21- forgiveness

525 18 1
                                    

Mika's POV

"Honey, you know na ayokong nagtataboy sa isang tao. Dahil lahat ay nadadaan naman sa maayos na conversation." sermon agad ni Mommy nang umalis na si Andre sa labas ng bahay. "Ayusin mo 'to, Mika. You're old enough para umintindi sa reason ng isang tao. And bata ka pa para hindi makalimot sa bilin ng Dad mo before he passed away. He told you to accept one's explanation and give him a chance." dagdag pa niya.

Paulit ulit niyang sinasabi sa akin yun sa twing iiyak nalang ako. Hindi ko nalang siya pinapansin. Wala ako sa mood for an argue. Basta! Hindi pa lang talaga ako handang kausapin si Andre.

Ilang sandali lang, nagtext naman si Alexa sa akin.

"Bes, kelan ka magvivisit kay Bebe dito sa hospital?"

What? Nasa hospital si Shar?! Ganun na pala talaga ako kalala na hindi sila pinapansin kaya hindi ko nalaman yung kalagayan ni Shar.

Magrereply sana ako kaso...

"Honey, Angel's here. Sana kahit siya manlang, kausapin mo. Please, Honey." paglapit ni Mommy sa akin.

Hindi na niya hinintay yung sagot ko. Sa halip, pinapasok na niya si Angel.

Inirapan ko siya agad nang mapansing nakatingin na siya sa akin. Then tumabi siya sa akin.

"Mika..." sambit niya agad.

"What?! Masaya na kayo?! You made me stupid! You tricked me. You made me jealous. What a great acting!" I said sarcastically then laughed.

"Of course not, Mika. Gusto ko nang sabihin sa'yo... Kaso nalaman mo na. Tsaka... nagagalit si Andre sa akin nun eh." maluha luha niyang sabi.

"Pero bakit hindi mo sinabi nung una pa lang?! You're my friend, right?!" halos pasigaw ko nang sabi.

"Kasi ginusto ko rin. I'm sorry, Mika." paghagulgol na niya.

"What?!" pagkagulat ko.

"I'm sorry talaga, Mika. Akala ko magkakagusto na sakin si Andre kung magiging sweet ako sa kanya. Pero hindi. I was his bestfriend. I loved him. Pero I realized na hindi na tama yung ginagawa ko. I didn't expect na magiging close tayo. Nakita kong mahal mo din si Andre. At kasabay nun ang paglimot ng feelings ko kay Andre. Kahit dati naman sinabi na niya sa aking hanggang bestfriend lang talaga eh. Kaya siguro nagtataka sa amin si Shar. Ako lang talaga yung mapilit. At eto, pumayag pa ako sa pagpapanggap para lang mapalapit ulit sa kanya." tuloy tuloy lang niyang pag iyak. "Pero, Mika... Maniwala ka, I value our friendship more than I value my feelings for Andre. Kasi alam kong ikaw talaga yung mahal niya. I'm really sorry, Mika." pagmamakaawa niya.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon