Prologue

9.5K 91 16
                                    

Prologue

*Hyacinth’s POV*

“Aray! Pwede ba bitiwan mo nga ako!”

Akmang sasampalin ko ito pero nahawakan niya agad ang kamay ko. Hinapit niya ‘ko sa bewang at marahas na hinalikan sa labi. Shit lang! Kulang nalang magkapunit punit yung labi ko sa paraan ng paghalik niya. Nang binitiwan ako nito, tumaas ulit sa ere yung kamay ko, and this time tumama na ‘yon sa pisngi niya.

“Bastos! Walang modo! Manyakis—“

Natigil ako sa pagsasalita dahil ang sama ng tingin nito sa’kin. Aaminin ko na medyo natakot ako. Kinabahan ako. Dahan dahan akong napa-atras pero unti unti lang din siyang lumapit sa’kin, hanggang sa mapasandal nalang ako sa pader. Corner! No place to run!

“That hurts.” Ngumisi ito at hinawakan yung pisngi niya.

“You deserve that!” Malakas na sigaw ko rito. Pero nginisihan lang niya ulit ko.

Nandito kami ngayon sa loob ng club. Sa may VIP room. Nagtatrabaho ako rito bilang dancer. Dancer lang dahil kahit papaano mahal ko pa rin ang dangal ko. Paminsan minsan tumetable ako para pandagdag sa kita. At nagkataon nga na isa ito sa customer ko. Noong una, nakaupo lang ako sa tabi nito. Pinagsasalin siya ng alak, tahimik na nagmamasid sa kanya, hanggang sa maging aggressive ito.

Ayoko sanang pumayag na asikasuhin ito dahil hindi ko gusto na nasa loob kami ng kwarto. Marami siyang pwedeng gawin sa’kin at hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. Pero dahil malaki ang ibinayad nito, at ako mismo ang nirequest niyang mag asikaso sa kanya at dahil na rin pinilit ako ni Mamu, yung owner ng club. Wala na akong nagawa.

Naipaliwanag naman na sa kanya ng owner na hindi ako katulad ng ibang babae, na pwede nilang hawakan ng basta basta. After all, dancer lang ako. Hindi ako kasama sa mga babaeng pwede nilang iuwi at dalin sa motel.

“You know what, you’re beautiful. But this work doesn’t suits you. You don’t belong here.”

Tinitigan niya ‘ko ng mata sa mata. Nakikita ko sa kanya na totoo yung sinasabi niya. Marami na ring nagsabi sa’kin na sayang ako dahil nandito ako sa club. Na sa dinami rami ng trabaho sa mundo. Bakit ako nagtitiis dito? Hindi ko rin naman gusto na mapunta ako rito pero kailangan. Kailangan ko ng malaking pera.

Tiningnan ko lang din siya at inirapan. Ano bang paki-alam niya? Pagkatapos niya ‘kong bastusin may gana pa siyang manghinayang sa magiging buhay ko kung sakali. Natawa ako ng mahina at napailing. Sino nga naman ang rerespeto sa mga katulad ko?

Hindi ko alam kung anong dahilan ng ibang babae at pinili nilang magtrabaho sa ganito. Pero ako, may matibay akong dahilan kung bakit nandito ako. Siguro naman, hindi lahat ng babaeng katulad ko ay pinangarap mapunta rito.

“Hindi ko kailangan ng awa mo.”

“Nagsasabi lang ako ng totoo.” Ngumiti ito.

“Magkano ang sinasahod mo rito?” Tiningnan ko lang ulit siya.

“Kakausapin ko nalang si Mamu na hindi mo nagustuhan yung service ko kaya kelangan niyang ibalik yung perang ibinayad mo.” Wika ko na hindi pinansin yung tanong niya.

Akmang aalis na sana ako pero marahas niyang hinila yung braso ko, sinandal niya ako sa pader, tsaka niya tinukod yung magkabilang kamay niya don.

“Tinatanong kita ng maayos kaya sagutin mo rin ako ng maayos. Magkano ang sinasahod mo rito?!”

“T-Thirty thousand a m-month.” Sagot ko. Hindi pa kasama ron yung mga tip ng ibang customer.
“Mababa pala.”

“Tang-ina!” Di ko na napigilan ang hindi magmura. “Para sa mayayaman na katulad mo, mababa lang talaga yon! Pero sa mga kagaya ko—” Huminga ako ng malalim. Pinipigilan kong huwag maiyak.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon