Chapter 21

46 4 1
                                    

Ziah

Dalawang araw ang lumipas mula ng makalabas si daren ng hospital pero matamlay parin siya. Iwan ko ba sa lalakeng 'yon,hindi naman nagkwento sa sakit niya at kong ano ang resulta ng mga test niya.

Pagkatapos makausap ang doktor niya ay umuwi na kami. Pansamantala akong nasa bahay niya ngayon dahil nakiusap ang dad niya a alagaan muna siya kahit dalawang araw lang.

Kakatapos ko rin mglaba ng mga damit niya,naglinis narin ako ng buong bahay. Bakit na ang laki ng bahay niya e siya lang naman mag-isa dito.

"Uuwi na ako mamayang hapon."Malamig na sabi ko. Kasalukoyang kumakain siya ngayon.

"Okay,ihahatid na kita."

"Huwag na,may dadaanan pa kasi ako."sabi ko.

"No buts. Ihahatid kita."pamimilit niya.

Inirapan ko lang siya sabay talikod sa kanya.

"Pagkatapos ng kasal,dito na tayo titira kaya masanay kana dito. Magiging bahay mo na rin ito."

Humarap uli ako..

Natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko kasi doon kami titira sa condo kasama ni papa at mama.

"Ano?Ayoko nga!,ayokong iwan si mama at papa." sabi ko

"Hindi pwede. You need to stay here with me sa ayaw at gusto mo."ma awtoridad niyang sabi.

"Ayoko ng sabi--

"Ano ba ang dapat kong gawin para sumunod ka sa akin ziah?"Seryosong tanong niya.

"Ayokong magiging miserable ang buhay ko.,ayokong makasama ka. Tama na ang pagbigyan ka sa kasal pero ayokong makasama ka sa iisang bubong"sagot ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Nataranta tuloy ako..

"Maging miserable?How could you say that to me ziah?Sa tingin mo pababayaan kita kapag magkasama tayo?"

Napalunok ako. Galit na naman siya. Sinisigawan na naman niya ako.

"You are my wife!,kasama ka na sa mga plano ko kaya aalagaan kita."galit na sabi niya.

"Bakit kaba sumisigaw?hindi ako bingi!"sigaw ko rin.

"Napaka selfish mo kasi,ikaw lang naman ang maraming plano e!"bulyaw ko.

"What?!"

"Ayokong makasama ka! mabigat sa loob ko ang pakasalan ka pero dahil sa hirap wala akong magawa!,kahit sarili kong kaligayan kailangan kong isakripisyo para sa pisteng kasal na yan!" umiyak na ako. Kailangan ko lang ilabas itong hinanakit sa dibdib ko.

"Dahil kay howie kaya ka nagkakaganyan diba? Sige puntahan mo siya!,tingnan natin kong hanggang saan 'yang kahibangan mo!"

"Kung pwede lang sana akong mamili between you o si howie, mas pipiliin ko siya dahil inaalagaan niya ako."diretsong sabi ko

Huminga siya ng malalim habang nasa harapan ko.
"Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit ang hirap mong mahalin. Ang hirap mo pakisamahan nakakasawa ka!." Umiiyak na sabi ko.

Hindi siya nakasagot kaya umalis na ako mas mabuti umuwi na ako sa bahay kasi pagod na pagod na ako.

******

Dahil sa inis napadali ang uwi ko sa condo nila mama,papasok na ako sa loob ng may humablot ng braso ko.

"D-darren..

"Sumama ka sa'kin!"

Bigla na lang niya akong hinila palabas ng building..

"Ano ba bitawan mo na ako!!"

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon