Chapter 21

1.1K 22 5
                                    

Chapter 21

*Hyacinth’s POV*

“Bonjour ma belle!” Si Blaze. Napakunot yung noo ko. Ma belle?

“Ano’ng ginagawa mo rito?” Tiningnan lang niya ako. Yung usual cold look. Nasa counter ako at um-order ng pagkain. Kinuha niya sa’kin yung tray at marahang binalik sa pinagkuhanan ko kanina.

“It’s 4:07 pm.” Anito na tumingin sa suot niyang wrist watch.

“So?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“It seems like, you forget something, ma belle.” Yung date. Hindi ko nakakalimutan. Seryoso ba talaga siya roon? Akala ko kasi gi-nu-good time niya lang ako. Ngumisi ito. Inirapan ko lang siya at umalis sa kinatatayuan ko para hindi maka-abala sa pila.

“Ngayon na ba ‘yon?” Kibit balikat na tanong ko. Tinaasan niya ko ng kilay. “Okay! Okay!” Tinaas ko yung dalawang kamay ko.

“Magpapa-alam muna ko sa mga kaibigan ko at—“

“No need. It’s getting late!”

Hinawakan niya ‘ko sa pulso at marahang inakay. Lumingon ako sa table naming magkaka-ibigan. Nakatingin din silang dalawa sa’kin at para bang hindi pa nagsi-sink in sa utak nila yung nangyayari. Nagtataka siguro sila kung sino itong lalaking basta nalang lumapit sa’kin at hatakin ako. Ngumiti nalang ako at kumaway.

Nakarating kami sa kinapaparadahan ng kotse nito. Pinagbuksan niya ‘ko ng pinto at tahimik akong sumakay. Tahimik lang din itong nagdrive at maya maya namalayan ko nalang na ipinaparada na niya yung kotse sa gilid ng isang malaki at magandang parlor. Sumunod lang ako rito ng pumasok ito sa loob.

“Where’s Marayah?”

Tanong niya sa isang baklang nakasalubong namin. Tinuro naman nito yung direksyon at walang salita si Blaze na pumunta roon. Pumasok ito sa isang cubicle at naabutan namin ang isa ring bakla na busy sa pag-aayos ng mga gowns at magagandang dresses sa loob. Napatingin ito sa malaking salamin, nagulat siya ng makita niya si Blaze pero napalitan agad iyon ng tuwa.

“Monsieur Blaze long time no see!” Hinalikan siya nito sa pisngi. “What brought you here? Siguro, yayayain mo ‘kong lumabas no?!” Tumawa ng mahina si Blaze at tumingin sa’kin, kaya napatingin na rin ito sa gawi ko.

“Oh? You’re with someone,” Marahan akong ngumiti.

“She’s Hyacinth. My Girlfriend. Make her stunning.” Girlfriend? Tss! Ngumiti ito. “And this is Marayah.” Ngumiti ito sa’kin. A genuine and friendly smile. Mukha siyang mataray sa unang tingin, pero mabait din pala.

“For a welcome party ba? Bakit hindi ka man lang nagpasabi ng maaga, para nakuha ko agad yung new dresses na in-order ko. Next week pa ang dating ng mga ‘yon!” Nakabusangot na wika nito.

“Don’t worry, I’d brought her own dress. Ipapasunod ko nalang sa tauhan mo.” Para namang biglang nagliwanag ang mukha nito.

“Oh siya sige, ako na’ng bahala sa kanya,” Bumaling sa’kin si Blaze.

“I’ll pick you up before six.”

“Teka, aalis ka? Iiwan mo ko rito?!” Gulat na tanong ko. Ngumiti siya at pinisil yung pisngi ko.

“Don’t worry, babalik ako.” Hinawakan ako sa likod ni Marayah at marahang pina-upo paharap sa salamin.

“Don’t worry girl, hindi mawawala ang boyfriend mo.” Ngumiti pa siya at kumaway kay Blaze bago ito tuluyang lumabas. “Kabisado niya ang bawat sulok ng Maynila.” Ngumiti nalang ako.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon