Chapter 13

180 9 0
                                    

Ziah

Sa sobrang kaba halos hindi na ako makapaglakad ng maayos. Kakalabas lang kasi namin sa elevator at sa paglabas namin ay
halos nakatingin samin ang lahat.

"Sir please sa likod na lang tayo dumaan."pakiusap ko. Pilit kong binabawi ang kamay ko na hawak niya.

Pero parang wala siyang narinig,patuloy parin siya sa paglalakad habang hila2x niya ako. Marami na akong naririnig na bulong-bulongan sa tabi-tabi.
Kaya naman panay ang lunok ko.

At sa di inaasahan,marami na ang nakapalibot samin. Yong iba mga mamimili at yong iba parang mga fans lang yata ito ni sir.
Napayuko ako dahil sa hiya. Pakiramdam ko pinagtatawanan ako o nilalait lang. Iba-iba kasi reaction nila base sa mga mukha nila.

"Sir darren totoo ba na ikakasal na kayo?siya ba magiging asaw niyo?!"

Tumigil siya bigla sa paglalakad ng marinig 'yon. Nasa bandang left side namin ang nagsasalita. Isang babae at bitbit itong cellphone.

"Nasaang ang mga kasama mo?taga media ka diba?"tanong ni sir darren doon sa babae.

"Yes sir. Nasa labas lahat ang iba tanging ako lang ang nakapasok."sagot ng babae. Pagkatapos nun ay deri-deritso na kami palabas.

"Hoy ano ba itong ginagawa mo!"mahina kong sabi.

"Will you please shut your mouth?" Gigil na sabi niya sabay pinandilatan ako. Mahina lang ang pagkakabigkas niya pero alam kong pikon na ito sa kakareklamo ko.

Pagdating sa labas ay doon na nanghina ang dalawang tuhod ko.

Ang daming reporters at pinagkukuhanan kami ng pictures at video. Nakayuko lang ako at tinakpan ko mukha ko ng buhok ko.

"Mr. Sy totoo bang magpapakasal kana?"

"Mr. Sy maraming nagsasabing kakakilala niyo lang pero bakit nagdesisyon agad kayong magpakasal?"

"Mr. Sy maari niyo bang ipaliwanag samin ang lahat tungkol sa plano niyong kasal?"

"Mr. Sy buntis ba ang girlfriend niyo kaya kayo nagmamadaling makasal?"

Diyos ko! Ano ba to! Lagot na talaga ako! Tiyak nakikita na ako ngayon sa tv. Paano si mama at papa?si amber?si tita amy?

Kong walang sandamakmak na security si sir tiyak kanina pa kami dinumog ng mga taga media.

At yong iba may buntis-buntis pang nalalaman. Anong akala nila sakin? Virgin pa ako noh at ibibigay ko lang itong Vcard ko sa lalakeng mamahalin ako ng tapat yong mabait at yong aalagaan ako hanggang sa pagtanda ko.

At hindi ko nakikita kay sir 'yon. Para sakin hindi siya deserving mahalin ng kahit sinong babae. Kahit na crush ko siya pero i swear hinding hindi ako magkakagusto sa kanya. Hindi pa ako baliw noh!

"Totoong ikakasal ako sa babaeng kasama ko ngayon. Nagmamahalan kami. Iyon lang."

Mahal raw! May mahal2x pa siyang nalalaman. Kadiri!

Hinila ako ni sir ng mabilis upang isakay na sana sa kotse niya ng may biglang sumigaw!

"Wag mo ng bilugin ang ulo namin mr.president! May nagsabi sakin na kaya lang magpapakasal dahil sa ama mong si Mr. Dashell Sy. At yang babaeng yan binayaran mo lang yan tama ba ko?!.

Napalunok akong napatingin kay sir. Nakita ko agad ang galit na aura. Naramdaman ko ang biglang pagkuyom ng mga kamao niya. Pero pilit parin siyang naging kampanteng humarap uli sa camera.

"I really love this woman! Ano pa bang gusto niyong katibayan? Ito ba?!"

Nabigla ako ng bigla na lang niyang hinapit ang baywang ko at....

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon