Chapter 13

1.7K 25 3
                                    

Chapter 13

*Hyacinth POV*


Nakarating ako sa condo niya, at napanganga nalang ako sa nakita ko. Wala ako kahapon dito dahil doon ako sa bahay nila natulog. Iniisip ko lang kung nagkaroon ba silang magbabarkada ng happy happy at sobrang kalat at amoy alak itong condo. Maraming nakahalang na bote sa sahig at couch. May mga maliliit na papel din na sa tingin ko ay pinasabog na confetti.

May tatlong box ng pizza at ang isa noon ay may laman pa. Nilalanggam na rin yung ilang pagkain sa plato na iniwan lang sa lamesa. Sa kusina naman, nakatambak ang mga pinaggamitan nilang plato. At sa kwarto niya ay magulo ang kama. May ilang mga damit din siyang nakapatong lang sa couch.

Napapa-iling na sinimulan ko nalang linisin yung kwarto niya. Nilagay ko lahat sa basket yung mga nagkalat nitong damit at pinalitan ko ng beddings yung kama, pagkatapos noon ay sinunod kong linisin yung sala at kusina. Nang matapos kong linisin yung buong condo niya. Nanlalatang umupo ako sa couch sa sala.

Natapos kong linisin yung buong condo niya, pero yung marurumi niyang damit hindi ko pa nalalabhan. Hindi pa rin ako nakakapagluto ng hapunan. Nanghihina na kasi ako at kanina ko pa iyon nararamdaman. Pakiramdam ko may humihigip ng hangin dahil naninikip yung dibdib ko.

Narinig kong tumunog yung buzzer pero hindi ako nag-abalang tumayo. Pagod na pagod ako kaya gusto ko na sanang magpahinga. Alam kong si Jared iyon pero hindi niya mabubuksan yung pinto dahil nakalock ito sa loob.

Tumunog ulit yung buzzer at kahit nanlalata, pinilit kong tumayo para buksan yung pinto. Bumungad sa’kin ang gwapong mukha ng magaling kong amo. Sinara ko ulit yung pinto at sumunod lang sa kanya.

“Wow!”

Na-aamaze na tiningnan niya yung buong unit. Nakatingin lang ako sa kanya. Pumasok ito sa kwarto at lumabas ng nakangiti. Nagsasalita ito pero hindi ko naiintindihan yung sinasabi niya. Kumurap kurap ako dahil parang umiikot yung paningin ko.

“Hyacinth?” Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso. “You look pale!” Sabi nito. Tiningnan ko lang siya. Akmang sasalatin niya yung noo ko ng maramdaman kong bumigay yung mga tuhod ko.

“Holy shit!” Iyon lang ang narinig ko bago magdilim sa’kin ang lahat.


---


Marahan kong iminulat ang mga mata ko para lang pumikit ulit dahil nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana. Dumilat ulit ako at ilang ulit na kumurap kurap hanggang sa masanay ang mga mata ko sa liwanag. Ginala ko ang paningin ko. Kulay puting kisame. Maaliwalas na paligid. At amoy gamot ang unang bumungad sa’kin. Hospital! Nasa hospital ako?! Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang nakadukdok na lalaki. Mahimbing ang tulog nito. Napangiti ako.

“J-Jared?” Inangat ko ang kaliwa kong kamay at marahang hinaplos ang mukha nito. Sandali itong gumalaw at maya maya ay dumilat siya.

“Hyacinth?!” Sa pagkagulat ko bigla niya akong niyakap. “Thank God! You’re awake!”

“Ah J-Jared?”

“You silly girl! You made me so worried about you!”

“H-Hindi ako m-makahinga!” Hinampas ko siya sa likod dahilan para bitiwan niya ako.

“Sorry. I-I’m just happy,” Ngumiti nalang ako sa kanya.

“Are you hungry?” Tumango ako.

“What do you want to eat?”

“Ano bang meron?” Lumapit siya sa isang cabinet at tumingin ng pagkain.

“How about a porridge?” Ngumiti ako at tumango.

NIlagay niya iyon sa bowl at nilagyan ng mainit na tubig. Nakangiti lang ako habang pinapanuod ito. Habang hinihintay itong lumambot. Lumapit siya sa’kin at inayos niya yung pagkakahiga ko sa kama at umupo sa gilid nito. Inangat ko ulit yung kaliwang kamay ko. Yung kanang kamay ko naka-dextrose.

Kumunot yung noo nito. Ngumiti lang ako at hinawakan yung mukha niya. Ang gwapo niya talaga kahit mukhang hindi siya nakatulog ng isang linggo. Nangingitim kasi yung talukap ng mata niya.

“Why?”

“May eyebags kana oh?” Sabi ko tsaka sinalat ko yung ilalim ng mata niya. Pinatong niya yung plato sa table at hinawakan yung kamay ko.

“You’re whole day unconscious. I’m worried about you. Do you know that?” Ngumiti nalang ulit ako.

“Pasensiya na. Minsan kasi, mahina lang talaga yung katawan ko.” Sana hindi mo nalaman kung bakit nawalan ako ng malay. May hinala na kasi ako na tungkol iyon sa sakit ko. “Pero natapos ko naman yung ibang pinagawa mo sa’kin diba?” Marahan itong tumawa.

“I’ve never met a girl who’s stupid than you! Mas inintindi mo pa yung pinagawa ko sayo kaysa sa sarili mo?”

“Mas nakakatakot ka namang magalit kaysa sa sarili ko.” Tumawa ako. Pinisil niya yung kamay ko.  “Oy! Sinasaktan mo yung pasyente!” Ngumiti lang ito.

“Silly girl!”

“I need to go to the bathroom.” Tinulungan niya akong bumangon. Kinuha yung dextrose ko at inalalayan akong maglakad kahit kaya ko naman.

“What?” Nakataas yung kilay na tanong niya.

“I need to pee.” Nahihiyang wika ko ng nasa cr na kami.

“So? It’s not like I haven’t seen your body naked.”

“Jared!”

Tumawa ito ng mahina, bago tumalikod. Hawak hawak pa rin niya yung dextrose ko. Tiningnan ko lang yung likod niya ng ilang segundo bago umihi. Bakit nga ba ako mahihiya? Ilang beses nakong naghubad sa harap niya. Nang matapos akong umihi, naghilamos ako at nagtooth brush. Inalalayan niya ulit akong umupo sa hospital bed tsaka siya bumalik sa inuupuan niya kanina.

“Want me to put a little bit of sugar?” Tanong niya sa’kin habang hinahalo yung oatmeal.

“Milo.”

“Huh?”

“Lagyan mo ng milo at sugar.” Kumunot yung noo niya. Ngumiti lang ako.

“You don’t know the basic Mr. Torres!” Tiningnan lang niya ako bago bumaling sa cabinet at kumuha ng milo. Nilagay niya yung isang maliit na sachet sa bowl ng oatmeal tsaka konting asukal. Tsaka niya marahang hinalo.

“So pakakainin mo ba ako o hindi?!” Tiningnan niya ako ng masama, bumusangot lang ako.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon