20- pleasing

502 15 0
                                    

Nash's POV

"Nasaan si Jai?" tanong agad ni Shar nang dumalaw kami sa kanya sa hospital. Dumiretso na kami mula sa school.

May pneumonia daw si Shar. Dahil siguro sa pagkakabasa niya sa ulan nung isang gabi.

"A-ah B-Bebe, maaga kasing umuwi si Kuya eh. Pinapatapos ko kasi sa kanya yung assignments natin para makadalaw kami ni Nash dito." sagot ni Alexa.

Nakwento na niya ang lahat sa akin. At ganun din ako sa kanya.

"Galit pa rin ba siya sakin?" tanong niya pa ulit.

"Hindi na yun, Bro. Marami lang talaga siyang ginagawa ngayon." ako naman ang sumagot.

Tumango nalang siya na halatang malungkot padin. Sinamahan pa ng pagkatamlay niya dahil sa sakit.

"Nasaan nga pala si Mommy at Tita Mitch?" pagbaling baling niya ng tingin habang nagtatanong.

"Sinamahan ni Tita Mitch si Tita Cris sa bahay niyo para makapagpahinga. Sa ngayon, kami muna ang bantay mo. Mamayang gabi daw sila Sophia at Andre. May pinuntahan daw kasi si Andre ngayon eh." nakangiting sagot ni Alexa. "Ay, eto nga pala, Bebe. Kinuha ko yung notebook mo kay Sophia. Tapos pinagsulat kita ng notes." sabi pa ulit niya sabay abot ng notebook kay Shar.

"Thank you talaga, Bebe ha. Libre kita pag gumaling ako." sabi ni Shar kay Alexa.

"Wag na, Bebe. Movie marathon lang, masaya na ako." sabi naman ni Alexa sabay kindat.

Nagtawanan nalang kaming tatlo.

"Ang boring naman dito, bro. Buksan natin yung t.v." sabi ko nang mawalan na kami ng pag uusapan.

"Hep hep hep! Nagluluha nga si Bebe kapag nanonood or nagpho phone eh." sermon ni Alexa.

"Okay! Chill!" sabi ko sabay taas pa ng dalawang kamay. Under talaga ako dito eh! Haha.

"Tugtugan mo nalang ako ng gitara, bro. Kantahan mo naman ako, Bebe." matamlay parin na sabi ni Shar.

Beyond Expectations (The Barkada Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon