Chapter 17

78 5 0
                                    

Darren

Hindi ako mapakali,nandito ako ngayon sa kwarto ko at magpapahinga na sana kaya lang lagi namang sumasagi sa isip ko yong nanyari kanina sa hospital.

Tsk! Napaka komplekado na ng sitwasyon namin ni ziah at kailangang maayos ko ito as soon possible!

Habang nag -iisip ay bigla namang pumasok si howie,sinamaan ko siya ng tingin,hindi man lang kumatok!

"Hoy kuya!" Singhal niya. Masama ang tingin niya sakin.

Kumunot naman ang noo ko habang pinagmasdan siya.

"Hindi kaba marunong kumatok?" Walang ganang tanong ko. Umupo na ako sa kama at hihiga na sana.

"Ganyan kaba talaga ka sama! Wala ka talagang puso,lagi mo na lang dinadagdagan ang problema ni ziah!"sabi niya.

Naalerto naman ako,ang lakas kasi ng boses niya baka marinig pa siya ni dad.

"Wala kana doon howie,huwag kang makisawsaw."sagot ko.

"Kong pwede nga lang kuya! Alam mo ba kinausap ako ng mama ni ziah,inaalam niya kong ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon ninyu,galit siya ang sabi niya oras na malaman niya ang pinag gagawa mo sa anak niya ay hinding hindi niya palalampasin ito!"

Hindi ako nakakibo,bigla ring humabag ang dibdib ko. Nagugulohan rin ako.

"Ginagamit mo si ziah,anong klase kang tao!"singhal ni howie

"Si ziah ang matagal ko ng hinahanap alam mo ba 'yon?"sabi ko

Bigla siyang natigilan.

"Siya ang matagal ko ng hinahanap na babae na papakasalan ko."mariin na sabi ko.

"Hindi ka niya mahal kuya,at hindi mo rin siya mahal diba kaya tigilan mo na to."

"Itatama ko ang lahat,gagawa ako ng paraan para mapalapit siya sakin. Kaya lumayo ka sa kanya."

Ngumisi siya.

"Natatakot ka kuya? Sabagay,magaan ang loob ni ziah sakin  at ganun din ako,baka nga mahal ako nun--

"Gago ka! "Kinuwelyohan ko siya at diniin sa pader "alam ko ang takbo ng utak mo howie dahil nakita kitang lumaki! Isa kang ambisyosong tao at hindi karin kontento sa kong ano ka ngayon kaya alam kong iiyak lang si ziah sayo kaya binabalaan kita!"

"Ano bang pinagsasabi mo! Oo ganon ako pero ng makilala ko siya hindi ba pwedeng magbago ang pananaw ko? Hinding hindi siya iiyak sakin kuya! Hindi ako kagaya mo!"

Tinulak ko siya palabas.

"Lumabas ka! Tandaan mo to! Oras na lumapit ka sa kanya makikita mo talaga ang hinahanap mo!"

******

Ziah

Inagahan ko ang pagpasok ko sa trabaho dahil maaga akong uuwi mamaya, doon ako maghahaponan sa hospital,gusto kong makasabay si mama sa pagkain. Gusto kong katabi ko si papa kahit ilang oras lang.

Nakahanda na ang lahat ng mga kakailanganin ni sir,pati sched niya at meetings na dadaluhan kaya siguro naman hindi 'yon magsusungit pag dating nun..

Paglabas ko ng opisina niya ay sakto namang papasok siya,nagtama ang mga mata namin.

"Teka ba't ang--

"Good morning sir.."bati ko

"Ang aga mo naman ziah.."

Pumasok na siya sa loob

"Ano kasi sir,mamaya kasi kong okay lang sana--

"Isarado mo muna ang pinto,mag-usap  tayo." Tumuloy na siya sa opisina niya.

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon