32- sorry

509 16 3
                                    

Jai's POV

"Anong ginagawa mo dito?!" galit na tanong sakin ni Nash nang kumalas ako sa yakap kay Shar.

"J-Jai." umiiyak pa rin si Shar. Tiningnan niya lang ako. Parang hinihintay niya yung isasagot ko sa tinanong ni Nash.

Pero sa halip na sagutin siya, hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Sharlene at inilapit ko ng konti ang mukha niya sa mukha ko. Yung tipong nararamdaman ko na ang paghinga niya.

"J-Jai. B-bakit?" nauutal niyang sabi. Tuloy pa rin sa pag-iyak. Pero this time, hindi na siya makatingin sa mga mata ko. Kaya naman hinalikan ko ang tip ng ilong niya.

"Shar. Tingnan mo ko." tumingin naman agad siya. Pero halata sa mga mata niyang pikit nang pikit ang pagkailang niya. "Sorry." mahina kong sabi. Pero sincere ako sa pagsasalita ko. I meant my word.

"Sorry? Sorry?! Jai, sorry lang ang sasabihin mo??!! Tapos anong ieexpect mo? Na magiging okay agad kay Shar??! Tol naman! Ganyan ka na ba kag*go?!" galit na galit si Nash.

Kaya naman napahiwalay kami ni Shar sa pagkakalapit ng mukha at tumingin lang kay Nash, na pinipigilan na ng kapatid ko. Hawak hawak na niya ang kamay nito. Actually niyayakap na niya si Nash. Sobrang galit kasi talaga ito. Kaya napayuko nalang si Shar dahil hindi na siya makatingin sa best friend namin.

"Ano Shar, okay na agad sayo yan?! Tatanggapin mo yan ng ganun ganun nalang?! Nakita mo ba yung ginawa niyang damage sayo? Kasi kami Shar, OO EH! Kami tong hindi magkandaugaga sa kung anong gagawin sayo kasi baka bigla ka nalang lumupasay dyan sa kung saan dahil dyan sa lalaking yan!" sabi pa ulit ni Nash. Sigaw pala.

Minsan talaga hindi rin mapigil tong galit ni Nash eh. Hindi pa naman kasi ako tapos eh. Nag sorry palang muna ako. May sasabihin pa kasi ako.

"So bakit ka nga kasi nandito, kuya? Bigla mong na-realize na sawa ka na sa bitch na yon kaya ka bumabalik kay Shar?" cold na tanong ni Alexa.

Hindi ko na sila maintindihan. Ganito pala ang galit nila sakin. Ni hindi ko nga gusto ang pananalita ng kapatid ko. Galit din kasi siya kay Crismille.

"Wag ka namang ganyan kay Crismille. Kasi siya ang dahilan kung bakit ako ngayon nandito." sagot ko.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon