ZiaHalos isang oras na akong umiiyak dahil sa nalaman ko mula kay boboy. Kaya pala nandito ang kapatid ko dahil my nangyaring masama kay papa. Walang magbabantay sa kanya kaya naman hinabilin muna siya ni mama kay amber. May sakit si papa,sakit sa puso at kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon.
Anong gagawin ko?paano ako makakatulong sa mga magulang ko? Kong tutulong ako saan naman ako kukuha ng pera?
"Ate paano na si papa?baka mamatay siya ate.*sob*"
Nagsimula ng umiyak si boboy sa harap ko. Nandito siya ngayon sa kwarto ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang ulo niya.
"Ano kaba. Hindi mangyayari 'yon. Ako ang bahala kay papa boboy,hinding-hindi ko siya pababayaan." Sabi ko kahit naiiyak na. At sa totoo lang wala pa akong naisip na paraan ngayon. Hayy. Paano ba 'to!
Kinabukasan maaga akong nagising dahil gusto kong makausap ng masinsinan si sir. Magpapaalam ako na aabsent sana ng isang linggo.
At sana pumayag ang master devil na 'yon!
"Zia mag-almusal kana. Naghain na ako sa mesa. Pumunta ka dun. " Sabi ni tita amy sa'kin dito sa kwarto.
"Opo tita. Salamat po."sagot ko.
Ang bait talaga ni tita. Kaya nagmana rin si amber. Salamat talaga ng marami sa kanila.
At pagpunta ko sa kichen. Nakahanda na nga ang pagkain ko. Nakaupo na ako ng may mapansin ako sa gilid ng plato ko.
Isang puting sobre.
At dahil na curious ako ay pinulot ko ito at tiningnan.
"Ano kaya to?" Mahinang sabi ko.
At ng mabuksan ko ay namilog ang dalawang mata ko..
Napatayo ako sa gulat.
"Pera!" Mahina pero gulat na sabi ko.
Napalinga ako sa paligid at di ko inaasahang nakatingin pala si tita amy sakin. Nakangeti ito ng maluwang."T-tita?kanina kapa diyan?" Nagtatakang tanong ko
Lumapit siya sa'kin.
"Para 'yan sa operasyon ng papa mo ziah.."
"Po?."
"Alam ko. Kahit hindi mo sabihin alam kong kailangan mo ng pera."
Bigla akong nanlumo at nagsimulang umiyak.
"T-tita.."
"Ziah. Para na kitang anak. Mabait kang bata kaya naman bukas sa loob ko ang tulongan ka."sabi ni tita. At hinawakan ang magkabilang kamay ko.
Mas bumigat ang dibdib ko. Kaya humikbi na ako ng tuloyan at niyakap ng mahigpit si tita.
*******
Pagkatapos ng iyakan ay nagdesisyon akong umalis na. Hindi dahil papasok sa trabaho kundi dahil magpapaalam ako kay sir na magleleave ng isang linggo. May sakit si papa kaya naman gusto ko siyang bantayan at alagaan. At sana talaga payagan ako ni sir darren.
"Ano?leave?ang kapal naman ng mukha mo. Ang laki na nga ng utang mo sa'kin tapos hhihinge ka pa ng leave?"
Wow... Ano pa ba ang aasahan kong sagot sa demonyo kong boss slash soon to be hubby daw!
Pero kailangan ko talaga na magpaawa effect kay sir para payagan ako. Alang-alang kay papa.
"Please sir payagan mo 'ko. Nasa hospital ang papa ko. Kailangan niya ako doon. Parang awa mo na.."
Huminga siya ng malalim bago tumayo. Tinanggal niya ang salamin niya at nilapag sa mesa.
"Wala akong pakialam sa buhay mo ziah. Nakatambak ang trabaho mo dito. Maging responsably ka sana!"
![](https://img.wattpad.com/cover/217625778-288-k653781.jpg)
BINABASA MO ANG
The Master Devil Is Inlove With Me(Ongoing)
Teen FictionTHE MASTER DEVIL IS INLOVE WITH ME IS A ROMANTIC STORY NA SIGURADONG MAGUGUSTOHAN NIYO AT KIKILIGIN PA KAYO. PERO BAGO NIYO ITO BASAHIN,DAPAT MABASA NIYO MUNA ANG STORYA NI MIA AT DASHEL SY Link:https://www.wattpad.com/story/202658790?utm_medium=lin...