Kyle's POV
Ang sakit ng mata ko kanina pagkahatid kay Joy, na-pwing ata ako. Papikit pikit tuloy yung isa kong mata. Tsk. Kasalukuyan akong nasa kwarto nang marinig ko sila mama na nag aaway.
"Ano na naman bang problema niyong mga babae kayo?!"
"Ayan kami na naman, ako na naman. Bakit ba kasi napaka init ng ulo mo sa kanya?!" Sabi ni mama. Teka lang, ako ba yung pinag aawayan nila?
"Hindi ko alam kung bakit! Baka galing sa ibang asawa mo yan!"
"Ano ba yang sinasabi mo?!" Sabi ni mama. Tumahimik matapos magsalita ni mama. Alis nalang muna siguro ako.
To: Troy
Uy? Saan ka? Pwede ba jan matulog?
***
From: TroyO sige lang, dito ako kila Joy. Antayin kita sa tapat nila. Bakit nga pala?
****
To:TroyAh? Kila Joy? Wag na pala. Sige saka nalang. May away.
Hinintay ko yung reply niya pero wala padin. Hay bahala na kahit saan nalang, kumuha ako ng damit pati yung jacket ko. Palabas na ako nang kwarto ng biglang may tumawag, si Troy.
"Hello?"
"Pumunta ka na dito, wag ka nang umangal, gusto mo sa kanto ako mag intay? Papunta na ko." biglang baba ng tawag. Pero yung narinig ko...
"Boses babae-- Joy" naalala ko yung sabi niya, papunta siyang kanto, GABI NA! Kaya lumabas ako ng kwarto para magmadali papunta.
"Uhm Kyle saan ka pupunta?" Sabi ni mama.
"Ah, aalis lang po muna ako."
"TIGNAN MO! BIGLA BIGLA NALANG UMAALIS NANG GANYAN! HA?!" sigaw ni dad.
"Kaya po ako aalis para matahimik kana. Dahil sa kin nag aaway kayo, kaya eto na, masaya kana? Buong buhay ko pagtira ko dito hindi mo ko kinausap ng maayos. Sorry kung pasakit ako pero ginawa ko naman lahat,inaalis ko ang pagka cold ko pagdating sa inyo para lang tanggapin mo ko, kahit lalaki kasi ako, kahit malakas ako o matapang, gusto ko parin naman maramdaman yung pagmamahal ng magulang. Una na po ako." I said in a cold tone sabay labas at alis.
Naintindihan niyo ba yung buhay ko? Oo eto kasi, hindi ko tunay na magulang ang mga kasama ko ngayon, HINDI. Sila na ang nag alaga sa akin noon, pero nakasama ko pa ang mga magulang ko. Kaya kahit papaano nagpapasalamat ako dahil naging maayos naman ako at yung nag alaga at nagmahal sa kin, lalo na si Kris na tinuring ko nang kapatid.
Nakarating na ako sa kanto at sinisilip si Joy kung nasaan. Siya din kaya yung kausap ko sa text?
"Huuy! Hi!" May tumawag sa akin. Akala ko si Joy na, ibang tao lang pala. Malay ko kung sino, ako ba yung tinatawag?
Napalingon ako sabay turo sa sarili ko.
"Oo,ikaw. Kuya pwede mahingi number mo? Dali na~" sabi nung babae. Kababaeng tao ganyan? Psh.
"Bakit?" Tanong ko.
"Pogi mo kasi eh"
"Ah ako?"
"Oo ikaw, dali na pahingi."
"Ng alin?"
"Number."
"Nino?" Paulit na tanong ko. Sura.
"Mo!!"
"Ah para saan?"
"Ay kuya naman eh!" Sabay sandal sa akin. Nag unat ako at tinama ang kamao ko sa pisngi niya.
"Aray ko naman kuya"
"Kuya pa talaga tawag mo sakin ah." Pasalita na siya ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"KYLE!" Napalingon ako at si Joy iyon.
"Jan na yung GIRLFRIEND ko. Ge" lumapit ako kay Joy at hinila siya.
"Ikaw? Gabing gabi na naglalakad ka pa dito?! Gusto mong maulit yung nangyari noon?!" Lumapit siya sa kin at napataray na napangiti.
"Ang alin dun? Yung nabugbog ka?" Sabay tawa.
"Hay ewan."
"Joke lang. Tara na wag kana umangal nakwento sakin ni Troy na may dinahilan kang may away, ano nga pala nangyari?"
Naglakad na kami.
"Wala nag away sila mama." Huminto kami sa tindahan ng napakadaming lalaki.
"Ako na bibili." Sabi ni Joy, tinitigan ko siya ng kataka takang mukha.
"SERYOSO? Jan?" Pabulong ko.
"Oo bakit? Dahil sa lalaki? Di yan."
"Niloloko mo ko."Pinigilan ko yung braso niya pero kumindat lang siya. Hays.
Habang bumibili si Joy ay tinitignan ko ang mga lalaking nakatingin sa kanya. Ang sarap dukutin ng mata.
"Uy Joy!" Tawag sa kanya ng isang lalaking sa school din namin nag aaral.
"Uy hi! Ano kumpleto kana sa clearance?"
"Hindi pa eh, kulang pa yung sa adviser natin, trip ako eh" sabay akbay niya kay Joy -_- ok.
"Joy halika na iniwan natin si Troy dun" hinila ko siya.
"Ay o sige una na kami ah. Ingat ka bye!" Kaway nilang dalawa.
"Astig nung lalaki na yun ah." Sabi ko.
"Oo, alam mo ba dati crush ko yun haha. Kaso may iba siyang crush eh kaya ayun" wala akong pake. Pakialam ko. Wala talaga wala. Wala.
"Ah edi kayo nalang" napahinto siya at napatingin sa kin.
"Hephephep"
"Hm?"
"Nagseselos ka ba?" Tanong niya.
"A-anong selos? Tss. Di." Ngumiti siya ng wagas sa harap ko.
"Oo na." Sabi ko.
"Ahahahahahahahahahahahahahahahaha!" Tawa niya.
"-___- ge."
"Hala?" Di ko siya pinansin at naglakad na.
"Kyle?"
"Uy?"
"Kyleeee!"
"Psh. Okayyyy hahaha. Beast mode! Hahahaha"sabi niya at saktong nasa bahay na kami nila Joy.
----
A/N: after ten yrs haha. :*
BINABASA MO ANG
Diary ng Tamad (CURRENTLY EDITING;FEB.12,2017)
Roman pour AdolescentsAng isang babaeng at isang lalaking badtrip na nagtagpo ang landas dahil sa isang banggaan. Pero ano tong nararamdaman nila? Ito na ba yung sinasabi nilang..... Pag ibig? (Editing) -MrsHuangAsdfghjkl