Chapter 19

67 5 1
                                    

Ziah

Mabilis lumipas ang araw at salamat at sa diyos ay nakalabas na si papa ng hospital. Nandito na kami ngayon sa bago naming condo. Ito 'yong condong bigay ni darren sa amin bilang regalo niya kina mama at papa.

Masayang masaya si papa sa ginawa ni darren dahil kitang kita naman sa hitsura niya. Wala nga siyang ibang bukang bibig kanina kundi darren puro darren. Hay naku!

"Pa,ma kain na tayo may niluto akong adobong gulay dito." Tawag ko sa kanila habang naghahain ng haponan.

"Boboy halika tulongan mo nga ako dito saglit." Tawag ko sa bunso namin,pero hindi ito sumagot.

"Boboy! Parang di ka yata nakikinig e!" Sigaw ko.

"Ate saglit! May bisita tayo." Sagot nito pero malayo ito. Parang nasa labas ang boses niya at macurious ako kaya lumapit ako.

"Sino ba yan? Gabi na---

May nakangeting lalake na kakapasok lang.

" hon.."

Si darren. At nakangite siya ngayon kaya naman kinikilabotan ako. Diyos ko! Tuloy tuloy na ba talaga ang pagbabago ng ugali niya? Tuloyan na ba talagang nawala ang devil side ng boss ko?

"H-hon. Tamang tama maghahaponan kami. Sumabay kana." Sabi ko.

"Okay. May dala rin akong ulam dito galing kay mommy ihain mo na rin." Sabi niya sabay abot ng paper bag.

"Thanks." Sabi ko.

Bumalik ako ng kitchen at hinain ang ulam na dala niya at infairness ang bango.

Habang nasa kitchen ako tanaw ko parin siya sa living room kasama si boboy. Si boboy naman kasi ang daming kwento sa kanya. Kita ko naman sa mukha niyang naaaliw siya kay boboy,tumatawa pa nga ito. Tama nga sila hindi mo dapat husgahan ang isang tao lalo na kapag hindi mo siya lubosang kilala.

Masaya ang haponan namin. Si boboy ang bida! Kong ano-ano ang kwento niya tungkol sa probinsya. Hanggang si darren naman ang nagsalita at ang nakakagulat sinabi niya kay mama at papa kong ano ang ugali niya sa kapag nasa trabaho. Sinabi niyang bossy nga siya at madaling uminit ang ulo lalo na kapag ang mga empleyado niya ay hindi sumusunod sa kanya.

"Naiintindihan namin iyon anak dahil hindi madaling magpatakbo ng negosyo. Lalo na dahil maraming umaasa sayo. At marami din kalabang bumabatikos sayo. Pero sana bigyan mo rin  ng oras na pakinggan ang mga paliwanag at opinyon ng mga taong nakapaligid sayo. Siguradong makakabuti at makakatulong iyon sayo." Sunod sunod na sabi ni papa.

Aba! Iba rin si papa a parang dating businessman lang ang peg?

"I will. Makakaasa kayo papa." Seryosong sabi niya.

*****

Pagkatapos ng haponan ay tumambay muna kami sa labas sa may terrace. Katabi ko siya pero hindi siya nagsasalita. Nakatulala lang ito.

"Hoy! Anyari sayo?" Siniko ko siya ng mahina.

Tiningnan niya lang ako tapos balik tulala uli.

Hala! Di kaya sasapian uli ito ng masamang spiritu?

"T-teka. Masama ba pakiramdam mo? May kakaiba kabang nararamdaman ngayon like parang pumapasok na ano sa katawan mo?" Nag-aalalang sabi ko.

Kunot noo naman siyang tumitig sakin! Ayan na nga! Sinasabi ko na e!
May sumasanib na nga siguro sa kanya.

"Engot! Kong ano-anong iniisip!" Sabi niya. Salubong parin ang kilay.

"E kasi naman nakatulala ka."

The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon