16- realizations

533 17 3
                                    

Sharlene's POV

Ang shunga neto ni Andre! Iniwan din niya yung bag niya. Eh parang uulan kaya!

"Shar, wag ka nang sumunod." pag awat ni Jai. Susundan ko kasi si Andre para iabot yung payong niyang naiwan.

"Okay lang, Jai. Baka kasi magkasakit pinsan ko eh." sagot ko.

"Sige... ganito nalang! Sasamahan din kita." sabi niyang may nakakalokong ngiti.

Pero nagkunot noo ako. Ang kulit kasi eh! "Wag na!"

"Sandali lang naman diba?" hirit pa niya.

"Pag sumunod ka sakin... wag mo kong kausapin bukas!" galit ko nang sabi.

"Okay. Pero umuwi ka kaagad ha!" nag aalangan niyang pagpayag.

"Paki uwi nalang yung bag namin ni Andre, Couz." bilin ko kay Sophia. "Kobi, pakihatid nalang si Sophia. Then ihatid mo na rin yung bag ni Mika kay Tita Tere." sabi ko naman kay Kobi.

Tapos ay tumakbo na ako palabas. Dala-dala ko yung payong ko, payong ni Mika, at payong ni Andre. Baka magkasakit pa ang dalawang yun. Nakow!!

Pero hindi lang yun eh... May napapansin na kasi ako sa dalawang yun, matagal na! Ako yung parang kinakabahan sa kanila eh. Pati kay Angel, iba pakiramdam ko eh.

Naglalakad palang ako, bumuhos na agad ang napakalakas na ulan. Kaya naisipan kong tumakbo sa malapit na park at sumilong. Tapos tsaka ko binuksan yung payong ko.

P-pero.. S-si.. Mika yun ah!!! Yung nakaupo sa swing na umiiyak. Bakit?!

Lalapitan ko na sana siya kaso nakita kong papalapit sa kanya si Andre. May iba sa mga tingin niya kay Mika. Parang... may takot. Kaya nagtago nalang ako sa sinisilungan ko.

"Mik-" sabi agad ni Andre paglapit kay Mika. Pero hindi niya natuloy yung sasabihin niya nang...

*pak!*

Tumayo rin agad si Mika sa swing at sinampal si Andre. Tuloy tuloy pa rin siya sa pag iyak. Natahimik silang dalawa na hindi pinapansin ang pag ulan kahit na basang basa na sila.

Madilim na. Paniguradong hahanapin na kami ni Mommy kay Sophia. Wala na ring mga tao dito sa park dahil nga sa lakas ng ulan. May bagyo pa ata.

Hindi ko maintindihan ang lahat. Kaya naman hinihintay ko lang silang mag usap. Hanggang sa... basagin ni Mika ang katahimikan.

"Niloko niyo ko." nanghihinang sabi nito na patuloy pa rin sa pag iyak.

"Mika, nagawa ko lang yun kasi mah--" sabi ni Andre pero pinutol uli siya ni Mika.

"Pero niloko niyo pa rin ako!" umiiyak pa rin pero parang galit nang boses nito.

"I'm sorry." nasabi nalang ni Andre sa galit na kaibigan.

"Sorry?! Sorry lang?! Pinaglaruan niyo feelings ko!" sigaw na ni Mika.

"Pinaglaruan??" nagtatakang tanong ni Andre.

"Damn it, Andre! Ang tanga mo!" sigaw uli ni Mika. "Bakit hindi mo sinabi yung feelings mo?!" dagdag pa niyang sigaw.

"Kung sinabi ko ba noon pa lang na mahal kita... sasagot ka ba ng I love you, too?!" parang galit na rin na tanong ni Andre.

"OO!" galit pero umiiyak na sagot ni Mika. Then unti-unti na siyang napapaupo sa basang-basang lapag ng park. Parang hinang hina na siya sa pag iyak.

Hinampas naman ni Andre ang noo niya at unti unti na niyang tinakpan ng dalawang kamay niya ang mukha niya. Parang umiiyak na din ata siya.

"Natatakot lang ako, Mika. Ayokong masira ang friendship natin kung sakali mang ireject mo ako." umiiyak na nga si Andre.

"Natatakot?! Yan ang reason mo, Andre?! Sh*t!" galit pa rin si Mika.

Hindi ko masisisi si Mika. Kasi pakiramdam niya, sinaktan siya.

Ang mga sumunod pa nilang pag-uusap, hindi ko na naintindihan. Napaupo nalang ako sa upuan na nasa likuran ko kung saan ako nakasilong.

*kring kring*

Biglang may tumawag sa akin. Nang tingnan ko, si Jai. Nag aalala na 'to. Hindi pa ako nagtetext kung nakauwi na ako.

Pero pinatay ko yung call. Parang ayaw ko siyang kausapin ngayon. ... Nakita ko yung wallpaper ng phone ko. Kami yun ni Jai. Nag selfie kami nung bago umuwi sila Dad. Masayang masaya kami sa picture. Bigla nalang tumulo yung luha ko. At napaisip...

Bakit sa ibang tao, napakahirap maging masaya sa pag ibig? Tulad nila Mika. Pero kami ni Jai, masaya na nga... pero hirap pa rin akong tanggapin yung situation namin. Takot kasi akong masaktan. Kaya ayoko ng commitment. Tama na sa akin yung parang magkaibigan lang. Yung special lang kami sa isa't isa. Para kung sakaling may isa sa aming sumuko... hindi ganun kasakit. Kasi nga magkaibigan lang kami.

Pero... paano na si Jai?

"Shar." pagtawag sa akin ng napakalungkot na boses at niyakap ako. Pagtingin ko... si Mika.

Pareho na tuloy kaming basang basa.

Umalis na siya sa pagkakayakap at...

"Iuwi mo na siya." cold na sabi ni Mika kay Andre na nasa tabi rin pala namin.

Lalo akong napahagulgol nang makita ko silang dalawa. Pero agad ko ring pinunasan at tumayo na para makauwi na kami ni Andre.

to be continued...

A/N: Hi to Maria Gear Nams! :* Thanks sa support! Siya yung reader na nagulat ako kung saan nakuha yung number ko dahil nagtext. Haha. Love ko kayong lahat!

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon