Chapter 4

172 9 0
                                    

Ziah

Ngayon lang talaga ako nakaencounter ng taong napakaarte!

Biruin mo alcohol ang ipapang-mop sa sahig? Baliw yata ang lalakeng to eh!

"Psst.. Yang nguso mo ang haba" bulong ni aling tinay. Habang nagpupunas.

Natauhan ako at ngumite

"Baliw ang boss natin eh. Ang hirap pakisamahan." bulong ko habang nagma-mop

Sinulyapan ko lang si master devil na sobrang busy sa paghahalungkat ng laptop niya.
Naka eye glass siya. Di ko tuloy maiwasang tumitig..

Sobrang gwapo niya talaga.

"Ziah sa likod mo!!" bulalas ni aling tinay

Pllakkkkk!!!

Pero huli na ang lahat dahil nasamid ko na 'yong vase sa gilid ko!

Napatakip ng bibig si aling tinay habang ako napanganga sa sobrang gulat.

"What's happening!?"

Nataranta ako ng makita kong tumayo si Master Devil at nakatingin sa direksyon namin.

"Ah. Kasi sir y-yong vase sir." sabi ni aling tinay

Napayuko ako. Nanginig ako sa takot.

Kahit nakayuko ako nakita ko parin sa gilid ng mga mata ko kong paano nagreact ang demon.

Lumuwa ang mata niya ng makita ang vase na basag.

"Who did this!!" sigaw niya.

Hindi ako kumibo pati si aling tinay

"I said..sinong nakabasag nito!!!!" napapikit ako sa sigaw niya

"A-ako po.." nanginginig na sabi ko at dahan-dahang tumingala sa kanya.

Mas nagulat siya ng makita ako.

"Ikaw na naman!!?" bulalas niya

"S-sir i'm sorry hindi ko--

"Aling tinay lumabas ka!" utos niya kay aling tinay

"Yes sir." sagot ni aling tinay,tumingin siya sakin na halatang nag-aalala ito.

Pagkalabas ni aling tinay ay nilapitan na ako ni sir

"Sorry!!?Hindi mo ba alam kong magkano ang vase na 'yan?antique yan! Binili ko yan sa italy! Worth of 500,000! Naintindihan mo?500,000!!"paulit-ulit na sabi niya.

"Sir isa lang po ang masasabi ko. Patawarin niyo po ako dahil hindi ko po talaga sinasadya."paliwanag ko.

"Kong tatanggapin ko 'yang sorry mo mabubuo ba ang vase?diba hindi!!,Bayaran mo yan!!!"

Napaawang ang bibig ko sa gulat. Adik ba siya?siya narin mismo ang nagsabi na isa akong pulubi! Engot pala ito eh sarap suntokin! Errr kagigil!!

"Pero sir wala naman akong pambayad eh" reklamo ko

"Hindi ko na problema---

"Good morning son.."

Pareho kaming lumingon sa pinto ng may biglang pumasok..at nagulat kami pareho..

"Mom!!!"bulalas ni sir..

At may sumunod pang pumasok..

"Dad?!!"

"O.Bakit gulat na gulat ka?tsup!"

Ang ganda naman ng mommy ng demons nato. Kaya pala ang gwapo.

Humalik ito sa pisnge niya.

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon