Chapter 5

168 11 0
                                    

Ziah

"Ziah okay ka lang ba?bakit namumugto yang mata mo?"tanong ni amber sakin. Kumakain kami ng breakfast ngayon at patapos narin ako.

"Umiyak ako kagabi. Nahome sick ako eh. Miss ko na si mama at papa pati si boboy."sagot ko

"Ganun ba,hayaan mo masasanay ka rin. Pero yong first day of work mo kumusta?"

Doon na ako natigilan at napahinga ng malalim

"Haha ang lalim nun ah."bulalas ni amber

"Eh kasi buisit na buisit ako sa boss ko!"bulalas ko

"Si Mr.Sy?!"

"Oo sino pa ba!,ang yabang at kong manglait naku! Sayang ang gwapo pa naman!"

"Hahaha,tama ka marami ang nagsabing terror nga raw yang si Sir Darren,si xander nga maraming beses ng pinahiya niyan eh." kwento ni amber

"Tsk! Wala naman akong magawa eh,kailangan ko ng trabaho kaya naman bahala na si batman.." sabi ko sabay tayo at niligpit ang pinagkainan.

"Sisiw lang yan ziah,sa ganda mong yan mapapaamo mo agad si President darren. Hahaha"

"Tss. Sana nga.."sagot ko.

*********

30 minutes ang binyahe ko bago makarating sa mall dahil sa traffic. Napatingin ko sa relo ko ng bumaba na ako sa taxi.

Shit! Late na ako..

Lagot na ako nito..

Tumakbo ako papuntang likod. Nakita ko si manong julio. Yong guard na nakachika ko kahapon. Ngumite siya agad ng makita ako.

"Good morning manong.."bati ko

"Good morning din hija. Bilisan mo dahil kanina kapa hinahanap ni Sir darren."sabi ni manong

Patay na...

"Bakit daw manong..naku lagot na ako.."

Nagmadali na akong pumasok sa loob. Naabotan ko si aling tinay at Gina na nagmomop malapit sa storage room.

"Good morning po sa inyo."bati ko..

Tapos huminto sila sa ginagawa nila at lumapit sa'kin.

"Zia,hinahanap ka ni sir. Mukhang paborito ka agad ng mga mata niya ngayon. Ang aga pang pumasok sa opisina niya." Sabi ni aling tinay

Napalunok ako ng laway.

God! Kunin niyo nalang ang buhay ko..huhuhu

"Galit ba siya nong hinanap ako?"napangewing tanong ko.

Magkasabay'ng tumango ang dalawa kaya napakagat labi na ako.

Dali-dali akong nagbihis at tumakbo papuntang 4th floor ng biglang..

Blagggg!!!

"Ahh!" may bumangga sakin. Napaupo tuloy ako sa sahig.

"Shit! Naku sorry miss.."

Napangiwe ako dahil sa sakit ng pwet ko.

"Aray ko.."daing ko sabay dahan-dahang tumayo..

"Sorry ha..nagmamadali rin kasi ako"

"Okay lang hindi rin naman kita----na-p-pan-sin."

Nautal ako sabay ang pag awang ng bibig ng makita ko ang nakabangga ko.

Lalake ito at sobrang gwapo rin.
At nakangite pa siya sa'kin.

"Sorry talaga.."sabi niya..

"Okay lang."sabi ko

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon