Chapter 23

83 7 4
                                    


Darren

Napangite na lang ako habang nakatitig sa kanyang mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Ilang inch lang ang lapit ng mukha naming dalawa. Sa ngayon hindi ko pa tukoy kong ano itong nararamdaman ko pero kakaiba e,sa twing nakikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko tulad kanina sa simbahan. Ang saya sa pakiramdam na papalapit siya sa akin kanina..

Nahuhulog na nga ba ako sayo ziah? Mahal na ba kita?

Ako ba kaya mo ba akong mahalin?

Hinaplos ko na lang ang maamo niyang mukha.

Actually,natatakot talaga akong magmahal dahil baka masaktan lang ako sa huli. Takot akong maiwan. Takot akong mag-isa. Ang mama ko nga ayaw sa akin e kaya iniwan niya ako.

I've dated a lot of women. Mapa model,actresses at minsan nga anak ng businessman pero di ko iyon seneryoso,pagsasawaan ko lang ang katawan nila then wala na. Alam ko naman na pera at pupolarity ko lang ang habol nila sa akin.

*******

Ziah

Biglang napadilat ang mga mata ko dahil may mabigat na dumantay sa dibdib ko. Lumaki ang mga mata ko ng may maputing braso akong nakikita sa may dibdib ko.

"Wahh!! Manyak!!" Bigla akong napaupo at niyakap ang sarili.

"Uhmm bakit ba ang ingay mo.."
Bigla ring napabangon si darren habang kusot-kusot pa ang mga mata niya.

"Bwesit ka! Manyak! Lumayo ka nga sa akin!" Singhal ko. Kunot noo naman itong nakatitig sa akin.

"Hoy ziah ang aga-aga nambebentang ka!  Malay ko bang napadantay itong braso ko sa-- d-diyan sa dibdib mo.."sabi pa niya..

Di ako sumagot sinamaan ko siya ng tingin yong nakakamatay talaga!

"Tss! Para namang may dibdib,ang liit naman.."

Napakagat labi ako sa inis. Bwesit na lalakeng to! Nang-aasar talaga..

"Tse! Makaalis na nga!"
Padabog akong tumayo at nagtungo ng banyo.

"Bilisan mo dahil maliligo rin ko!" Pahabol niyang sabi bago ako tuloyang nakapasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob ng banyo niya ay namangha ako dahil ang laki kasi,halos kasing laki ng kwarto niya. Kaloka!

Tapos pwede ka pang mamili ng body wash. Ang dami pa,iba't ibang brand..
Pero napasimangot ako dahil wala siyang ibang shampoo,panlalake lang meron siya pero okay na siguro ito. Doon nga sa amim sa probinsiya minsan wala pa kaming shampoo kasi walang pambili hehe.

Hinubad ko na ang damit pantulog ko at sinimulan ko ng basain ang katawan ko ng biglang...

Tok! Tok! Tok!

Mag sunod-sunod na katok akong narinig sa pinto.

"Bilisan mo ang pagligo,aalis na tayo ngayon!."

Napasimangot ako sa narinig. Napaka demanding talaga ang lalakeng to!

"Maghintay ka nga! Kakaumpisa ko pa lang e!" Sigaw ko

*********

Darren

Nag-empake ako ng kaunting gamit dahil pupunta kami ng Zambales ngayon. May binigay kasing regalo si mica sa amin. Trip to Zambales daw. Private resort iyon ng kaibigan niya. ISLA FERRER ang pangalan ng islang iyon. At kaibigan ko rin si rafaella she's one of my fling noon pero nakaraan na iyon. 2 years ago.

Kagabi nag research ako tungkol sa islang iyon at nakita ko na maganda nga ang lugar na iyon para ka na ring nakapunta ng ibang bansa. Napangite ako dahil malayo na pala ang narating ni rafaella.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon