Chapter 14

1.8K 31 1
                                    

Chapter 14

*Hyacinth's POV*


"Where's your room?" Tinuro ko yung kwarto ko. Tahimik naman siyang naglakad papunta roon. Ako na rin yung nagbukas ng pinto dahil buhat buhat niya ako at marahan niya akong binaba sa kama.

Naiilang ako, na nahihiya dahil sa ginagawa niya pero hindi nalang ako nagsalita. Siya yung sumundo at naglabas sa'kin sa hospital. Pati paghatid dito sa bahay, ginawa niya na rin. Tinatanong nga ng mga kaibigan ko kung totoong amo ko ba siya o nagpapanggap lang kami, dahil kanina pa niya 'ko inaasikaso.

Oo, siya yung dahilan kung bakit na-hospital ako. Okay lang naman siguro na siya yung magbayad ng hospital bills ko pero yung pagsundo at paghatid sa'kin, pati yung pag-aasikaso sa'kin. Hindi naman na niya siguro obligasyon yon.

Sinimulan niyang pagmasdan yung buong kwarto ko. Naka-indian seat lang ako sa kama habang nakatingin sa kanya na tila ba na-aamaze sa mga nakikita niya. Binubusisi niya yung mga medals, certificate at ribbons ko na naka-display sa pader. Yun yung mga awards na nakuha ko simula nung bata pa ako hanggang ngayon.

Si lola ang nag-ayos nito, kahit sa kwarto ng kapatid ko, mga awards lang din niya ang naka-display sa pader at ilang mga pictures. Mas maganda na raw yung ganon kaysa kung ano anong mga bagay na wala namang kabuluhan ang ilagay.

"You're a bright child." Wika nito habang hawak hawak yung isa kong medal. Sa pagkakatanda ko. Yung medal na 'yon ay nakuha ko nung nagtapos ako ng elementary.

Kinuha niya yung isang picture frame, pagkatapos tiningnan ako. Binalik niya ulit yung tingin sa picture at tiningnan ulit ako. Napakunot yung noo ko. Ano ba yung picture na tinitingnan niya at para bang hindi siya makapaniwala kapag tinitingnan niya ako?

"Jared?!" Ngumiti ito.

"Sorry."

Lumapit siya sa'kin ng konti at pinakita sa'kin yung picture na tinitingnan niya. Malungkot akong ngumiti. Kuha iyon noong seventh birthday ko. Nakagitna ako sa picture kasama ng parents ko. At iyon na ang pinakahuling picture na kasama ko sila.

"Ako yan, hindi ba halata?" Tiningnan niya ulit yung picture tsaka siya bumaling sa'kin.

"You don't look like her. You've grown up beautiful lady." Ngumiti nalang ako.

"You don't experience puberty stage?" Inirapan ko siya.

Bata pa kasi ko noon. Yung buhok ko hanggang tenga ko lang tapos tuwid pa. Ewan ko ba kung bakit ganon yung gustong gupit sa'kin ni papa. Medyo maitim din ako noon, dahil lagi akong nasa labas ng bahay. Medyo maitim ako, oo pero wala akong kahit isa mang galos. Pinapagalitan kasi ako ni mama kapag nasusugatan ako.

Babae raw ako kaya kailangan kong ingatan ang kutis ko. Dahil iyon lang yung kaya kong ipagmalaki. Ang katawan ko. Kaya habang lumalaki ako. Ingat na ingat ni lola yung balat ko dahil yun daw ang bilin ni mama bago ito mamatay. At masama raw na hindi sundin ang bilin ng patay.

Tumingin ako kay Jared. Nakatingin pa rin siya doon sa picture tapos ngingiti sa'kin. Pinagtatawanan ba niya yung hitsura ko noong bata? Eh sa mukha nga 'kong batang gusgusin na luma ang suot na damit sa picture na yon. Anong magagawa ko?

Kahit pangit ako don, naka-display pa rin yon dito sa kwarto. Bakit ba kasi hindi pa siya umalis? Naihatid naman na niya 'ko. May balak kaya siyang mag-stay dito? Wala ba siyang balak pumasok?

"Bakit ba?!"

"Nothing!" Sumeryoso na ulit yung mukha niya.

"Parents ko yan." Sabi ko sa kanya na ayaw tantanan yung picture na kanina pa niya hawak. Tumingin siya sa picture at tiningnan niya ulit ako.

"You look like your father." Tiningnan ko lang siya. Ganon din naman ito.

Maraming nagsasabi na kamukha ko nga raw si papa. Kamukha naman ni Aliyah si mama. OFW ang tatay ko. Nine years old ako, ng mamatay ito sa isang plane crash. Ten years old naman ako ng mamatay ang mother ko sa panganganak kay Aliyah. Magkasunod na taon na para bang sasabog ang dibdib ko, pero kinaya ko para sa kapatid ko.

Sinoli na niya yung picture frame sa pinagkuhanan niya. Lumabas ito ng kwarto na hindi man lang nagpa-alam sa'kin. Nagkibit balikat nalang ako. Makalipas ang ilang minuto, bumalik ito at tumabi sa'kin sa kama. Nagtaka naman ako.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Instead, hinapit niya 'ko palapit sa kanya at pina-unan sa braso niya. Tiningnan ko lang siya, ngumiti naman ito sa'kin.

"I ask your grandmother if I can stay here to take care of you. And she said yes." What?! Pumayag si lola na bantayan ako ni Jared? Hindi pwede! Baka may mangyaring kakaiba. Nakabusangot na tumingin ako sa kanya. Nginisihan lang niya ko.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon