Chapter 4

5.5K 48 2
                                    

Chapter 4

*Hyacinth's POV*



"You two! Do you want to come with me?" Tanong ni Amber habang nag-aayos ng sarili niya sa harap ng salamin.

"Saan ba?" Kibit balikat na tanong ko habang nagbabasa ng notes.

As usual, nandito nanaman kami sa bahay nila Amber. We're having a group study dahil midterm exam na namin next week. Actually ako lang mag-isa ang nagrereview. Si Amber nakatutok sa pag-aayos sa sarili niya at hindi ko alam kung saan nanaman siya pupunta. Si Marlo naman, nakadapa sa couch bed at kanina pa nakaharap sa laptop, naroong tumawa nalang bigla, mapakunot ang noo, titingin sa kisame na akala mo baliw pagkatapos magta-type ulit sa keyboard.

"Airport," Sagot nito.

"Airport?!" React ni Marlo na hindi man lang nag-abalang tumingin sa'min. "Anong gagawin mo ron?" Tanong pa nito.

"Ay magsho-shopping!"

"Gaga!" Tumayo ito at tumabi sa'kin sa kama. "Hoy Celestina! Huwag mo nga akong pinaglololoko!" Tinirik ni Amber ang mata at inirapan ito.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa Airport?!"

"Malay ko ba kung gusto mo lang lumayas!"

"Kung lalayas ako, hindi kita aaluking sumama!"

"Ouch!" Natawa nalang ako.

Ganyan ang hobby nilang dalawa. Simula ng makilala ko sila noong first year college kami, lagi silang nag-aasaran. Yung pabirong kulitan at away lang dahil kapag nagkaroon ng problema ang isa, sila sila rin naman ang nagdadamayan.

"At isa pa bakit ka lalayas? May exam tayo. You should stay here in the house and review!"

"Nakapag-review na 'ko! Ire-fresh ko nalang siguro bukas," Anito na inaayos ang suot niyang heels. "Kung ikaw kaya ang magreview dyan! Kanina ka pa nagla-laptop. Nakikipagchat ka nanaman siguro sa mga foreigner mong jowa!"

"Oy hindi ah. I'm researching about a heart disease!"

"Heart disease?"

Kunot noong tanong ni Amber at nilapitan ito para tingnan ang ginagawa niya. Nakitingin nalang din ako at hindi naman siya nagsisinungaling. May dalawang tab ng google ang naka-open tungkol doon sa disease na sine-search niya at may isang tab pa na para naman sa pakikipagchat niya.

"Ang dami raming disease ang pwedeng pag-aralan bakit heart condition pa?"

"Gaga ka ba? Eto yung topic natin sa Anatomy diba? Akala ko ba nagreview ka?!"

"Base kasi sa na-review ko. Anatomy is the study of structure of the body. Human body bruha! Bakit napunta ka sa sakit sa puso?!"

"Human body nga, meaning to say. Parts pa rin ng katawan yung puso!"

"Bakit hindi nalang cardiovascular o circulatory system ang pag-aralan mo? Mas related pa sa Anatomy,"

"Bakit ba mas magaling ka pa sa nag-aaral?!" Nagkibit balikat lang si Amber at nginitian ito.

"Curious lang kasi ako, may history ba kayo ng sakit sa puso?"

"Magkaka-nervous breakdown na ata ako!"

"Bruha! Ang nervous breakdown nakukuha sa stress at depression, malayo sa sakit sa puso. Unless, ibang sakit sa puso yang tinutukoy mo!" Pa-irap pa na sagot nito.

"Ikaw ba Hyacinth?"

"Ha?! Anong ako?" Kinabahan naman ako sa kanya. Wala naman kasi silang alam tungkol sa kondisyon ko.

"Nursing student tayo. Malamang pag aaralan natin 'yan. Bakit ba ang over acting mo?" Wika pa ni Marlo.

"Alam mo girl, hahanapan nalang kita ng boyfriend, maraming gwapong foreigner sa omegle! Huwag mong pansinin ang luka lukang yan!" Ani Marlo at pinakita sa'kin yung pakikipagchat niya.

"Ireto mo nalang siya kay Rhys!" Dagdag pa ni Amber. Tumaas naman yung kilay ni Marlo.

"Naku wag na! Masisira lang ang buhay niya. Eh gago yung lalaking 'yon!"

"At sa tingin mo sa mga foreigner na yan hindi masisira ang buhay ni Hyacinth?"

"Bakit ba kanina mo pa 'ko kinokontra?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"And for pete sake Celestina, kanina ka pa sa harap ng salamin hindi kana naka-alis. At ikaw naman." Baling nito sa'kin at tinuro pa ako.

"Sagutin mo nalang kaya si fafa Kel?"

"For heaven sake Marlo, they are not compatible!"

Si Amber ulit na itinirik pa ang mga mata. Hindi naman niya kasi gusto si Kelvin para sa'kin. Kung sa looks at ugali lang daw ang pag-uusapan, ayos naman ito. Pero hindi raw talaga kami bagay. Hindi ko alam sa kanya. Wala rin naman akong balak sagutin si Kelvin. Pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

"Don't worry guys, hindi niyo na 'ko kailangang ireto sa iba. I'm waiting for someone else," Wika ko. Ang love kasi, hindi naman hinahanap, kusang dumarating. At hihintayin ko nalang yung tamang panahon na magmamahal ako at may lalaking tatanggap sa'kin.

"Oh My God, who's that someone else?" Si Marlo.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon