30- reason

414 14 0
                                    

Kobi's POV

"Pre! Kumusta na?" pagsagot ko sa tawag ni Francis. Nag loudspeaker ako para makapagligpit sa kwarto ko.

"Wala pare! Olats pa din!" malungkot niyang sabi.

"Hayaan nalang siguro muna natin siya." payo ko nalang.

Flashback...

"Ano bang problema, pre?" tanong ko agad kay Francis nang magkita kami coffee shop. Nagmamadali kasi siyang makipagkita eh.

"Pare, si Ella." malungkot niyang sabi.

"Anong nangyari kay Ella?" nag aalala kong tanong.

"Walang tiwala na kaya ko." inis niyang sagot.

"Ha?! Anong walang tiwala? Anong kaya mo?" naguguluhan kong tanong. Paano ba naman, bitin kung magkwento!

"Na kaya ko syang panindigan." seryoso niyang sabi.

"ANO?! Nabuntis mo si Ella?!" bulyaw ko sa kanya. Pero sinigurado kong kami lang yung makakarinig.

"G*go!" pagbatok niya sakin. "Ang ibig kong sabihin, kaya ko siyang panindigan. Sa isang relasyon!" paliwanag niya.

Eh pabitin kasi magkwento eh!

"Ano bang nangyari, pare?" tanong ko.

"Umamin na ko, pre. Tinanong ko kung pwede ba kong manligaw. Kaso ayaw eh. Mukhang nagalit pa. Tapos nung sinabi ko sa kanyang kalimutan nalang niya yung inamin ko, awkward na siya sakin." pagmamaktol niya.

End of flashback...

Hanggang ngayon tuloy tanong nang tanong si Sophia sakin kung anong pinag usapan namin ni Francis sa coffee shop at kung bakit mainit ang ulo noon. Hayy! Nahihirapan na nga kong magtago sa girlfriend ko eh.

"Ipakita mo nalang sa kanya na normal ulit ang lahat sayo. Ang hirap kasi sayo, sinusungitan mo din lagi! Pare, lalaki man tayo, kailangan din natin ibaba ang pride natin paminsan minsan. Lalo na pag sa babaeng mahal natin." dagdag ko pa sa payo at nahiga na ako matapos kong maglinis ng kwarto.

"Eh pare, yun na nga eh! Babang baba na yung pride ko! Pero wala pa rin!" irita na niyang sabi.

Hinayaan ko na lang siyang magpalamig muna ng ulo. Ibinaba ko na ang phone call.

Nang patayo na ko sa kama...

"B-babe?!" nandun si Sophia sa pintuan ng kwarto ko. "K-kanina k-ka pa ba?" kinakabahan kong tanong. Baka kasi narinig niya kami ni Francis. Eh saamin nalang muna dapat yun. Nahihiya daw kasi si Francis na malaman ng barkada na pagdating sa diskarte sa babaeng gusto niya ay mahina siya.

Tumango lang siya sa tanong ko.

"N-narinig mo?" tanong ko.

Tumango lang siya uli. Tapos ay unti unting namumuo ang ngiti niyang alam na alam ko na ang kahulugan.

"Babe, wag mo sasabihin kay Francis ang alam mo ha?" paglapit ko sa kanya at paglambing. Sinamahan ko na rin ng yakap para mas effective.

"Tsk. Para namang hindi mo ko kilala noh! Chismosa lang ako pero sa akin lang lahat ng nalalaman ko!" pagdepensa niya.

HAYYYY!!!! Buti naman! Mabuti nalang talaga at may Sophia na handang magpagaan lagi ng loob ko.

A/N: Hallluuuu guys! HAPPY NEW YEAR!!!!!! God bless us all! As I promised, nag update ako. Mukhang natutuwa akong lagyan ng maraming MikAndre scenes ah! Ifollow ba naman ako ni Andre sa twitter! Pati na rin si Jai syempre! I-like ba naman niya photo ko sa IG! Anyways, medyo lame at short UD po ito. Dahilan ng pagiging excited ko sa 2015. Enjoy reading! Love you!

For more updates... Visit & like www.facebook.com/iJOANNAmissathing

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon