8- meet the parents

785 27 0
                                    

Jai's POV

Ngayon na ang uwi ng Daddy ni Shar. Kailangan maayos ako. Ano bang isusuot ko?! Shet! Ang hirap pumili ng susuotin!

.

.

.

.

Ayun!!!

Pwede na 'to! Mukha namang matino eh. Gwapo naman ako. HAHAHA.

Polo Shirt, Pants at Sneakers. Ang init kaya! Hindi naman bagay kung maglo long sleeves pa ako. At gwapo naman nga ako. HAHAHA.

"Jairus Reuel! Ano ba?! Kalalaking tao, ang bagal bagal!" sigaw ni Alexa. Galit na yan. Hindi Kuya ang tawag sa akin.

Bumaba na agad ako. "Chill." sabi ko sa kanya pagbaba.

"Tara na. Nandyan si Nash. Sinundo na tayo para daw wag na tayo mag commute." sabi niya.

"Ayun pala! Kaya ka nagmamadali! Tara na!" pang asar ko at tumawa lang siya.

Sumakay na kami sa kotse ni Nash. May driver naman siya.

"Pare, naligo ka ba ng perfume?" tawa ng tawa si Nash. Pati na rin si Alexa.

Inamoy ko yung damit ko. Oo nga! Ang tapang nga ng pabango. Haha.

"Handa ka na ba?" pananakot ni Nash na tumatawa pa din.

"Isinilang akong handa!" matapang kong sabi at tumawa na rin.

"Okay lang naman daw sa Daddy niya, sabi ni Shar. Gusto ka lang daw makilala." nakangiting sabi ni Alexa.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay nila Shar.

Ang ganda ng ayos ng bahay nila ngayon. Lahat sila ay nasa garden. At nandoon lahat ng handa. Para kaming may maliit na party sa garden. Maraming pagkain at may banner pa na Welcome Home.

"Hi hijo." approach ng Mommy ni Shar sa akin at nagbeso. Na sa katunayan ay ngayon ko lang nakilala. Ang ganda ng Mommy niya. Alam ko na kung saan nagmana si Shar.

"Hi po Tita." bati ko rin.

"Finally, nakilala rin kita. Lagi kang kinukwento sa akin ni Sophia. Itong si Shar kasi, ayaw magkwento. At kinuwento rin kita sa Dad niya." natatawang kwento ni Tita.

"Uhmm.. Oo nga po eh. Gusto daw po akong makilala ng Daddy niya." nakangiting sabi ko.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon