Chapter 20

72 3 0
                                    

Ziah

Pagsapit ng gabi ay dumating na nga ang parents ni darren kasama si mica pero wala si howie. Namiss ko tuloy siya kahit na dalawang araw pa lang na di kami nagkita.

"Bakit ka nakabusangot?enexpect mo siguro na sasama si howie noh?" Pang-aasar ni darren. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Magkatabi kami ngayon sa sofa dito sa living room.

While kaharap naman namin ang mommy at daddy niya. Hinihintay na lang namin si papa na nagbihis pa sa kwarto nila.

Nang lumabas si papa at mama ay
umupo narin sila kasama namin kaya nagsalita na si tito dash.

Sinabi ni tito ang gusto niyang plano para sa kasal,sinabi nya rin ang petsa at araw. Wala namang tutol si mama at papa sa sinabi ni tito maliban sa kalooban ko.

Masakit ang puso ko.

Pero wala akong magawa kundi umuo ng umuo sa mga desisyon nila.

"Huwag kang mag-alala libre kita mamaya.." Bulong ni darren.

Siniko ko lang siya ng konti. Ang kulet naman ng isang to,nagmo-moment ako eh tss!

"Ngite na ,kasi sayang ang brazillan blowout mo niyan." Bulong niya uli.

Kinurot ko siya sa braso kaya napa "ahw" ito.

"Pwede ba,makinig ka nga,nagsasalita ang dad mo oh."bulong ko rin.

"Masakit yun ziah" sabi niya at lumabas na naman ang mala monster look niya.

" Teka,nakikinig ba kayong dalawa?" Biglang tanong ni tito dash.

"Oo naman dad,kahit ano pa yan,payag kami." Sagot ni darren."

"Really anak?Wow yun naman pala love,so huwag na nating patagalin ito since pumayag sila na sa simbahan idaos ang kasal." Bulalas ng mommy niya. Lumaki ang mata ko. Sabi kasi ni darren sa huwes ang kasal namin e tapos ngayon simbahan na? Ano ba to! Tiyak buong mundo ang makakaalam na asawa ako ni darren ybrael sy.

"Sana nga buo na ang desisyon ninyong dalawa mga anak. Sana maging maligaya kayo sa piling ng isa't isa."sabi ni papa. Napalunok ako.

"Pa,pangako aalagaan ko si ziah at ituturing kong princesa,mahal na mahal ko siya." Ohw. Best actor talaga..

"Pero simpleng kasalan lang sana ang gusto namin." sabat ko.

"Tama si ziah mom--

"Anak. Once in a lifetime ka lang ikakasal kaya dapat engrande! Dapag special." Sabat ng mama niya.

"Sa wakas,natupad rin ang matagal ko ng hiling darren anak,kaya sana pagbigyan niyo kami ng mommy niyo. Ziah sana naman pagbigyan mo kami na sa simbahan kayo ikasal." pakiusap ni tito.

"O-okay po." sagot ni darren

Yan lang ang nasagot niya. Okay po! Nautal pa. Bakit pagdating sa parents niya wala siyang boses? Parang takot siya. Tama! May sakit pala ang daddy niya kaya wala siyang dapat gawin kundi ang sumunod.

Sumang-ayon na rin si mama at papa at tuwang-tuwa pa ito. Iniwan namin sila sa sala at kinaladkad ko si darren sa kwarto ko.

"Ziah masakit ang kuku mo. Bakit kaba nanghihila?" Pagsusungit niya. Kunot ang noo niya at titig na titig sa akin. Namumula ang ilong niya.

Parang nasaipian na naman siya ng demonyo. Nakakatakot!

"S-sorry."

"Ano bang problema ziah? Talk to me now habang may pasensiya pa ako sayo." Ma autoridad na sabi niya.

"Ah kasi ano.. Bakit sa simbahan--

"Sa simbahan man o huwes pareho lang iyon."sagot niya.

"Pero alam mo naman diba na palabas lang ang kasal na ito."sabi ko..

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon