Chapter 9

3.3K 45 6
                                    

Chapter 9

*Hyacinth’s POV*


“Finally, another day of survival.”

Wika ni Samantha ng makaalis si Miss Garcia at makahinga kaming lahat ng maluwag. Nagdiscuss lang ito at sinabing maghanda kami sa quiz sa susunod na klase. Isa isang nagsilabasan yung mga kaklase namin, hanggang lima nalang kaming nasa classroom.

“I feel like I’m worn out.” Wika naman ni Teresa.
“Like I need a cold drink to cool myself down.” Wika pa nito habang nag-iinat.

“I need to unwind and be wild.”

“Let’s go to the bar!” Wika naman ni Marlo.

“The Ampersand!” Sabay na wika nila Teresa at Samantha.

“Great minds, do think alike!” Natatawa pa na wika nila.

“So what do you say?” Tanong nilang tatlo at tumingin kay Amber. Ngumiti naman ito.

“Of course I’m in!”

“Andrae wouldn’t get mad?” Tanong ni Tesa.
“No, as long as I hold my liquor.”

“Great, then it’s settled!” Excited naman na wika ni Sam bago sila mapatingin sa’kin.

“And of course she’s coming too.” Wika ni Marlo.

“Sorry, m-may gagawin pa kasi ako.” Tiningnan ako ni Amber. Alas singko palang ng hapon at kabisado nila na ganitong oras ako lagi umaalis para pumasok sa club. Pinanlakihan niya ako ng mata. Alanganin akong ngumiti.

“Don’t worry guys, she’s coming.” Ngumiti ito. “Kung kinakailangang kaladkarin ko siya gagawin ko.” Natawa sila Sam at Tesa.

“Okay. See you at six!” Wika ni Sam at tumayo mula sa pagkakaupo niya.

“Is it okay if we bring a friend?” Tanong naman ni Tesa. Tumango lang sila Amber at Marlo. Nagpaalam yung mga ito na magtetext nalang mamayang alas sais.

“So what should we do for an hour?” Tanong ni Marlo. “Oh come on Hyacinth. You’re not going anywhere.” Wika pa nito ng akmang tatakasakan ko sila.

“M-May gagawin pa kasi ako.” Ulit ko sa dahilan ko kanina. Amber gives me a cold look.
“Hyacinth, we know you very well. Wala kang gagawin.”

“H-Hindi kasi ko pwedeng pumunta sa bar.”

“At bakit naman hindi?” Nagtinginan silang dalawa.

“Oh don’t tell me na magagalit yung boyfriend mo?” Hindi ko ito boyfriend. Pero papatayin lang naman niya ako kung sakali.

“Wala nga akong boyfriend.”

“Then go.” Napabuntong hininga nalang ako.

“But I smelled something fishy about this boyfriend thing.” Wika ni Marlo. “Care to explain?”

“Hindi ko boyfriend si Jeff.”

“I’m not curious about Jeff. I’m curious about his friend.”

“Dahilan lang niya ‘yon para papasukin ako ni Miss Garcia.”

“Are you sure?”

“Marlo.” Ngumiti ito at tinapik ako sa balikat. “It’s okay Hyacinth. I respect your privacy.”

Ngumiti ulit ito at hindi na nagtanong. Tahimik lang din naman si Amber na nakikiramdam. Nakokonsensya ako na hindi ko sinasabi sa kanila ang totoo. Balak ko namang sabihin, hindi palang sa ngayon.

“Okay, let’s go to my house!” Si Amber at sinabayan niya ng pagtayo.

“Anong gagawin natin sa inyo?” Si Marlo.

“Duh! Changing outfit. Don’t you wanna change clothes?”

“I always have a spare clothes in my car remember?”

“Oh I forgot. Then just drive us to my house.” Tumingin ito sa’kin.

“Amber, hindi talaga ako—"

“In easy way or in hard way?” Napabuntong hininga nalang ako.

“Fine, sasama na’ko.”

“Great!” Niyakap ako ni Amber. Pumunta kami sandali sa bahay nila para magpalit ng damit at mag-ayos ng konti.


---


Nakarating kami sa Ampersand at maayos akong sumama sa mga kaibigan ko. Dahil alam kong hindi sila nagbibiro. Kung kinakailangang kaladkarin nila ‘ko, gagawin talaga nila iyon maisama lang ako. Napapa-iling na sumunod nalang ako sa paglalakad nila hanggang sa makakita ang mga ito ng bakanteng upuan.

Nagkanya kanya sila ng order ng foods at nagkibit balikat nalang ako habang nagmamasid sa kapaligiran. Hindi naman ito ang unang beses na nakapasok ako sa bar. Hindi rin naman ito nalalayo sa club na pinagtatrabahuhan ko dati. May mga nagsasayawan at nag-iinumang tao ang makikita mo rito. Ilan naman sa mga gilid ay naghahalikan at may kanya kanyang bagay na ginagawa.

Paborito itong puntahan nila Amber at Marlo dahil sa lahat daw ng bar, ito na siguro ang pinaka-maayos at kumpleto. Restaurant ito sa umaga at bar naman sa gabi. Naghahalo dito yung mga taong gustong maglasing, mga estudyanteng nag-eenjoy lang at gustong kumanta o sumayaw at syempre yung mga taong naghahanap ng panandaliang aliw.

“So, anong gagawin natin dito?” Tanong ko nang maka-alis na yung waiter.

“Dance. You love dancing right?” Ani Amber na luminga pa sa paligid.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Oo gusto kong magsayaw. Pinangarap ko naman kasi dating maging dancer. Kaya lang, yung pangarap ko na iyon ay nabahiran na ng dumi. Hindi maganda yung karanasan ko kaya hindi ko nalang ipagpapatuloy. Muntikan na rin naman akong matulad sa mga babaeng mababa ang lipad. Yung tipong gising sa umaga, tulog sa gabi.

Hindi man ito ang night club na pinagtatrabahuhan ko noon, bawat sulok dito, makakita lang ako ng entablado. Naaalala ko kung saan ako nanggaling. Kung gaano karaming matang nakatingin sa akin, tuwang tuwa habang pinapanuod yung maharot na sayaw ko at yung katawan kong konting konti nalang, makikita na ng lahat sa sobrang nipis ng telang nakatakip sa’kin. Napa-iling iling ako.

“Hyacinth? You okay?” Si Amber ulit. Tumango tango nalang ako at kinawayan yung isang waiter malapit sa amin.

“Kuya, pa-order ng isang pineapple juice, yung maraming yelo,” Tiningnan lang ako ng mga kaibigan ko, iniisip siguro nila kung ano’ng problema ko. Ngumiti nalang ako. Hindi naman sila nagtanong kaya napanatag yung loob ko.

“Wait girls, susunduin ko lang si Pham sa labas. Ayaw papasukin eh, bwisit na bouncer ‘yan!” Wika ni Marlo na halos sumigaw na dahil sa sobrang ingay dito sa bar. Tinawanan lang siya ni Amber.

“Hindi ba pupunta si Andrae dito?” Tanong ko. Kumuha ako ng chips at iyon ang inumpisahan kong kainin. Amber just raised her right brow.

“No. They have a practice on basketball for the tournament so, hindi ko na inabala,” Ngumiti ito at in-straight yung kalahating baso ng vodka na hawak niya.

“Eh yung pinsan mo, si Cynthia? Nandito pa ba siya?” Sa pagkakatanda ko, two weeks na simula noong napag-usapan namin na susunduin niya ito sa Airport.

“Yeah, hindi raw kasi siya aalis hanggat hindi kami okay ni Andrae,” She smirk. “And now that we’re okay, hindi ko alam kung kailan siya babalik ng America. I think she’s enjoying her vacation here.” Tumango tango nalang ako at sumubo ng pagkain.

“It’s 630 pm. Bakit ang tagal nila Sam at Teresa? Oh maybe they’re still waiting for their puppets!” She rolled her eyes and drink again her white liquor. Ako ang napapangiwi sa tuwing iinom siya, pakiramdam ko kasi ang pait pait nung lasa. Amoy palang nakakasuka na.

“Puppets?” Takang tanong ko dahil namali yata yung dinig ko.

“Oh that’s Lucas and Caleb.” Tumango tango nalang ako. Kung hindi ako nagkakamali, boyfriend ito nila Sam at Teresa, minsan na rin itong nabanggit sa amin ng dalawa. Malamang na kilala ito nila Amber at Marlo dahil madalas na sila ang magkakasamang mag-hang out.

“You want?” Alok niya sa isang bote ng ladies drink na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Baka raw kasi magbago ang isip ko at gustuhin kong uminom kaya in-order-an nila ko ng hindi nakakalasing pero ngumiti lang ako at umiling iling.

“No thanks, I’m enjoying my pineapple juice,” I giggle. “And the chips,”

“Ang swerte naman ng tiyan mo, hindi nakakatikim ng hard drinks,” Ngumiti nalang ako.

Sakto namang dumating yung anim. Tumingin ako kay Amber. Ngumiti lang ito. Eto na siguro yung Lucas at Caleb, parehong may hitsura yung dalawa at nagsisimula na ring magtwinkle yung mga mata ni Marlo, pero dahil kailangan niyang magbehave, umaasta ito na akala mo lalaking lalaki. Napangiti nalang ako. Tumabi si Pham sa akin. Sila Teresa at Sam naman ay nasa kabilang couch paharap sa amin. Medyo malaki ang couch, kasya ang pangsampuan na tao.

“You want beer? Vodka?” Alok ni Marlo sa dalawang lalaki.

“Vodka and beer will do,” Said the other guy who has a black hair.

“Hey Hyacinth, this is Lucas and Caleb!” Pakilala sa amin ni Sam. “Si Hyacinth nga pala, dean’s lister namin ‘yan!” Ngumiti lang naman ako.
“Hello, beautiful lady,” Lumapit sa’kin yung lalaking blonde ang buhok, at nagulat nalang ako ng hawakan niya yung isang kamay ko at halikan. Nagsigawan lang naman sila.

“Hoy Lucas, wag mong dimonyohin si Hyacinth! Pupukpukin kita ng bote dyan!” Ani Teresa. Natawa nalang ako, nagkamot naman ito sa ulo.
“I’m trying to be a gentleman.”

“Ikaw? Gentleman?!” React pa nito. "Sorry about him, kabaligtaran kasi ng pangalan niya ang ugali niya,”

I think it’s Caleb who said that at pumulupot yung braso niya sa bewang ni Teresa. Nginisi-ngisihan pa nito ang kaibigan niya. Napakunot naman yung noo ko. Anong kabaligtaran ng pangalan niya ang ugali nito?

“The Gospel of Luke. Lucas, a friend and companion of Apostle Paul,” Wika ni Sam habang pinaglalaruan yung wine sa baso.

“I didn’t know you’re reading bible,” Si Lucas. Nagtawanan nalang kami ng hampasin ito ni Samantha.

“Babe naman,” React nito habang kakamot kamot sa ulo.

Napapangiti nalang ako habang masaya silang naghaharutan. Ang sarap lang siguro magkaroon ng boyfriend na parang kapatid at kabarkada mo lang. Yung hindi lang basta boyfriend ang role niya. Yung nandiyan siya para maging kaibigan mo, maging kapamilya at karamay sa lahat ng bagay. Napa-iling iling ako.

“So how long have you been? You know, relationship.” Tanong ni Lucas kay Marlo ng tumigil si Samantha sa paghampas sa kanya. Tumingin naman ito kay Pham at ngumiti.

“Oh we’re cousins!” Wika nito at inisang lagok yung beer sa baso. Natawa yung dalawang lalaki at tumango.

“How about you and Samantha?” Tanong naman ni Pham.

“Ugh, guys. Pardon me but we’re not a couple.” Ani Sam na tumawa pa.

“Nang lagay na yan?!” Nakataas ang kilay na tanong pa ni Pham. Naka-upo si Sam sa lap ni Lucas at nakapalupot naman ang kamay ng huli sa bewang nito. They’re not lovers, nor a couple. What should we call them? Friends?!

“What are you? Friends with benefits?!” Amber rolled her eyes and smirk. Tumawa lang kami, including them. Pero sila Teresa at Caleb ay may sariling mundo.

“But we’re going there, the couple thing you know,” Wika ni Lucas at ngumiti kay Sam na umismid lang.

“Are you half French?” Ngumiti nalang ako. May accent kasi ito sa pagsasalita at halata naman sa hitsura niya na may ibang lahi ito.

“No.” Ngumiti ito at uminom ng Beer. “I’m a Dutch/Irish born citizen. I can speak Filipino because my Father marry a Filipina thirteen years later when my mother died at giving birth to me,” Uminom ulit siya ng beer at tumingin sakin.

“I just learned the language, you know,” He chuckle. “My so called brother, the son of my stepmom taught me a lot.” Tumingin ito kay Caleb at ngumisi. Kumunot naman ang noo ko.

“We’re brothers,” Sagot ni Caleb na gumanti ng ngisi kay Lucas.

Nagkatinginan lang kaming Apat at tumango tango. Hindi sila magkapatid sa dugo pero magkapatid sila by nature and legally. Hindi nalang ulit ako nagtanong, nagkanya kanya rin naman sila ng inom at kain ng fish tacos. Sila Caleb at Teresa naman ay bumalik na sa busy nilang ginagawa kanina.

“I heard, you’re going to pretend na girlfriend ng baklitang to.” Bulong sa’kin ni Pham. Ngumiti ako. Napagkasunduan namin ni Marlo na huwag ko nalang bayaran yung utang ko sa kanya. Ang kailangan ko lang gawin ay magpanggap na girlfriend niya.

“Oo tulungan mo ‘ko.” Bumungisngis ito. Kumuha rin ito ng alak na hindi na nag-abalang isalin pa sa baso. Kung titingnan, ako lang ang hindi umiinom sa aming walo, hindi dahil sa bawal sakin ang alak kundi dahil sa ayoko ng lasa.

“You will meet Uncle Frank. Good luck to you,” Tumungga ito ng alak. Sa sinabi niya, parang nakakatakot ma-meet yung father ni Marlo.

“Anyhow, you have a beautiful face, maniniwala naman siguro ‘yon na girlfriend ka niya, basta galingan niyo lang yung pag-arte,” Kumindat pa ito at muling tumungga ng alak.

“You two, what are you murmuring about?” Si Marlo. Nagngitian lang naman kami ni Pham at hindi na pinansin yung nakakunot nitong noo.

“Wanna dance?” Ani Amber na tumingin doon sa apat na may kanya kanyang ginagawa. Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa, masasabi kong naghahalikan ang mga ito. Although, kanina pa nila gingawa iyon.

“They are busy,” Wika ni Pham at tumungga ulit ng alak. Tinirik lang ni Amber ang mga mata.

“Hey guys, get a room!” Malakas na sigaw nito na nakapagpatigil sa apat. Parang wala lang na nagtawanan ang mga ito at nagkanya kanya ng inom ng alak. Napa-iling iling nalang ako.

“Their guacamole is good,” Wika ni Teresa na tinikman ang isang putahe.

“I like the chicken strips,” Wika naman ni Caleb.

“Excuse me ma’am/sir, do you need anything?”

“Come on, let’s be wild. Let’s dance,”

Wika ni Samantha na hindi pinansin yung magalang na tanong ng waiter. Tumayo silang apat at nagpunta sa dance floor. Sinundan ko lang sila ng tingin dahil mukhang may tama na yung dalawa at yung dalawang lalaki naman ay enjoy na enjoy sa ginagawa nila.

“Hyacinth, you want another pineapple?” Si Amber.

“Ah hindi na, tubig nalang siguro,”

“I think I’m the one who needs the pineapple,” Pinilig pinilig niya’ng ulo niya. “Please give us one glass of cold water and pineapple juice,” Anito na tinapik tapik pa ang mukha niya.

“Celestina, mukhang inaantok kana,”

“Aye, marami na yata yung nainom ko,”

“Gusto mo ng umuwi?”

“Mamaya na, sayaw muna tayo.” Inalalayan itong tumayo ni Marlo hanggang sa makarating sila sa dance floor. Mukhang may tama na rin ang isang ‘yon at parang si Pham lang ang hindi nalalasing.

After ten minutes bumalik na yung dalawa mula sa pagsasayaw. In-straight ni Amber yung pineapple juice na kadadala lang ng waiter at nanlalata itong umupo sa couch, pagkatapos hinilot hilot nito yung sintido niya. May tama na nga. Napa-iling iling ako. Tumingin ako kay Marlo at tumango ito.

“Girl, mabuti pa, ihatid muna siya.”

“Nasaan nga pala yung apat?”

“They really got a room,” Nanlaki yung mga mata ko. Tumawa naman ito. “No. They’re just getting wild, nandoon walang kapaguran sa pagsasayaw.” Tumango nalang ako at inalalayang tumayo si Amber.

“Kaya mo pang maglakad?” Tanong ko rito. Tumango lang naman ito.

“Ako nalang kayang maghatid sa kanya?” Wika ni Pham. Minulagatan naman siya ng mata ni Marlo.

“Magtigil ka, for sure kapag naka-uwi ka ng bahay hindi kana babalik dito,”

“Eh kasi naman, kanina pa ako hinahanap nung kasama ko sa apartment,”

“Hindi naman mawawala yung kasama mo don,”

“Anong hindi? Kanina pa raw siya ginugulo ni Rhys, naku talaga yang gagong pinsan mo hindi ko na alam kung anong gagawin ko!”

“Na pinsan mo rin!”

Hindi ko na narinig yung sumunod na pag-uusap nila dahil napalibutan na ng ingay yung paligid. Inayos ko nalang yung pag-alalay ko kay Amber hanggang sa makalabas kami. Hinayaan ko nalang siyang umupo sa may bench tsaka ako nagsimulang mag-abang ng taxi.

“Um Hyacinth?”

“Bakit?”

“Can you drive?” Tanong nito na nakapikit at nakadukdok ang ulo.

“Hindi,” Umiling iling pa ako kahit hindi naman niya nakikita.

“So paano mo ko ihahatid?”
“Um taxi?”

“Gabi na, wala ng taxi,” Automatikong napatingin ako sa phone ko.

It says there 10:30 pm, lihim pa ‘kong napamura ng makitang may tatlong missed call si Jared sa akin. Napatapik ako sa noo. Ano nanaman kayang magandang dahilan ang sasabihin ko? Sigurado kong magagalit ito sa’kin dahil pinagbawalan niya akong pumunta sa bar.

“Ah Amber?

“Hmmm?” Umungol lang ito. “Where’s your phone? Tatawagan ko nalang si Andrae, hindi naman siguro magagalit iyon?”

“Much better.” Wika nito na inaayos ang pagkakadukdok niya. Napa-iling iling na kinuha ko yung cellphone niya at tinawagan yung number ni Andrae. Nakadalawang ring bago ito sumagot. Nagpapasalamat ako at gising pa ito.

After 10 minutes dumating ito at natatawang tiningnan yung girlfriend niya. Tinirik ko pataas yung mata ko. Kahilig kasing uminom ng babaeng ‘to, daig pa yung lalaki kung makahingi ng alak. Two weeks kasi yata siyang hindi nakapag-inom dahil pinipigilan ito ni Marlo.

Ang sabi kasi ni Marlo. Ayaw niyang umiinom kapag may problema, lalo na yung tungkol sa pag-ibig dahil baka raw may ibang magawa si Amber. Mas maganda raw uminom yung nagsasaya ka lang, nag eenjoy.

“You’re drunk. I told you not to drink too much!”

“I’m not drunk. I’m just sleepy” Hindi na ito nagsalita. Binuhat niya si Amber at maayos na hininga sa back seat ng kotse pagkatapos bumaling siya sa’kin.

“Aren’t you going home? Ihahatid na rin kita,” Ngumiti ako.

“Hindi na, kasama ko pa kasi si Marlo.” Tumango ito at binuksan yung pinto ng driver seat. “Hoy Liam Andrae! Ihatid mo si Amber ng maayos, tatawagan ko si Tita Maggy kapag wala pa siya within thirty minutes sa bahay nila ipapa-blotter ko yang mukha mo!” Tumawa ito ng mahina at nagkamot sa ulo.

“Bakit? May nakakatawa?!” Tanong ko.

“Hindi ko alam na marunong ka rin palang magtaray,”

“Wag kang tumawa, seryoso ko ha?!” Tumawa lang ulit ito ng mahina.

Ang sabi kasi ng mga nakakakilala sa’kin. Masyado ras akong mahinhin. Yung parang pati lamok hindi kayang patayin. Syempre, kahit naman mabait na tao marunong ding magsungit, kaligtasan lang naman ng kaibigan ko ang iniisip ko.

“Don’t worry, ako na ang tatawag kay mommy at sasabihin kong iuuwi ko siya sa condo.” Napangiti nalang ako. Mommy ang tawag nito sa mommy ni Amber. Hindi ko alam kung makapal lang yung mukha niya, nagpapa-bango masyado kay tita Maggy o dun lang siya mas sanay.

“Sige, ingat!”

“Bakit hindi ka pa umuwi?! Papatayin din ako ng kaibigan mo kapag may hindi magandang nangyari sayo,” At mapapatay din ako ni Jared kapag nagkataon. Ngumiti nalang ako.

“Don’t worry, alam niyang kasama ko si Marlo.” Tumango tango nalang ito at hindi na ako kinulit. Napapangiting tinanaw ko nalang yung kotse nitong papalayo hanggang sa tuluyan iyong mawala sa paningin ko.

---

Votes and Comments are highly appreciated. Thanks! :)

-Akirah

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon