Chapter 29

536 13 4
                                    

Chapter 29

*Hyacinth’s POV*


“Nga pala Miss Governor, may nahanap ng bagong magiging lead actor mo as the role of Romeo. Nag-back-out kasi si Kelvin, dahil hindi raw niya kaya yung role. Pero ikaw, final na talaga. Ikaw din kasi yung gusto ni Miss Santos na maging si Juliet eh.” Tumango lang ako kay Samantha.

Hindi ko man gusto na maging role ni Juliet dahil hindi naman ako marunong sa acting, tinanggap ko nalang dahil wala rin naman akong magagawa kung iyon ang gusto nila. Umupo ako sa isang gilid at tahimik na pinagmasdan ang iba kong classmate na nagpa-practice. Magagaling silang umarte dahil sobra nilang sineseryoso itong play. Bukod kasi sa nakasalalay rito ang grades namin ay ipe-perform din namin ito sa gaganaping event ng school sa susunod na linggo.

Mapapanuod kami ng buong Nursing Department at dadalin namin ang pride ng buong graduating students sa gaganaping play na ito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang simpleng play lang dati ay naging sobrang mahalaga. Natuwa siguro yung President ng University kaya isinama niya ito sa event.

“Guys! After the scene nila Gregory at Samsom. Magready na yung gaganap na Juliet at yung Nurse!” Malakas na sigaw ni Teresa na nakapagpabalik sa katinuan ko.

“Nasaan na ba yung gaganap na Romeo?!” Si Teresa ulit.

“Hindi pa raw yata makakapunta ngayon dahil medyo busy.” Si Sam.

“Medyo busy?” Ulit na tanong nito. “Eh kung busy naman pala siya sana hindi na siya yung kinuhang maging si Romeo. Ang kailangan natin yung taong makakapag participate sa practice. Kung lagi siyang busy ano nalang ang mangyayari sa’tin?” Naiinis na wika nito.

“Hindi ba niya alam na next week na yung play? Anong practice ang gagawin niya sa loob ng limang araw?!” Dugtong pa nito.

“Wait lang Tesa wag ka sa’king magalit.” Sagot ni Sam. “Sumusunod lang ako sa utos ni Miss Santos. At ang alam ko, si Dean ang nagpasuyo kay Miss Santos na yung lalaki na ‘yon ang magiging Romeo.”

“Okay, I’m sorry.” Huminga ito ng malalim. “Ang sa’kin lang naman. Bakit pa nila kinuha yung lalaki na ‘yon kung busy naman pala. Main character pa naman siya, mabuti sana kung extra lang.”

Naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin. Gusto niyang mapabuti ang gagawin naming play kaya lahat kami nagpupursigi sa practice, kaya lang may dahilan naman siguro sila Miss Santos at si Dean kung bakit gusto nilang gumanap na Romeo ang lalaki na ‘yon.

“Paano kung chaka pa yung ipadala nilang magiging Romeo? Jusko mababaliw yata ako.” Napa-upo ito sa plastic chair. Napakamot naman sa ulo si Samantha.

“Don’t worry kakausapin ko nalang ulit si Miss Santos.” Wika nito at napapa-iling na umalis.

“Sa pagkaka-alam ko special participition yung magiging Romeo mo as requested by our Dean.” Si Marlo. Humatak ito ng dalawang upuan. Binigay niya kay Amber yung isa at tahimik na umupo.

“So what if he’s special? Tuluyang masisira ang play natin kapag hindi pa siya nagpakita ngayon!” Naka-ismid na wika ni Amber.

“And what is he? A President of the University? At sobrang busy niya?!” Pa-irap pa na dagdag nito.

After five days na isasagawa yung play at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita sa magiging Romeo. Wala rin kaming idea kung sino siya. Hindi namin alam kung anong sinasabi ni Miss Santos tungkol sa bagay na ito dahil si Samantha ang nakikipag communicate dito.

“Okay, ready na ba yung next scene?” Si Teresa ulit. Kinuha ko yung script ko at nagpa-alam sa dalawa kong kaibigan. Tumango lang naman sila.

“We will practice the face expression and the voice emotion. Para ready na tayo sa recording ng boses niyo mamaya.”

Tumango lang kami sa paliwanag nito. Hindi naman kasi namin kailangang i-memorize ang buong script katulad ng ibang play. All we need to do is to record our voice, lagyan ng sound effect at sabayan ito ng arte habang nagpe-perform sa stage.

“Ready?” Tanong nito sa’min. Tumango lang ulit kami.

“Okay, practicing Act ll, scene lV of the story. Action!”

“Come hither, nurse. What is yond gentleman?” Bigkas ko sa una kong linya.

“The son and heir of old Tiberio.” Wika naman nito.

“What's he that now is going out of door?” Lumakad ako sa kabilang side ng stage at tiningnan ko kunwari ang papalayong si Romeo.

“Marry, that, I think, be young Petrucio.”

“What's he that follows there, that would not dance?” Tumingin ako sa hanap ni Teresa pero iba ang nakita ko. Binanggit ng kasama ko ang sumunod na linya niya. Nakatingin sila sa’kin. Nagtataka siguro kung bakit tumigil ako sa pagbigkas ng sa’kin.

“Hyacinth? What happened?” Takang tanong ni Tesa.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatayo at nakatahimik, nakatingin sa isang particular na tao. Ngumiti ito sa’kin at kumaway. Sinundan ko lang ito ng tingin habang pababa siya ng hagdan, papunta sa mga kaibigan ko. Nagtatakang napatingin sila sa direksyong tinitingnan ko. Hindi ko alam kung anong naging reaksyon nila ng makita ito.

“Captain! Nice to see you here.” Bati niya rito na hindi alam kung paanong approach ang gagawin.

Tumingin ako sa kasama ko sa stage. Sumenyas ito na bumaba na muna kami. Napatango nalang ako at napasunod. Nagtataka ako kung bakit nandito ito. Sa pagkakatanda ko kasi, pinagbawalan ng Dean namin na pumasok ang ibang estudyante rito na hindi naman related sa play para makapag practice kami ng maayos. So bakit nandito ito ngayon?

“How’s the play going?” He ask.

“Ah good?” Sagot ni Teresa na at ease pa rin. Hindi kasi siya sanay na kausap ito ng harapan. Sanay lang siya na napapanuod ito sa soccer practice nito.

“I see,” Ngumiti ito. “I’m sorry I’m late! I’m not good in acting but I think I can do it well.” Wika nito na nakatingin sa’kin.

“Huh?” Takang tanong nila at dahan dahang napatingin sa’kin. Hindi ko alam kung anong magiging reakyon ko.

“Does Miss Santos did not tell you?”

“Ikaw yung magiging Romeo!?” Gulat na tanong nilang lahat. Napakunot yung noo ko. Paano nangyari ‘yon?

“Sorry I’ve kept you waiting, My Lady Juliet!” Lumapit siya sa’kin at inakbayan ako. Yung mga kaibigan at kaklase ko naman hindi pa yata gaanong aware sa nangyayari at sa presensiya nito. Nakatingin lang sila sa’min.

“Jared maraming tao.” Mahinang bulong ko rito.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon