Chapter 1

334 17 0
                                    

"Anak mag-iingat ka doon ha,huwag mong papabayaan ang sarili mo*sob*".sabi ni mama lucy habang humihikbi ito,yakap-yakap ako. Si papa din umiiyak. Pati si boboy na bunso kong kapatid.

"Ma,pa. Huwag kayong mag-alala,kaya ko ang sarili ko. At sa maynila lang naman ang punta ko hindi naman ako pupunta ng planet Venus eh."sabi ko sa kanila at inisa isa ko silang niyakap.

"Pa. Pangako kapag nakahanap ako ng trabaho doon. Titigil kana sa pamamasada ah." Tumango si papa sabay pahid ng luha niya.

"Salamat anak. Mahal na mahal ka namin nak." sabi ni papa

At nagroup hug kami.

"Ate. Pag marami ka ng pera ibili mo ako ng Cellphone ha 'yong android."

Natawa ako sa kapatid ko. Ginulo ko ang buhok niya.

"Haha Oo naman. Promise.."

"Yehey!!" nagtatalon naman si boboy sa tuwa.

"O siya! Tama na..kanina pa naghihintay si manong uh." Dumako ang tingin ko ky manong driver na kanina pa naghihintay.

"Babye ate.."sabi ni boboy ay yumakap sakin.

"Babye bunso. Tandaan mo lablab ka ni ate. Ma,pa. Aalis na ako. Pangako babalik ako dito pag nagkasahod na ako."sabi ko.

Tumango sila at niyakap sa huling pagkakataon.

"Anak mag-iingat ka doon,huwag kang magpapaapi lalo na pag nasa tama ka." sabi ni papa

"Anak kapag hindi mo kayanin doon,huwag kang magdalawang isip na umuwi agad okay?"

"Opo ma..kaya ko ang sarili ko. Mahal na mahal ko kayo.."

Pagkatapos ng drama namin ay sumakay na ako sa motor ni manong at papuntang terminal ng bus papuntang maynila.

At sa mahigit kalahating oras na biyahe papuntang terminal ay nakarating din.

"Salamat manong."sabi ko sabay abot ng pamasahi.

Tapos huminga ako ng malalim ng makita ko ang nakahelirang bus papuntang maynila.

This is it keziah!! Sabi ng isipan ko at tumuntong na sa bus.

**************

Darren

"What?ito?itong babaeng to?" bulalas ko sa harap ni daddy at mommy sabay turo ko sa isang babaeng-- Urg! Nevermind!

"Darren?umayos ka!,alam mo naman diba na ginagawa ko ito para sa future mo at ng company kaya--

"Dad!,akala ko ba napag-usapan na natin to?matanda na ako,at saka hindi ko kailangan ng girlfriend o asawa para umunlad ang kompanya."katwiran ko sa ama kong pakialamero

"Kaya nga,28years old kana at kailangan mo na kaming mabigyan ng apo ng mommy mo."katwiran naman niya.

Rinig ko ang paghagikhik ni ah--ano nga bang pangalan ng babaeng 'to!

"Anong nakakatawa?sa tingin mo ba gusto kong magkaanak sayo?Bukod sa hindi ka maganda puro buto pa katawan mo subukan mo kayang mag vitamins?"

"What?What did you say?natural body ko ito dahil isa akong modelo!"

"Darren! Sumusobra kana!"sigaw ni daddy sakin

"Sinisigawan mo ako dahil sa kanya?"tinuro ko ang babaeng puro buto na sa kapayatan

"Wala kang galang maayos dapat tayong nag-uusap dito hindi yong binabastos mo itong bisita natin."

"Ayoko sa kanya at wala akong balak mag-asawa."

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon