11- life's changing

671 19 1
                                    

Andre's POV

"Mare, ako nang bahala sa kanya ah." sabi ni Tita Bianca kay Tita Cris at hinawakan ang kamay ni Ella.

Magkakausap silang lahat. Habang kami ni Sophia, kanina pa nakikinig sa kanila. Pinag uusapan nila ang paglipat ni Ella sa bahay nila Francis.

"Sophia, okay lang ba sa'yo na hindi na dito ang bestfriend mo?" natatawang sabi ni Tita Mitch.

Patay! -_- Nakitang nakikinig kami.

Lumabas na kami ni Sophia papuntang living room at nakisali sa kanila.

"Ahh.. Of course, Tita! Alam mo namang supportive ako sa lahat ng bagay pagdating kay Ella. Well, except sa pagiging masyadong mahiyain niya." sagot agad ni Sophia.

"Adik!" natatawang sabi sa kanya ni Ella.

"Uhmm.. Sophia, pwede rin ba akong pumasok sa room mo? Tutulungan ko lang magbitbit si Lala ng things niya." tanong ni Tita Bianca.

"Siyempre naman, Tita? Can I help, too?" sabi ni Sophia.

"Tara!" aya ni Tita Bianca at umakyat na sila.

After 5 minutes, umakyat din ako para tulungan ang mga babae. Tumulong akong bitbitin ang mga gamit ni Ella sa kotse ni Tita Bianca.

"Mga Mare, Pare, mauna na kami." nagpaalam na si Tita Bianca.

Ako naman, umakyat na sa kwarto ko para tawagan ang Baby ko. Hahaha! May bagong gimik nanaman akong naisip eh.

---

Ella's POV

"May lakad po pala kayo, Tita? Dapat po hindi mo na ako sinamahan dito." sabi ko kay Tita Bianca pagsakay ng kotse.

"I told you to call me Mommy, di ba?" nakangiti niyang sabi at pinaandar na ang makina.

"TAYO ang may lakad." sabi pa niya.

"Po? Saan po, MOMMY?" nakangiti kong tanong.

"I love it when you call me Mommy." nakangiti niya uling sabi. Ngumiti lang din ako.

"Ibababa lang natin 'tong mga gamit mo." tsaka siya sumagot nang makarating na kami sa bahay nila.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon