A/N : Hahaha hi! Happy Easter 💕
---
Lumipas ang panahon. Naks panahon! Clearance na kasi, at habol dito at habol doon sa mga teachers. Lalo na sa iba, paimportante.
JOY's POV
Hah nako! Umaga na naman. May pasok pa ako,clearance na din. Its still 5:40 am. I'll guess magbubukas muna ako ng FB. Kinuha ko yung laptop ko, medyo madilim pa, medyo nakakatakot. Mamaya may nakasilip pala sa kin. Jusko, wag ako, marami jan wag ako. Ano ba yan! Tinatakot ko yung sarili ko. Bumalik na ako sa kama habang hawak ang laptop ko nang biglang humangin sa bintana.
"Hala ka. Holy God guide me guide me." Sabi ko sa sarili ko. Lalong lumakas yung hangin.
"Ano ba na naman oh! Joy naman tinatakot mo yung sarili mo! Mukha akong baliw kausap ko sarili ko."
"Psssst!" May sumitsit.
"JUSKO JUSKO PATAWARIN NYO HO AKO! MAG OONLINE LANG NAMAN PO AKO EH. ISASARA KO NA PO BINTANA"
"Huy! Anong nagyayari sayo? Good morning" Ha-?
"A-ate reese. Ano ba yan eh!" Nagpatuloy na lang sya sa pag wawalis. Nakakaloka. Dumapa ako sa ka,a at binuksan yung FB ko. Wow 151 notifications? Kung sabagay, ilang linggo rin akong hindi nag FB, piro messenger lang. Binuksan ko yung messenger ko, nakita ko yung chat namin ni daddy.
"Hi daddy? Goodmorning! Miss na po kita hehe. Labyu!" sent. Nakakaboring mag FB kasi minsan eh. Kaya mag COC nalang ako.
[[FAST FORWARD]]
School 7:23am
Buti nalang at hayahay na ako ngayon. No project,pero clearance naman. Lakad lakad, habol habol, pila pila. At dahil clearance nga, bye bye uniform, naka casual kaming lahat ngayon. Kasalukuyan na din akong naglalakad sa hallway, ang daming nag uusap sa labas, may nag skateboard pa, wow lang diba? Yung iba naman nakaupo sa hagdanan. Nakakaloka, yung iba nga dyan,kulang kulang yung armchairs tapos kung sino pa yung kumpleto yun pa yung hindi gumagamit.
"Hey hey hey wait!" Rinig kong sigaw mula sa likod ko. huh? Ako ba yung tinatawag niya? Lumingon ako at si Troy ang nakita ko.
"Yo!" Sigaw niya uli. Ah hindi ako.
"Uy! Troy? Bakit ka sumisigaw? Sinong tinatawag mo?" Napalingon ako sa direksyon kung saan siya nakatingin. Wala naman akong ibang makita kundi..
"Lalaki?"
"Ha?" Tanong niya,
"Sinong tinatawag mo?"
"Ah. Ayun oh. Yung lalaki. Oy! Sandali lang!" Nagulat ako. Bakit kaya? Hindi kaya... Siya..
"TROY?! Sa tingin ko may dapat kang sabihin sa kin" sabi ko.
"Ha? A-ano naman y-yun?" Nauutal siya. Sabi ko na eh. May tinatago to. Di kaya yung lalaki na tinatawag niya...
"Troy?"
"A-no b-ba?"
"UMAMIN KA NGA."
"A-ano ngang aaminin k-ko?" Nauutal pa din siya.
"BAKLA KA BA HA?" Pagtatanong ko na ikinabigla naman niya.
"Baliw ka na Francine! Akala ko kung ano. Anong bakla pinagsasabi mo."
"Ay sabi ko nga eh. Nagtatanong lang naman. Ge na, punta na ko room, sasabay ka?"
"Ah, ako? Di wag na. Ge una ka na. Bye! Oy! Oy!" Pagtatawag niya sa isang lalaki.
Patuloy naman ako sa pag akyat nang nakatingin sa kanya nang biglang mapalingon si Troy sa kin at tinaas ang kilay. Dumiretso nalang ako sa room.
"Ang weirdo talaga ni Troy" bulong ko at sabay pasok sa room na pagka ingay ingay.
[[ FAST FORWARD ]]
/uwian/
"Ge bye!" Pag babye ko kila Hayona. Ihahatid kasi ako ni Kyle ngayon, as always naman except weekend. Ang sarap din naman kasi kasama ni Kyle. Hindi na siya ganon ka-cold gaya ng dati, minsan nalang kapag nagseselos o nagagalit pero kasi pag nagagalit siya , maya maya siya pa yung mag sosorry, okay ang cute lang kasi. Para kasing hindi siya awkward kasama. Bakit ba ako nagkukwento.
"Pst. Softdrinks?" Pag aalok naman niya. Tinanggap ko naman.
"Ang sakit ng paa ko kanina"
"Bakit? Kakalakad?"
"Oo. Tsaka kakatapak" sabay tingin ko sa paa ko at napahinto din naman siya.
"Pwede ba magpaa?" Tanong ko, nakaipot na yung paa ko.
"Madudumihan yung paa mo. Sige edi magpapaa din ako. Para parehas tayo" bigla siyang nageyesmile. Ang cute niya yun lang.
"Hala? Hindi na wag na."
"Hindi sige, hindi na ko magpapaa, mag paa kana" pag sang ayon niya, kaya ayun nagtanggal ako, pati medyas. Kaya naman pala masakit may sugat yung daliri ko.
"Oh! Napano yan?" Tanong niya.
"Hindi ko din alam, baka sa apakan kanina. Okay lang ako tara na." Naglakad ako habang hawak ang sapatos ko at iika ika. Naiwan si Kyle sa likod ko.
"Huy Kyle halika n---Aahhh!" Nagulat ako nang may biglang may bumuhat sakin.
"Uy! Kyle anong ginagawa mo?" Pagbuhat niya sakin ng pa-bridal style sabay smirk.
"Hindi ba halata? Binubuhat ka. Eh ayaw mong magpaa ako eh, tapos nahihirapan ka pa, ayan binuhat na kita. Wag ka nang umangal."
"Pero kasi ang gara." Bigla niya akong binaba.
"Hala? Galit ka?" Naglakad sya paunahan ko sabay luhod patalikod.
"Sakay"
"H-ha?!" Hinila niya ako at piniggy back ride.
"Ayan? Hindi na ba magara?" Naglakad na siya hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Kyle! Thank youuu! Ingat ka." Sabi ko at napangiti lang siya sabay, WINK? Aba tong lalaki na to, pinapakilig pa din ako.
---
A/N: Hahahaha yehet yehet
BINABASA MO ANG
Diary ng Tamad (CURRENTLY EDITING;FEB.12,2017)
Novela JuvenilAng isang babaeng at isang lalaking badtrip na nagtagpo ang landas dahil sa isang banggaan. Pero ano tong nararamdaman nila? Ito na ba yung sinasabi nilang..... Pag ibig? (Editing) -MrsHuangAsdfghjkl