10- new member of the family

554 16 0
                                    

Ella's POV

"Ella! Nandito na si Francis!" bumaba agad ako nang sumigaw si Sophia.

"Hi Lala." nagulat ako nung si Tita Bianca ang bumati.

"Ay! Hi po!" nakangiti akong sumagot.

"Pagpasensyahan mo na ha. Pinabalik ko na si Kiko sa sasakyan para ako ang bumaba. Sinundo ko kasi siya sa condo para makalipat na. Tara na!" sabi ni Tita.

"Ahh.. Sophia, pakisabi nalang sa Mom mo and sa kanila diyan na nauna na ako ha." sabi niya kay Sophia.

"Okay, Tita. Nag aayos pa eh. Aalis po kasi kami." sagot naman ni Sophia.

"Baka isasama niyo si Lala? Nakaistorbo ba ako?" tanong ni Tita.

"Ahh, actually po, Tita... Sana isasama siya. Pero mas importante po yung lakad niya ngayon. Sige po, akyat muna ako." sagot ni Sophia at umakyat na. Nag aayos kasi silang lahat para sa picnic na sana kasama ako.

"May lakad kang importante, Hija? Naku, inistorbo ka ba namin ni Kiko?" tanong sa akin ni Tita Bianca.

"Hindi po. Ako po nagsabi kay Kiko na mag uusap po kami. Yun po yung lakad ko." sagot ko.

Ngumiti naman si Tita at inaya na ko sa sasakyan. Siya ang nag drive. Agad din naman kaming nakarating sa kanila dahil sa iisang village lang din.

"Oh, Lala, umupo ka na muna. Maghahanda lang ako ng meryenda. Wala ngayon ang Dad ni Kiko eh. May meeting." pagkasabi nun ni Tita, agad na siyang nagpunta sa kusina.

Umupo naman ako at umupo sa harapan ko si Kiko.

"Akala ko hindi mo na ko papansinin eh." nakangiti niyang panimula.

"Wala yun! Nagtampo lang ako!" natatawa namang sagot ko.

"Oh, ano nga palang problema mo?" biglang kunot noo niyang tanong.

Kinuwento ko naman agad sa kanya ang lahat. Grabe kasi mangonsensiya si Sophia eh. At naisip ko ngang tama siya.

"Sige, I'll help you." seryosong sagot ni Kiko matapos akong magkwento.

"No need, son! She'll stay here!" nakangiting sulpot ni Tita mula sa kusina at may bitbit na sandwich at juice para sa amin.

"Po?!" gulat kong tanong.

"Yes! Tama ang rinig mo! You'll stay here!" masigla niyang sagot.

"Pero Tita..." pinutol niya ang sasabihin ko.

"Lala, your parents are my friends. And Iñaki's friend. At ikaw naman, Kiko's bestfriend. Hija, naging ala-alaga rin kita nung maliit ka pa. Lalo na si Kiko... dun ko siya iniiwan sa Mama mo pag may work kami ng Dad niya. At isa pa, you're still young. Hindi kita pwedeng pabayaan mamuhay mag isa. Kaya nga nung sabihin sa'min ni Kiko na ayaw na niyang bumalik ng Canada, dali dali kaming nag decide ng Dad niya na umuwi na dito para mabantayan siya." sabi ni Tita Bianca na hawak ang dalawang kamay ko.

Napaluha ako sa mga sinabi niya at niyakap ko nalang siya. Nahihiya ako pero mas gusto kong siya ang makasama ko. Isang tao na nakikita ko sa mga mata na ayaw akong pabayaan.

"Hija, alam kong ulila ka na. You can call me Mommy if you want to." nakangiti niyang sabi na may luha na rin pala.

"Thank you po talaga." sabi ko at niyakap siya uli.

to be continued...

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon