Chapter 34

159 3 0
                                    

Chapter 34

*Hyacinth’s POV*

Naglalakad akong mag-isa sa mall ng aksidenteng makita ko si Blaze. Simula ng matapos yung away nila ni Jared sa school. Hindi ko na ito nakita. Hindi ito nagtetext, hindi rin tumatawag. Hindi ko rin ito kino-contact dahil alam kong magagalit si Jared. Pasimpleng sinundan ko ito. Hindi nagtagal napansin niya ako at ginawa niya ang lahat para iwasan ako pero dahil makulit ako sumuko rin siya.

“Hyacinth. What do you want?”

Cold na tanong nito. Nakarating kami sa parking lot ng mall. Binuksan niya yung pinto ng kotse. Binuksan ko rin yung sa passenger seat at walang salitang pumasok sa loob. Nakatingin lang siya sa’kin.

“Kumusta kana?” Wala sa sariling tanong ko. Tumawa ito na para bang nang-iinis.

“After what happened. Do you want me to say that I’m okay?”

“I’m sorry.”

Nakita ko yung kamay nito na mahigpit na nakahawak sa manobela. Maya maya bumuntong hininga ito. Hinawakan niya yung mukha ko ng ilang segundo bago siya may kung anong hinanap sa back seat.

“I’m returning this to you.” Inabot niya sa’kin yung school ID ko. Napangiti ako ng malungkot.

Kung hindi nagkasakit si Lyka. Hindi naman siya aalis at iiwan si Jared diba? Kung hindi nangyari yon. Siguro hanggang ngayon masaya pa rin sila. Hindi ko makikilala si Jared. Hindi ko siya mamahalin at hindi ako masasaktan. Tumingin ako kay Blaze. Siguro kung naiba lang yung sitwasyon. Pwedeng sa mga oras nato, ikaw yung mahal ko. Masaya rin sana tayo. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi ganon ang nais niya.

“I don’t believe that you just follow me here to ask me how I am.” Wika nito. Tumango ako at nahihiyang ngumiti.

“W-Wala akong ibang maisip na kausapin kundi ikaw lang.” Tiningnan lang niya ‘ko.

“Si L-Lyka.” Utal na wika ko.

“So, you’ve met her.” Tumango lang ako. “What can you say about her?” Tumingin ako rito.

“Maganda siya. Bagay na bagay sila.” Napa-iling ako. Totoo sa loob ko ang sinabi ko. Hindi ko lang maiwasang hindi masaktan. Natawa naman ito, bagay na ipinagtaka ko.

“Of course! They were perfect for each other!” Tumingin ito sa’kin. “But that’s not what I want to hear Hyacinth.”

“Ano bang gusto mong marinig na sabihin ko?”

“I don't know.”

Frustrated na in-start niya yung makina ng sasakyan. Tahimik lang ako kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalin. Maya maya huminto ito sa Manila bay. Bumaba ito, tahimik lang akong sumunod at naglakad.

Itinaas niya yung dalawang kamay niya, inilagay sa likod ng ulo at tuloy tuloy na naglakad. Huminto ako at pinagmasdan siya. He’s still calm as ever. Hindi ko alam kung okay lang sila ng ibang kaibigan niya bukod kay Jared. Paano niya nagagawang kumalma? Huminto ito at lumingon sa’kin, kumunot ang noo niya ng makitang medyo malayo na ako sa kanya.

“How do you manage to stay calm in this kind of situation?” Tanong ko sa kanya ng makalapit na ako.

“Are we gonna talk about the past Hyacinth?”

“Yes. The ABC story.” Bumuntong hininga ito at tumingin sa bay.

“So you realize that we are the ABC story huh?” Natawa ito.

“Why did I even tell you that?” Napailing ito.

“It’s not my fault that’s why I’m still calm.” Tumango ako. Naniniwala naman ako sa kanya. Napaswerte ni Jared na magkaroon ng kaibigang katulad niya.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon