18- quarrels

606 19 0
                                    

Kobi's POV

"Mika, please! Forgive me." kanina pang pangungulit ni Andre sa pinsan ko dito sa school cafeteria. Pinagtitinginan na nga sila ng mga students eh. Pati na yata mga dumadaang school staffs and teachers. Buti hinahayaan lang sila.

Pero nagmamatigas parin si Mika at hindi pinapansin si Andre. Hindi nga rin tumitingin eh.

"Andre, this won't work. You can talk later. Not here, please. Pinagtitinginan na kayo. Hayaan mo muna siya." bulong naman ni Sophia sa pinsan niya habang hinihila ito paupo.

Kasalukuyan na kasing nakaluhod si Andre sa harapan ni Mika na nakayuko lang habang kumakain.

"No. Hindi ako tatayo dito hangga't hindi ako pinapatawad ni Mika." sabi naman ni Andre na inaalis ng pilit ang kamay ni Sophia sa braso niya.

"Edi wag kang tumayo." walang emosyong sabi ni Mika. Sa wakas, nagsalita rin siya ngayong araw! Kanina pa tahimik eh. Pero agad din naman siyang tumayo at umalis. Babalik na siguro sa classroom.

Umupo nalang tuloy si Andre sa inupuan kanina ni Mika. At tsaka niya ihinampas ang dalawa niyang kamay sa mukha niya.

"Shar, anong problema?" nag aalalang tanong ni Ella kay Shar.

Kanina pa rin kasi tahimik si Shar. Jai, as well. Nakwento na rin kasi sa akin ni Sophia yung scenario sa bahay nila kagabi. Ultimo yung kila Andre. Buong barkada ay alam na yung kay Andre at Mika. Wala naman kaming maitulong dahil talagang nagmamatigas si Mika.

Tumingin ako kay Shar na para ngang maputla. Hindi nga niya nabawasan yung lunch niya eh.

"Bebe? Are you okay?" tanong din ni Alexa.

Bigla namang tumayo si Jai na parang inis kay Shar at hindi na ito pinansin. Umiiling iling pa ito habang papaalis.

"Shar, mag usap tayo mamaya." seryosong sabi ni Nash na masamang nakatitig kay Jai habang papalayo sa amin.

"Nash, hayaan mo sila. Ako nga hinayaan ko lang si Kuya kagabi kahit na ang sungit nung umuwi eh." sabi naman ni Alexa kay Nash.

"Basta! Mag uusap tayo, Shar!" mariin pang sabi ni Nash. Napailing nalang si Alexa na alam niyang wala na siyang magagawa pa sa boyfriend niya.

Nang mag bell na, nagsipasukan na rin kami sa room. Nakaupo lang si Mika na naka lean ang ulo sa desk niya.

"Wala si Jai?!" gulat kong tanong nang mapansing wala pa si Jai sa classroom. Eh kanina pa yun umalis ng cafeteria eh.

"Naku! Male-late yun!" nag aalala pang sabi ni Francis.

Maya-maya pa, pumasok na yung subject teacher namin. Bumati kami at pinaupo na ang lahat.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon