Chapter 23

356 4 0
                                    

Chapter 23

*Hyacinth’s POV*


“Hyacinth? The dinner is ready!” Si Blaze.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatayo at nakasandal sa pader habang sunod sunod na paghinga yung ginagawa ko. Eto na nga ba yung sinasabi ko, sumasakit yung dibdib ko at wala akong dalang gamot. Narinig ko ulit yung pagtawag nito. Ilang ulit akong huminga ng malalim at kinalma yung sarili ko bago buksan yung pinto.

“Hyacinth? You okay?” Lumapit siya sa’kin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

“P-Pasensiya na, tinawagan ko kasi yung kapatid ko.” Totoo naman na tinawagan ko yung kapatid ko, pero kanina pa ‘yon.

“You sure, you’re okay?” Tanong ulit nito. Marahan akong huminga at tumango.

“O-Oo, pagod lang siguro.”

“I can get you a medicine. Remember? My mother is a physician, she can check you,”

“Hindi na Blaze. Okay lang. Tara na?” Tumango nalang ito kahit mukhang hindi siya kumbinsido.

Nakarating kami sa dining table at iba’t ibang klase ng putahe ang nakita ko. Kalderetang manok, kare-kare, chopseuy, ginisang hipon, at sisig. I am glad na puro Filipino foods ang nakahain. Kaya lang, maubos kaya naming lahat ang mga ito eh aapat lang naman kaming kakain?

“Come on hija, let’s eat.” Si Dra. Cajucom. “We stick to Filipino dishes. Namimiss na rin kasi namin.” Dugtong pa nito.

“Iba pa rin po kasi talaga kapag filipino foods.”

“Sinabi mo pa!”

Sang-ayon ng dalawang matanda. Ngumiti lang ako. Pinaghila ako ng upuan ni Blaze at siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Tinitingnan ko lang siya dahil halos lahat yata ng putahe nilagay na niya. Nagpasalamat nalang ako rito at nagsimulang kumain.

Nang papaubos naman na yung kinakain ko, sinimulan niya ‘kong ipagbalat ng hipon at paminsan minsang isinusubo sa akin iyon. Kahit medyo naiilang ako, tinatanggap ko pa rin yung pagsubo niya. Naisip ko kasi, kailangan ko ring umarte sa harap ng dalawang matanda , mas madali kasing gawin iyon kaysa magpaliwanag.

Nang matapos kami, nagprisinta akong maghuhugas ng pinagkain, kaya lang tumanggi sila dahil bisita raw ako rito kaya wala akong nagawa kundi ang sumabay kay Blaze paakyat sa kwarto.

“You know what, I’d like to take you to the night market, kaya lang pagod kana.” Wika nito ng nasa hagdan na kami.

“Magpahinga ka nalang at matulog ng maaga. Mamamasyal ulit tayo bukas.” Tumango ako at ngumiti. Akmang bubuksan ko na yung doorknob ng pinto nang muling magsalita ito.

“Hyacinth?” Hinintay ko lang yung sasabihin niya. “Thank you, for being with me.” Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

“Goodnight!” Hinalikan ko siya sa pisngi at walang kibong pumasok sa loob ng kwarto.

Hindi ko alam kung bakit masaya ako, hindi naman dapat ako maging masaya. Si Jared yung gusto ko diba? Dapat kasi siya yung kasama ko, dapat nandito siya sa tabi ko, dapat siya yung nagpapasaya sa’kin. Dapat pero wala siya. Napapailing na humiga nalang ako sa kama para matulog.


---


Naalipungatan ako at napabalikwas ng bangon. Hawak ko yung ulo ko habang lumilinga sa paligid. Madilim. Kinapa ko yung phone sa bedside table. 11:31 pm. Tumingin lang ako sa kisame ng ilang segundo bago ako bumangon at uminom ng tubig. Humiga ulit ako sa kama at katulad kanina, nakatingin lang ako sa kisame, parang ayaw pumikit ng mga mata ko. Tinry kong matulog ulit, pero biling baligtad lang ang ginawa ko at ayaw pa rin akong dalawin ng antok.

Kinuha ko yung phone at nagulat nalang ako ng makitang 12:44 am na. Ang bilis naman yatang lumipas ng oras, wala naman akong ginawa kundi tumitig sa kisame. Siguro, namamahay lang ako. Nakatulog lang siguro ako kanina dahil sa pagod.

Naiinis na bumangon ako at pumunta sa veranda. Pinagmasdan ko lang ng ilang segundo yung mga halamanan ni Dra. Cajucom. Napakunot lang yung noo ko ng may biglang gumalaw. Inaninag kong mabuti dahil baka magnanakaw iyon, pero ng makasigurong si Blaze iyon, lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ito.

“Almost one am na. Bakit nandito ka pa? Malamig dito.” Nakahiga siya sa may swing porch, nakaunan yung ulo sa kanang braso niya at tahimik na nakatingin sa itaas. Tumingin ito sa’kin at sinenyas na umupo ako sa kabilang side.

“I just can’t sleep, so I decided to lay here and watch the stars.” Tumingala ito sa langit. Maraming ngang bituin at nakaka-engganyo silang pagmasdan.

“Ako rin. Nagising ako kanina pang eleven, hindi na ‘ko makatulog,”

“Siguro, iniisip mo ‘ko kaya hindi ka makatulog.” Tumaas yung kilay ko.

“Ikaw siguro ang nag-iisip sa’kin kaya hindi ka makatulog.”

“Yeah.” Diretso siyang nakatingin sa’kin. Ngumiti nalang ako at tumingin sa langit.

“Hyacinth, tell me about yourself.”

“Interview ba ‘to?” Natawa ito ng mahina. “Bakit naman ako magkukwento sayo?” Dugtong ko nalang.

“I just want to know you more.”

“Sige.” Wika ko. “May tiwala naman ako sayo, kaya sayo ko lang sasabihin ‘to. But promise me first you won’t tell anybody.” Umayos siya ng upo at tumingin sa’kin.

“Is it a serious matter?” Tanong niya. Tumango tango ako.

“Okay, I promise.” Nagcross my heart pa siya. Ngumiti ako bago magsalita.

“You know that, I’m Hyacinth Pearl Chua, but you didn’t know where I came from.” Panimula ko. Tahimik lang naman ito.

“I’m turning 21 this month. I was born in Edinburgh. I was once a sleeping beauty before, but unfortunately somebody slap me so I woke up in my dreams and found out that I am a long lost grand daughter of Queen Elizabeth II. I never knew and I never dreamt to be a part of the royal family. But one night, when I was going home, three knights from the royal palace came to our house and say, they needed to take me back to Scotland to take my throne as a princess. Because I’m on the legal age now, that my real parents are really thankful for my family for taking care of me and raising me as a good child. It’s a big revelation to me and I’ve trusted you enough to tell you all of this. I can’t decide on my own, I’m so confused. Should I go back to being a rich princess or stay as a poor Cinderella? What advice can you give me?”

Tumingin siya sa’kin at isang malakas na tawa ang narinig ko. Dahil masyadong bigay todo yung pagtawa niya, natawa nalang din ako sa sarili kong istorya.

“I didn’t expect you have this funny side. You’re kidding me! I thought it was serious.”

“So hindi ka naniniwala? Hindi naman kita pinipilit.” Nakalabing wika ko.

“Of course, I believe you, your highness!” Tumayo pa ito at nagbow sa’kin. Natawa nalang ulit ako.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon