17- sophia's advice

557 16 1
                                    

Shar's POV

"What happened to you?!" gulat na tanong ni Tita Mitch sa amin ni Andre nang umuwi kaming basang-basa.

Pero pareho kami ni Andre na kagagaling lang sa pag iyak kaya wala kami sa mood na sumagot. Inabutan naman kami kaagad ni Tita Rain ng towel.

"Shar, saan ba kayo nanggaling? Bakit hindi niyo ginamit yung payong na dala mo? Pasaway ka talaga!" biglang paglapit sa akin ni Jai. o.O

Nandito siya?! ... Bigla naman akong napatingin kay Dad nung nagsalita siya.

"Kanina pa tawag ng tawag sakin yang si Jai at tinatanong kung nakauwi ka na daw. Eh kanina ka pa daw umalis. Ayaw mo naman daw magpasama. Kaya ayan, nagpunta." explain ni Daddy.

"Eh saan ba talaga kayo nagsususuot? Hindi mo pa sinagot mga tawag ko." nag aalalang sabi ni Jai.

"Please, Jai. Wag kang mangulit ngayon." cold kong sabi.

"Ako pa makulit? Eh ikaw nga tong ayaw magpasama kanina. Yan, nabasa ka tuloy. Baka lagnatin ka pa." sabi pa niya.

"Please!" cold ko uling sabi sa kanya at sinamaan ng tingin. Tapos ay umakyat na ko sa kwarto.

Nag lock ako para hindi na nila ako abalahin pa. Nagbihis na rin ako agad.

Please, Jai. Ayokong masaktan ka pa lalo. Lumayo ka na lang, please. Hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko sa'yo para lang maintindihan mong hindi pa ako handa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yong friends nalang sana tayo. Please lang, Jai.

Humiga ako sa kama pero tulala parin. Tapos ay tuluyan nang tumulo yung mga luha na kaninang kanina ko pa pinipigilan.

"Couz?" biglang tawag ni Sophia habang kinakatok ako sa kwarto. Pero hindi ko siya pinansin.

"Couz, para sa ikagagaan ng loob mo... Please, tell me." pagmamakaawa pa niya habang kumakatok pa rin. Hindi ko pa rin siya pinansin.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon