Chapter 3

207 12 0
                                    

Darren

Naloko na!

Wala naman talaga sa plano 'yong kanina e!

Kaso napasubo ako dahil sa kakulitan ni dad!

Kaya naman kong sino-sino na itong hinila ko para ipakilalang girlfriend ko. Bwesit!

Well. Maganda naman siya kaso mukhang pulubi. Napaka oily pa ng mukha at napa frizzy ng buhok. Parang hindi naliligo. Kadiri!

"Kahit presidente ka dito wala ka paring karapatang hawak-hawakan ako sir. Hinagip mo pa ang beywang ko! Pervert!"

What? Ako? Pervert?

Diba dapat magpasalamat pa siya dahil nahawakan ko siya sa kabila ng hitsura niya!

"Hey! Hindi ako pervert okay! Wala lang akong choice kanina. Kong alam mo lang sana kong gaano ako nandiri. Mukha ka kasing hindi naliligo eh!" Sabi ko.
At nandito kami ngayon sa rooftop ng mall. Dito ko siya kinausap dahil baka may makakita pa sa amin. Mahirap magka issue lalo sa ganitong klaseng babae. Baka sabihin ng mga tao na wala akong taste.

"Ang kapal ng mukha mo!,alam ko na lamang ka ng sampung paligo sakin dahil mayaman ka! Pero wala kang pinagkaiba sa taong grasa dahil sa sama ng ugali mo! Kaya pala walang pumapatol sayo dahil panis ang pagkatao mo!"

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Umusok ako sa galit! Siya kasi ang kauna-unahang nagsabi sa'kin ng ganun!

Humakbang ako papalapit sa kanya. Napaatras naman siya..

''Anong sabi mo!"galit na sabi ko

Hindi siya sumagot pero patuloy lang siya sa pag atras dahil patuloy din ako sa paghakbang palapit sa kanya. Alam ko na natatakot na siya sakin dahil panay ang paglunok niya ng laway habang nakatitig sakin.

"Hindi mo ako kilala,Oo presidente ako ng isang kompanya pero higit pa ako doon. Kayang-kaya kong tirisin ang isang kutong lupang kagaya mo."patuloy na sabi ko.

Napahinto siya sa pag-atras ng makorner na siya sa dingding nitong rooftop. Wala na siyang kawala ngayon!

"Bakit anong gagawin mo?papatayin mo ko?ihuhulog mo ako dito?ano?"angas na sabi niya

Napangesi ako at inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya.

"Bakit hindi.."

Lumaki ang mata niya sa narinig.

"Nandito ako para maghanap ng
trabaho! Kong ayaw mo akong tanggapin aalis na ako!"angas paring sabi niya.

Nagbabalak siyang layasan ako pero bago pa siya makagalaw ay hinarang ko na magkabilang braso ko.

"Ano ba! Lumayo kana nga sa'kin!"singhal niya

"Sige. Bibigyan kita ng trabaho pero huwag na huwag kana ulit lalapit sakin at 'yong paghawak
ko kanina pwede naman sigurong kalimotan na lang natin 'yon kapalit nitong trabahong ibibigay ko sayo."

Kunot noo parin siya habang nakatitig sakin.

"Kong hindi lang ako gipit ngayon hindi ko tatanggapin itong trabaho mo!"

"So sad.. Mahirap ka eh.. Alam mo na..pulubi is pulubi.. Tss. Follow me!"

*************

Ziah

Letseng buhay to!

At letse siya! Nakakainis! Kong manlait sa kapwa wagas! Sino ba siya sa akala niya?

Oo president siya. Mayaman. Gwapo,maputi,matalino. Pero tao parin siya,mabaho parin otot niya for sure!!

Akala ko pa naman mabait siya at gentleman! Eh kasi naman parang anghel ang hitsura e pero ang totoo master of devil pala!

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon