Chapter 14

92 7 0
                                    

Ziah

Alas once na ng gabi,hindi parin ako makatulog. Ni hindi ako dinadalaw ng antok e. Sa laki ba naman ng utang ko kay sir darren makakatulog kaya ako?lalong wala na nga akong kawala sa kanya. Paano na? Aabot yata ng milyon ang utang ko e..

Kahit buong buhay akong magtrabaho sa kanya ay tiyak hindi ko pa matatapos mabayaran ang utang na 'yon.

Tapos idagdag mo pa 'yong kanina. Inanunsyo talaga niya sa buong pilipinas na magpapakasal kami. Lord! Kunin niyo nalang po ako. Pagod na pagod na ako e!

******

Kinabukasan pag gising ko ay naabutan ko si tita amy sa kitchen,kakatapos lang niyang magluto ng breakfast namin. Nakita niya ako kaya bigla siyang napatitig sakin.

"Ziah pwede ba tayong mag-usap?"

"Tita kong tungkol ito sa perang pinahiram mo sa'kin,isusuli ko po---

"Hindi tungkol doon anak,may gusto lang ako marinig sayo ngayon.."

Kinabahan ako bigla. Tapos bigla ring dumating si amber at tumabi sakin.

"A-ano po 'yon?"

"Best?Totoo ba 'yong nakita namin ni mama kahapon?"

Umiwas na ako ng tingin sa kanila. Napayuko ako.

"Nakita nyo rin pala yon. Nakakahiya.." mahina kong sabi.

"So totoo nga?magpapakasal ka kay mr.sy?pero bakit best?"kunot noong tanong ni amber,halatang alalang alala siya sakin.

"Ziah may problema ba?may nililihim kaba sa'min?"tanong ni tita amy.

Di ko na napigilan ang sarili ko na umiyak.

"T-tita,.amber..may nagawa po kasi akong kasalanan kay mr.sy at gusto niyang pagbayaran ko 'yon kapalit ang pagpapakasal sa kanya.." nakapahikbi ako matapos sabihin 'yon. Napatakip si amber ng bibig sa narinig.

"Ano?nahihibang ba siya!" Biglang sabi ni ni tita.

"Best baka naman kasi type ka nun.."

"Hindi best. Hindi ganun 'yon. Yong Vase kasi nya na galing pa ng italy ay nabasag ko. Galit na galit siya sa'kin. Noong una pinagbabayad niya ako ng 500k tapos--

"Ano?? 500k ang mahal naman yata ng vase na yan ziah!" Sabat ni tita.

"My god! Empakto talaga yang boss mo noh! Ang sarap talaga niyang kainin este tirisin!!" -amber

"Hindi ko alam kong niloloko niya lang ba ako tita o totoo yon,natakot kasi ako kaya wala akong magawa kundi ang pumayag na lang." Umiiyak paring sabi ko.

Niyakap naman agad ako ni tita ng mahigpit.

"Tahan na anak,malalagpasan mo rin ito,gagawin ko ang makakaya ko para hindi ka maikasal sa lalakeng 'yon."

Kumalas ako sa yakap ni tita at umupo sa katabing sofa.

"Huwag kayong mag-alala tita,kaya ko naman ang sarili ko eh."sabi ko

"So ano best magpapakasal ka talaga sa boss mo?"tanong ni amber.

"Hindi ko alam. Siguro. Basta hindi ko alam sa ngayon.."sabi ko

"Paano ang mama't papa mo?paano kong malaman nila?" Tanong ni tita..

"Iyon na nga e,hindi ko po alam paano sila haharapin tita.."

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni amber..

"Best,kong ako nalang kaya ang mgpakasal kay boss darren. Hehe.."

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon