiging masaya ako kung mas babagay ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Mas komportable siguro." naiiyak kong sabi.

"Duhhh!!!! Ella..." hinawakan niya ang mga balikat ko. "Remember... Happiness is found when you stop comparing yourself to others. We didn't ask you na maging katulad mo kami. Bukas palad ka naming tinanggap sa barkada. At masaya naman kaming makasama ka. Wala namang rule book na nagsasabing mayaman sa mayaman at mahirap sa mahirap ang dapat na magkakasama. Siguro, si Lord na rin ang nagtakda na maging friends mo kami. We're always here to help you, Ella. At sana rin, tumitingin ka sa salamin. Maganda ka. Hindi lang sa labas... pati na rin sa loob, Ella. Hindi mo ba alam na nag eexist ang salitang confidence? Sana meron ka nun." pagpapaliwanag niya sa akin.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon