Chapter 9

165 10 0
                                    

Ziah

Mga ngeti ang sumalubong sa'kin ng papalapit ako ng storage room. Si aling Tinay at aling Josie at Aling emie ay nakangite sa'kin ngayon kaya ngumite narin ako.

"Good morning sa inyong lahat.."bati ko..

"Good morning din hija. Naku masaya kami para sayo hija.."bulalas ni aling tinay

"Oo nga ineng. Nararapat ka rin naman sa posisyon na 'yon eh." Sabi ni aling emie

Kumunot na ang noo ko. Anong ganap?anong meron?

"Siguro type ni sir darren itong si ziah,maganda kasi at mahinhin." Sumabat din si aling josie

"Po?T-teka ano po bang nangyayari?" Nagugulohan na sabi ko..

Nagkatinginan silang tatlo sa isa't-isa.

"Hindi mo alam ineng?"-aling emie

"Ang alin?"

"Naku! Mukhang hindi nga!"bulalas ni aling tinay

"Haha ikaw talagang bata ka. Itikom mo nga yang bibig mo..nakanganga eh. Ano ka ba ziah,napromote ka!"sabi ni aling josie

"Promote?ako?"tinuro ko sarili ko
"Secretary kana ni sir darren!"sabi ni aling tinay..

Halos malaglag ang panga ko kasabay ang pagkabog ng dibdib!

Naloko na! Wala na! Nagsisimula na nga ang kalbaryo ng buhay ko!

Hindi ko tuloy alam paano magrereact sa harap nila. Gusto kong matuwa dahil napromote ako pero naiinis din ako dahil alam ko naman talaga ang dahilan kong bakit naging secretary niya ako.

So sad..

Tiyak dobleng pang-iinsulto na naman ang matatanggap ko nito,sasabayan narin niya ito ng sigaw at panglalait!

********

Darren

Umusok na ako sa galit dahil 10 am na at wala parin siya!
Marami akong schedule ngayon at tungkolin niyang ipaalam iyon lahat sakin!

Pero nasaan na ang babaeng 'yon?! Talagang ginagalit niya ako ng sobra!

"Sir nandito na po si ziah.."sabi ni vincent ng pumasok sa opisina ko. He's my driver,inutosan ko siyang hanapin ang babaeng 'yon!

"G-good morning sir."

Aba! Bumati pa sa'kin? Ang kapal ng mukha! Hindi na nahiya!

"Morning?Morning pa ba ziah?Malapit ng mag alas-once!"bulyaw ko.

"Sumama po kasi ako kay brena sir,may tinuro siya sa'kin na---

"I don't f*cking care! Ang gusto ko ay pumasok ka sa tamang oras!! Naintindihan mo ba?"

"O-opo.."

"Then what's my schedule for today?"

"Po?" Kunot noo pa siyang nakatingin sa'kin na parang wala talagang alam!

"Bobo! Secretary na kita diba?! kaya sabihin mo sa'kin kong ano ang schedule ko! Kong may appointment ba ako! Gets mo?"

F*ck! Tatanda ako ng maaga dahil sa kabobohan ng babaeng ito!

******

Ziah

Nataranta na akong lumabas ng opisin niya! God! Nanginig ako sa takot! Nanlilisik ang dalawang mata niya sa'kin para talaga siyang demonyo..

Kinuha ko ang nakasulat na schedule na si brena pa ang mismong nagsulat para sa akin. At salamat talaga ng marami sa kanya.

Tapos tumakbo na ako pabalik ng office niya.

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon