Chapter 31

176 5 0
                                    

Chapter 31

*Hyacinth’s POV*

“Hyacinth hija, you’re so lovely,” Nakangiting bati sa’kin ni Miss Santos na nag-aabang sa entrance ng gymnasium kung saan maayos na naka-set ang party. Binati rin nito sila Amber at Marlo at magalang naman kaming nagpasalamat dito.

“But wait, where’s your Romeo?”

“Baka po na-traffic lang,” Sabi ko nalang. Tumango naman ito at hindi na nagtanong.

Nang matapos kasi ang play kanina, inaasahan na namin ang picture taking. After non, nagkanya-kanya na rin kaming ayos sa sarili namin para umuwi. Matapos akong batiin ng mga magulang ni Jared ay nauna na rin silang umalis. Sa bahay ako tumuloy para makapagpahinga ako ng maayos. Nagpa-alam naman ako rito na kila Amber ako sasabay papunta sa party at pumayag naman ito.

“Hey guys!” Masaya kaming sinalubong nila Teresa at Samantha at sinabing doon kami maki-share sa table nila.

“Feeling ko tuloy graduation ball na natin,” Si Sam. Naki-ayon nalang kami sa kanya dahil kahit ako, akala ko rin isang simpleng party lang ang inihanda nila. Bonggang party pala. Daig pa nga namin yung nag graduation ball sa haba ng mga gowns namin.

Maya maya sinimulan na rin nila ang program ng party. Habang nag-eenjoy sa pagkain ang lahat, masaya rin kaming nagkukwentuhan ng mga ka-table ko. Masaya naman ako, pero iniisip ko lang kung nasaan si Jared. May balak kaya siyang pumunta? Eight o’clock in the evening na, patapos na ang dinner ay hindi ko pa rin nakikita kahit anino nito.

“Good evening ladies and gentlemen!” Malakas na bati sa amin ng baklang emcee na hindi ko na pinag-aksayahan ng oras na alamin ang pangalan.

“First of all, in behalf of the President of the University, the Dean of Nursing Department, to our professor Miss Santos. I would like to congratulate the students of 4BSN1 for the success of their play.” Nagpalakpakan ang mga tao.

Marami pa itong sinabi, pero hindi ko na pinakinggan. Isa isa ring nag-speech yung tatlong mahalagang tao na binanggit niya kanina at katulad din ng sinabi niya, binabati kami ng mga ito sa ginawa naming play. Napabusangot ako. Ganito ba ang party? Hindi ko alam kung bakit bored na bored ako sa mga ganitong okasyon. Hindi ba talaga ako sanay sa mga maiingay na event o dahil wala lang si Jared kaya wala rin ako mood?

“Hyacinth ano ba? Baka gusto mo akong pansinin?” Si Sam na tinapik ako sa braso.
Napakunot yung noo ko. Tinuro nito yung dance floor. Nagsisimula na pala yung formal dance na inihanda ng section two para sa party na ito. Sa pagkaka-alam ko. Mayroong five sections ang Nursing Department at exclusive ang party na’to para sa mga graduating students lang.

Sa pagkaka-alam ko rin ay nasa section three si Margaret at ipinapanalangin kong hindi ko ito makita. Malaki naman itong gym at sa dami ng mga estudyante na nandito. Nagtitiwala ako na magiging payapa ang gabi ko.

“After niyan may sweet dance. My gosh! Sino kayang poging prince charming ang mag-aaya sa’king sumayaw?” Kinikilig na wika nito habang nanunuod ng sayaw. Napangiti nalang ako at napa-iling.

“At dahil wala si Andrae. Ako muna ang magsasayaw sayo ngayon.” Wika ni Marlo kay Amber.

“Dapat lang!” Nakangiting sagot nito.

“Pupunta lang ako sandali sa powder room.”

Pagpapa-alam ko sa mga ito. Tumango naman sila. Pagkarating ko roon, ilang sandaling tinitigan ko lang yung mukha ko sa salamin at nagpapa-iling na lumabas. Muntik pa akong mapatili ng may biglang humatak sa’kin.

“There you are. I’ve been looking for you!”

“Jared?” Gulat na wika ko. Ngumiti ito.

“Why? You look surprise. I am part of this, remember?” Oo nga, kasali nga siya rito. Pero hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang lumalakas yung tibok ng puso ko.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon