33- hospital

564 18 5
                                    

Nash's POV

Nang marinig ko ang mga paliwanag ni Jai, naging malinaw sa akin ang lahat. Nakokonsensya nga ko eh. Masyado kasi akong nagpadala sa inis at galit ko sa kanya nang masaksihan ko yung pananakit na ginawa niya kay Shar. Hindi man pisikal, pero sobrang nasaktan talaga si Sharlene. Ayoko siyang nakikitang ganun. Kahit papaano, naging parang kapatid ko na rin siya. Mabuti nalang talaga, si Jai pa rin pala yung dating kaibigan ko na hinding-hindi kayang manakit ng mga babae.

Kaya naman para na rin makabawi, sinamahan namin ni Alexa sila Jai at Shar papuntang ospital. Gusto ko ring humingi ng paumanhin dun sa Crismille. Naging sarado kasi ang utak namin parepareho at pati siya ay nadamay.

"Crismille." naunang pumasok si Jai. Nagpaiwan muna kami sa labas ng kwarto ni Crismille sa ospital. Pero naiwan namang bukas ang pintuan kaya maririnig pa rin namin ang nasa loob.

"Jai? Bakit ka nandito?!" bakas sa boses ni Crismille ang pagtataka. Siya nga pala kasi ang nagpapunta kay Jai kina Shar para magsorry.

"May bisita ka." sabi lang ni Jai. Lumabas siya saglit tapos hinila niya si Shar papasok.

Nakayukong pumasok si Shar sa kwarto. Sumilip akong bahagya. Nakita kong nagulat si Crismille. Pero ngumiti pa rin siya at pinilit tumayo.

"Sandali." inalalayan naman siya ni Jai.

Natawa si Crismille. "Jai, hindi naman ako baldalo. May sakit nga ko. Pero kaya ko namang tumayo." nakangiti lang siya. Akala mo wala siyang sakit. Ang positive pa rin ng aura niya. "Hi, Sharlene." bati niya kay Shar. Tapos ay iniangat niya yung kamay niya for a hand shake.

Nakayuko pa rin si Shar. Pero tinanggap niya ang kamay ni Crismille at nakipaghand shake.

"Sorry." naiyak na si Shar. Tapos ay niyakap niya si Crismille.

"For what?" nagtatakang tanong nito ng kumalas sa yakap.

"K-kasi... pinagselosan kita. Aaminin ko rin, nainis ako sa'yo nun. Nakita ko kasi kayo ni Jai sa park. Ang saya niyo. Nainggit ako. Sorry talaga. Feeling ko tuloy ang selfish ko." sagot ni Shar.

"Hindi mo naman alam di ba?" nakangiti pa rin si Crismille.

Tumango lang si Shar.

"So there's nothing to be sorry for." sabi pa nito at pinisil ang kamay ni Shar. Para bang sinasabi niya sa gesture na yun na naiintindihan niya si Shar.

Nang kumalma na sa pag-iyak si Shar, tumingin si Jai sa direksyon ko at tinanguan ako. Senyas na niya yun para papasukin kami ni Alexa.

Nag tingnan ko ang girlfriend ko, nakayuko rin siya. Napansin ko pang tumutulo rin yung luha niya. Hinawakan ko yung kamay niya.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon