19- alexa's side

551 20 0
                                    

Alexa's POV

"Talaga, Ate?!" gulat kong tanong sa kwento ng katulong naming si Ate Alora. Si Mamita ang nagpapasahod sa kanya since wala nga kami masyadong budget ngayon.

"Oo, Baby Girl. Hindi naman siya nag arcade kanina. Nakita ko kasi sila nung friend niya sa food court. Nag-uusap. Mukha ngang problemado eh." kwento ni Ate Alora. "What happened ba kay Baby Boy?" tanong pa niya.

"A-ah... W-wala po. Sige, magbibihis na po ako." pag iwas ko at umakyat na.

Nag lock ako agad ng pinto pagdating ko sa kwarto. Pagkabihis ko, humiga ako agad sa kama. Nag-isip isip.

Hayy Nako, Jairus!!! Bakit ngayon ka pa nagloko ng ganyan?! Dadagdagan mo pa ang problema nila Mommy at Daddy. Hindi ka ba marunong umintindi ng feelings ni Shar? -_- Tsaka... wag mo na sanang balikan pa ang past. Please lang! Hindi mo alam kung gaano mo sasaktan ang sarili mo at si Shar.

Tinawagan ko agad si Shar. Dapat makapag usap na agad sila ni Kuya at magkalinawan na. Baka maunahan pa siya nung taong yun! Kung bakit ba kasi nakipagkita uli si Jai dun eh! Nakakainis siya. Ano ba kasing binabalak niya?! Ganun na ba siya kadesperadong magka girlfriend?! Masyado siyang inggitero sa iba. Hindi manlang niya inisip na hindi ganun kadali yun. 4th year high school palang kami. May karapatan si Shar na tumanggi. Haaayyy!!! Jairus Reuel!!! Ayusin mo naman ang pag iisip mo, please!!!

"Hello?" sagot ng sa kabilang linyang tinawagan ko.

"Shar, ang tagal mo namang sumagot. Kamusta na?" sabi ko agad.

"Ahh, I'm sorry. Hindi 'to si Sharlene. Tita Mitch niya 'to." sabi naman niya.

"Uhmm.. Ay, Tita Mitch! Ikaw po pala yan! Si Alexa po 'to!" masiglang bati ko. Ito kasi yung pakikay na Tita nila Shar. And I swear, I really like her. Parang ang cool niyang kasama.

"Oh, hija! Bakit ka napatawag?" tanong niya.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon