Chapter 16

92 5 1
                                    


Ziah

Katatapos lang ng meeting at pabalik na ako sa mesa ko may tumawag sa'kin. Paglingon ko ay si howie pala. Lumaki ng konti ang mga mata ko ng makita siya tapos kinabahan ako parang nataranta ako.

"Ziah kumusta kana?" Tanong niya ng makalapit na siya sakin

"A,e, ano aah..o-okay lang.."  hindi ko siya matingnan ng deritso. Bakit ganito?

"Mabuti naman kong ganun..halika sabay na tayo may kailangan kasi ako kay kuya.." sabi niya.

"Ah sige..tayo na.."

Habang sabay kaming naglalakad ay amoy na amoy ko ang pabango niyang sobrang bango.

"Sa tingin mo nasa mood ba si kuya ngayon?"tanong niya

Natawa ako. "Palagi namang wala sa mood 'yon eh."sagot ko.

"Haha Oo nga ."

"Tsk! Si dad  kasi inutusan pa ako nito."

"Okay lang 'yan,magkapatid naman kayo e kaya pwede mo 'yong suntokin hahaha.."

"Hahaha Oo nga noh. Pagsinigawan ako suntokin ko na lang."

"Hoy joke lang hahaha.."

Bigla naman kaming natamik ng makita namin si sir na nasa malapit lang ng mesa ko. Galit ang aura niya at parang bulkan na ano mang oras ay pwedeng sumabog.

"What are you doing here?" Tanong ni master devil with salubong kilay pa ito.

"May pinabibigay si dad sayo."sagot ni howie.

Nagkatinginan kami ni howie at nagkangitian din.

"Follow me." Utos niya kay howie.

******

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na si howie kaya ngumite ako.

"Ano?Nagsuntokan kayo?"Pabirong tanong ko

"Baliw talaga 'yon pinagbantaan pa ako." Pabulong na sabi niya sakin. Umupo siya sa mesa ko

"Ano?bakit raw?"tanong ko.

"Sinabi niya, na oras raw na agawin kita sa kanya ay malilintikan raw ako,makikita ko raw ang hinahanap ko at hindi raw siya nagbibiro."

"A-ano?"

"Tss! Kong makapagbanta parang  asawa. 

Hindi na ako umimik.

Tapos ng sumulyap ako kay howie ay pansin ko na nakatitig siya sakin.

"He's challenging me,kong agawin na lang kaya kita sa kanya?"seryosong sabi niya.

Napalunok ako sabay kurap narin habang nagkatitigan kami.

"Howie ano bang--

"Joke. Hahaha.."

Napahinga ako ng malalim. Gosh! Grabe akala ko totohanin niya.

"Ikaw talaga puro biro." Natatawang sabi ko sabay iling.

"Pero si kuya pagpasok ko halos hindi maipinta ang mukha niya. Akala ko nga susugorin ako e hahaha."

Lagot baka pagbuntonan na naman ako ng galit nun. topakin pa naman 'yon.

"Topakin kasi 'yon haha---

Napahinto kami sa pag-uusap namin ng bumukas ang pinto ni sir at lumabas siya.

Titig na titig siya sa akin.

"Ziah pasok sa loob."

Nagkatinginan naman kami ni howie.

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon