Chapter 22

85 2 4
                                    

A/N: Hey Guyseu! May pasok pa kami pero hanggat may wifi, kapit lang i-uupdate ko ito 😂
Sa multimedia po kunwari Joy yan. Ganyan po kasi yung itsura nya sa isang part sa Chapter na to 😅 Sige yun lang! Happy 2k reads! 2k nga ba? O ako lang nakakakita? 😂 Meghesh. Akala ko hanggang 100 reads lang to ❤️ BTW Wala po akong maisip na title sa Chapter 22 pero gorabels na.

----
Joy's POV

8:08am.

Nasa hallway ako juseyo! Anong oras na! Nagha-half run na ako dito. Ang dami pang ipapasang projects ngayon edi dagdag pa itong mga bitbitin ko. Nakakaloka! Kasi naman Joy e, isip ka ng isip jan kahapon kila Kyle. 3rd floor pa yung room namin, aakyat pa ako ng hagdan! Ayan na nasa 2nd floor na ako. Konti nalang Joy nasa room kana at konti nalang din ang oras mo para maunhpahan ang teacher nyo.

"Uh. Konti nalang" bulong ko sa sarili ang bigat ng dala ko. Kasi naman bakit ba sabay sabay ang pasah---

*BOOGSH* sa isang iglap ay bumagsak lahat ng hawa ko sa floor. May nakabangga sa akin na babae. Ang ganda nya.

"Ate sorry po." sabay naming pinulot ang mga gamit ko. Mukha rin syang nagmamadali gaya ko. Late din kaya to?

"Ok lang"

"Pasensya na po talaga. Ano po ka--"

"Sofia! Wait!" bigla syang napalingon. Sofia pala ang pangalan nya.

"Ate una na po ako. Sorry uli. Nice toooo meeeet y..." Wala na. Tumakbo na sya at yun nalang narinig ko. Hinahabol sya? Teka.

"Kris?? Bakit mo sya.." hinahabol nya yung Sofia. Hm? May namamagitan kaya?

"No time. Gotta go bye, WAIT!" Sigaw nya at tumakbo din. Hay na ko, buhay. Sure ako hindi na naman papasok yun, kaloka. At nandito na din ako sa room sa wakas at ang daming banner. Aba? Birthday?

"A-anong meron Hayona?"

"Ah eto ba.." sabi nya habang nagsusulat sa blackboard. Isa isa ko itong binasa.

"So... rry. Sorry? Anong meron? Parang nagegets ko na?"

"Yeah. Si Kris ang may sabi nito" sabi ni Hayona.

"Si Kris? Pupunta sya dito?" Tanong ko.

"Yeah. Sya may gumawa tapos wala sya" pagpunas ni Trisha sa teacher's table na puro chalk dust.

"Bakit ka nga pala late?" Singit ni Zhaolin. Ano kasi..

"Iniisip ako nyan kaya hindi nakatulog ng maayos, ayan napuyat diba anae?" Singit ni Kyle na ikinamula ko naman. Leche ka leche! Oo iniisip kita hindi dahil mahal kita kundi dahil sa files churvalu.

"Tse!" yan lang ang nasabi ko. Tumulong nalang ako sa pag aayos pero bago iyon ay nilagay ko muna ang bag ko sa upuan ko.

"Nandito na ako" sabi ni Kris. Grabe tong lalaking to! Parang hindi tumakbo kanina. Hindi haggard yung mukha,mukhang walang nangyari.

"Saan ka galing?" pagtatanong ni Kyle.

"Ah. May hinanap lang. Ano okay na ba?" tanong ni Kris. Hinanap baka hinabol 😂

"Uy uy! Malapit na si teacher! Naka blind fold na daw sabi Scott" pagharurot ni Frost sa pintuan at lahat naman kami ay nag mala Turbo at kung saan saan pumwesto.

Iniwan nila Scott si Teacher at bigla naman nyang tinaggal yung panyo.

"GOODMORNING TEACHER! SORRY PO SA NASABI NAMIN!" Sabay nilang sigaw. Teka hindi ko alam na may sasabihin pala. Nakakaloka.

Diary ng Tamad (CURRENTLY EDITING;FEB.12,2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon