Chapter 12

3K 49 18
                                    

Chapter 12

*Hyacinth’s POV*


“My God Hyacinth! Where have you been?! Tumawag ako kay Tita Maggy, ang sabi niya hindi naman daw ikaw ang naghatid kay Celestina kundi si Andrae. Ang sabi ni Andrae inaaya kana niyang umuwi pero ang sabi mo raw kasama mo pa ‘ko pero hindi ka naman na bumalik sa bar kagabi. Saan ka ba nagpunta? Naku babae ka, hindi ako nakatulog ng maayos sa pag-aalala sayo!” Mahabang litanya ni Marlo na hinatak ako sa isang sulok ng classroom.

“Akala naman namin na-kidnap kana o na-rape kaya!” Muntikan na.

“Pasensiya kana, umuwi na rin kasi ako dahil naalala ko si lolo,” Nilihis ko yung paningin ko sa kanya at tumingin sa mga kaklase naming hindi magkamayaw sa sobrang ingay. Para bang tuwang tuwa sila at nagsisimula ng umalis yung iba. Nagtaka naman ako.

“Bakit? Inatake nanaman ba si gramps?” Nag-aalalang tanong nito.

“Hindi naman at wag naman sanang mangyari.” Tumingin ulit ako sa mga classmate ko tsaka ako bumaling kay Marlo.

“Anong meron? Bakit ang saya saya yata ng daigdig nila?”

“Wala tayong klase, hindi ko alam kung anong nangyari kay BMW, matitigok na yata,” He rolled his eyes. Natawa nalang ako.

“Si Amber nasaan?”

“Nasa bahay nila at kanina pa tayo hinihintay!”

“Tayo?” Takang tanong ko.

“Oo, doon tayo mag-aayos dahil pupunta tayo sa bahay. Nagpahanda ang parents ko ng lunch dahil gusto kana nilang makilala.”

“Ano?!” Gulat na tanong ko.

Pumayag ako na magpanggap na girlfriend niya dahil akala ko, matatagalan pa bago yung gagawin naming pagpapanggap, hindi man lang ako na-inform na ngayon na pala ‘yon. Hindi ko alam kung sumasakit yung ulo ko dahil sa puyat o dahil sa mami-meet ko yung parents nito. Naalala ko tuloy bigla yung sinabi ni Pham, ngayon palang kinakabahan na ‘ko.

“I’m sorry friend, biglaan kasi eh. Akala ko next week pa sila uuwi pero nagulat ako ng pag-uwi ko kagabi sinalubong ako ng maganda kong ina.” Bumungtong hininga ako at ngumiti sa kanya.

“Okay lang. Tara na!” Ako na yung humila sa kanya pababa ng building. Hindi man ako handa sa gagawin namin, gusto ko parin itong tulungan. At isa pa, maliit na bagay lang ito kumpara sa dami ng naitulong niya sa’kin.


---


Inabot kami ng mahigit dalawang oras sa bahay nila Marlo bago kami naka-alis at tuluyang makahinga ng maluwag. Ang dami kasing tanong ng father nito. Gaya ng ilang months na raw yung relationship namin pero hindi pa rin ako nito pinakikilala sa kanila, tinatanong din ng father niya kung paano kami nagkakilala. Kinuwento nalang ni Marlo yung first meeting namin, which is totoo naman na nilagyan lang niya ng kaunting twist.

Maayos nitong pinarada yung kotse sa gilid ng bahay nila Amber at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Wala pang five minutes na nakaupo kami sa couch sa sala ng mag aya ito na pumunta kami ng mall para raw marelax kami. Napapa-iling na nagtinginan nalang kami Marlo at tumango.
Nakarating kami sa mall. Sinusundan ko lang ang mga ito. Pumasok sila sa isang boutique at nag-start silang tumingin tingin doon kaya nakitingin tingin nalang din ako kahit wala naman akong pambili.

Narinig kong tumunog yung chain ng pinto. Ibig sabihin may pumasok. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtingin tingin ng mga damit. Maganda sana itong isang damit na hawak ko kaya lang masyadong mahal. Akmang ibabalik ko na sana yung damit sa lagayan ng may magsalitang babae.

“Aahhh!!”

Sa sobrang gulat ko, naitulak ko siya at nahagis ko sa mukha niya yung dalawang damit na hawak ko. Nagtatakbo ako sa loob ng fitting room. Napatili ulit ako ng pagbukas ko noon ay may tao. Si Marlo, busy ito sa pagsasalamin at pag-aayos ng buhok niya.

“Ano ba Hyacinth—“ Tinakpan ko agad yung bibig niya. Binuksan ko ng konti yung pinto para silipin si Jared. Bakit siya nandito?

Kumunot yung noo ko ng lapitan niya yung babaeng nag-excuse sa’kin kanina at tulungan itong tumayo. Nakatalikod yung babae kaya hindi ko makita yung hitsura niya. Sa sobrang gulat ko rin kanina ng makita ko si Jared ay hindi ko na napansin ang hitsura nito. Pero kahit nakatalikod ito, mahahalata mo na sophisticated ito at maganda.

Pero sandali. Kilala niya yung babae? Tinawag siya sa pangalan niya? Sino yon? Girlfriend niya? Kaya ba ayaw niyang mainlove ako sa kanya kasi may girlfriend na siya? Parang biglang may mga karayom na tumusok sa puso ko. Dahan dahan kong sinara yung pinto tsaka ako huminga ng malalim. Hinatak ako ni Marlo paalis sa pinto at binuksan niya iyon, pagkatapos tiningnan niya yung part na tinitingnan ko kanina.

“Oh My God! Si fafa Jared—“ Tinakpan ko ulit yung bibig niya at pilit siyang pina-alis sa pintuan.

Pagkatapos sinara ko ulit ‘yon. Makalipas ang ilang minuto, binuksan ko yung pinto at sumilip ako. Nang masiguro kong wala na si Jared at yung babaeng kasama niya ay lumabas na rin ako ng fitting room. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito pero bigla akong nawalan ng gana. Parang bigla akong nanghina. Bakit?

“Hyacinth are you okay?” Si Amber. Ngumiti naman ako rito at tumango.

“Oo, bili tayo ng tubig, nauhaw ako eh.”

“Wait, babayaran ko lang to ha?” Baling niya sa isang pares ng jeans and blouse na hawak niya. Tumango tango lang naman ako at naupo sa couch. Sinundan ako ni Marlo.

“Anong nangyari sayo? Nakita mo lang si fafa Jared—“

Nilagay ko yung kamay ko sa mukha niya para matigil siya sa pagsasalita. Oo, nakita ko lang naman si Jared. Hindi ko alam kung ano yung masakit sa’kin. Yung makita bang may kasama siyang iba o yung katotohanang inaatake ako ngayon ng sakit ko? Matagal na akong napahinga. Hindi na’ko gaanong inaatake ng sakit ko pero ngayon pakiramdam ko, naninikip yung dibdib ko.

Kapag nag-aya naman akong umuwi, hindi sila papayag dahil kararating lang namin. Kapag nagdahilan naman ako na masama ang paki-ramdam ko, panigurado mag aalala ang mga ito at baka dalin pa nila ‘ko sa hospital at malalaman nila yung tinatago kong sakit. Mukhang hospital pa naman ang mga ‘to. Sumakit lang ata yung ulo nila hospital na agad yung iniisip.

Bumuntong hininga nalang ako at kinalma yung sarili ko. Naging exaggerated lang siguro ako ng makita ko si Jared. Eh ano naman kung makita ko siya diba? Ang pagpunta lang naman sa mga bar at club ang ipinagbabawal niya. Ano rin naman kung makita ko siyang may kasamang ibang babae? Karapatan naman niya ‘yon at hindi ko siya pag-aari.

Hindi ko siya pag-aari pero siya, pag-aari niya ko. Pag-aari niya yung katawan ko at malapit na rin niyang makuha yung puso ko.


---


“Hoy babae! Umamin ka!”

“Saan naman?” Walang ganang tanong ko kay Marlo.

“Nakita kita noong isang araw, kasama mo si fafa Jared!” Sabi pa nito na tila kinikilig. Nagkibit balikat lang naman si Amber habang busy sa pagkain ng fries na isinasawsaw niya sa ice cream.

“Kaya pala todo tago ka noon sa boutique!” Dugtong pa nito.

“Saan nga?!”

“Sa mall!”

Sandali akong nag-isip. Nasaan ba ako noong isang araw? Sa pagkakatanda ko kasi one time lang nag-aya magmall si Jared at iyon ay nung sinamahan ko siyang bumili ng kama at sandali lang iyon. At sa pagkakatanda ko rin, silang dalawa ang kasama ko sa mall noong isang araw.

“Sigurado ka?” Balewalang taong ko rito at sumubo ng chocolate pretzel.

“Hindi!—Saan ko nga ba kayo nakita?” Umakto itong nag-iisip, napa-iling iling nalang ako. Wala naman kaming ibang pinupuntahan ni Jared kundi ang condominium niya. Magkukulong sa kwarto niya at maglalaro ng apoy.

“Alam ko na!” Napapitik pa ito sa daliri niya. “Sa hotel ko kayo nakita—Ah hindi! Sa condominium yata!—Ah basta! Bakit ba kasi kayo magkasama? Boyfriend mo ba siya?!” Maya maya nanlaki yung mata nito ng may maalala.

“OMG, siya ba yung sinasabi ni Jeff na kaibigan niya?” Tumingin sa’kin si Amber. Yung tingin na nagtatanong na ‘totoo ba?’

“Hindi ko siya boyfriend!”

“Luka luka! Umamin kana kasi! Huling huli na sa akto!”

“Kung boyfriend ko siya, edi sana sinabunutan ko na yung babaeng kasama niya sa boutique!” Nakabusangot na wika ko. Pinandilatan naman niya ko ng mata.

“Gaga! Maganda yung babae pero bata pa! Pumapatol ba sa bata si fafa—“

“Oo na! Kasama ko siya noong isang araw, pero hindi ko siya boyfriend!”

“You mean?—Nililigawan ka niya?! Oh my gosh!” Pinandilatan ko siya ng mata. Ang lakas kasi ng boses niya. Ang daming tao rito sa canteen. Baka may ibang makarinig at pag-isipan kami ng hindi maganda.

“Okay! Atin atin lang ito ha?” Tumango tango silang dalawa. Huminga naman ako ng malalim at nilapit yung mukha ko sa kanila para makasigurong kaming tatlo lang ang makakarinig ng sasabihin ko.

“Personal maid niya ako.”

“Omg! Inggit ako!” Tiningnan lang namin siya ni Amber. Seryoso? Nakaka-inggit na ngayon yung pagiging maid?

“Eh kasi naman girl, araw araw mo siyang nakikita. Imagine, araw araw kang nakakanakaw ng tanaw sa kanya. Ang swerte swerte mo. Ipasok mo nga rin akong maid sa bahay nila!”

“Baliw!” Sabay na wika namin ni Amber. Nag-pout lang naman ito. Ngumiti lang naman sila. Kung alam lang nila na hindi lang basta tanaw yung nangyayari sa amin ni Jared, baka maloka na sila.

“So why didn’t you tell us?” Ani Amber.

“P-Pasensiya na, nagkasundo kasi kami na walang dapat maka-alam. Tsaka baka kasi magalit kayo.” Nakayukong wika ko.

“Talagang magagalit kami! Kung balak mo lang palang maging maid, sana tinanggap muna yung offer ni mommy sa boutique. At least doon uupo kalang!”

“Amber please. Napag-usapan na natin ‘to diba?”

“Hyacinth kasi hindi ko lang talaga maisip kung bakit kailangan mo pang magtrabaho sa ibang tao samantalang nandito naman kami!”

“Correct!” Marlo added.

Bumuntong hininga ako. Hindi naman sa nagmamalaki ako at ayaw kong tanggapin yung offer nila. Masyado na silang maraming naitulong sa’kin. Ayoko rin namang marinig sa ibang tao na kaya ko lang sila kinaibigan ay dahil sa mayayaman ang mga ito at naibibigay nila ang mga kailangan ko. Alam ko naman na hindi ganoon ang iniisip nila pero paano ko ba kasi ipapaliwanag sa kanila kung ako mismo hindi ko maintindihan?

“Kung sabagay, mas okay na yan kaysa sa pagsasayaw mo.” Ngumiti ito.

“And how did you two met? When? Where?” Tanong naman ni Marlo. Ngumiti lang ako.

“It’s a long boring story,” Tumaas yung kilay nito habang umiinom ng soda.

“Boring story?” Kumunot yung noo niya. Ngumiti nalang ako at in-enjoy yung pagkain ko ng bigla akong matigilan. Tumutunog yung phone ko. Napatingin silang dalawa sa'kin.

“Ah sister, phone mo yata yung nagri-ring?” Ani Marlo at nagkatinginan silang bigla ni Amber. Napakagat labi ako.

“Teka, kailan ka pa nagkaroon ng cellphone?”

“B-Binigay niya.” Tumango tango silang dalawa.

“Amber please, hindi naman sa nagmamalaki ako at ayokong tanggapin yung offer ng mommy mo pero kasi—“

“It’s okay Hyacinth. You look happy with him.” She gave me a forgivable smile.

“You look like you’re in love,” Dagdag ni Marlo. Muntikan ng bumara sa lalamunan ko yung pretzel na kinakain ko. Umiling iling nalang ako.

“Happy? In love?” Marahan akong natawa. Siguro pagdating sa kama, napapasaya niya ako, pero sa ibang bagay hindi ko alam.

“Mga sira! Amo ko yon at hindi siya magkakagusto sa’kin dahil—“

“Nope Hyacinth. Look at yourself, stunning and provocative!” Ani Marlo. “Ipupusta kong sarili ko, kapag yan nagkagusto sayo magpapakalalaki na ‘ko!” Umismid ito sa’min. Natawa naman kami ni Amber.

“I will definitely remember that!” Amber tap his shoulder and smile. Inirapan lang naman siya ni Marlo.

“Mali yung nasabi ko, magpapakababae na pala ‘ko!”

“No! You’re going to be a straight man! I’m so excited!”

“Hindi pa man din ako nagiging lalaki pinagnanasaan muna ‘ko!”

“Mahal ko naman si Andrae, pero kung naging lalaki ka lang talaga,” Umismid ito at umirap.

“Yuck! Kahit maging lalaki ako hindi kita papatulan!”

“Bwisit ka!” Natawa nalang ako ng hampasin ito ni Amber.

Noong unang kita ko rin naman kay Marlo, akala ko straight guy ito dahil ang ganda ng tindig at katawan niya. Pwedeng pwede nga siyang maging modelo. Akala ko nga rin noon may gusto siya sa’kin dahil panay ang tingin niya sa’kin. Pero nang mag-OJT kami sa hospital at nakasabay ko ito sa duty, doon ko nalaman ang totoo. Bisexual pala ito. Attracted siya sa mga lalaki pero hindi siya pumapatol at ang nakakatawa, sa babae siya pumapatol kahit na raw minsan ayaw niya. Baka raw kasi sakaling maging tunay siyang lalaki kapag ginawa niya iyon.

“Ah friend, baka gusto mo ng sagutin yang phone mo. Kanina pa nagri-ring, baka galit na yung tumatawag.” Biglang nawala yung mga iniisip ko ng magsalita ito. Natigilan ako at wala sa sariling kinuha yung phone.

“He—“

“Where the hell are you?! Why took you so long to answer the damn phone?!” Nailayo ko agad yung phone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses nito.

“N-Nasa school ako. P-Pasensiya na nagkaklase kasi kanina.” Pagsisinungaling ko.

“Sorry,” Narinig ko yung buntong hininga nito. “Just go to my condominium and clean it.” Sandali itong huminto sa pagsasalita. Hinihintay ko lang naman yung susunod na sasabihin niya.
“And cook a food for me okay?”

“O-Okay.” Pinutol na nito yung tawag. Napabuntung hininga nalang ako.

“Who’s that?!” Nakataas ang kilay na tanong ni Marlo.

“Sino pa ba? Edi yung magaling kong amo!”

“Bakit daw?”

“Linisin ko raw yung condo niya,” Walang ganang sagot ko. “Sige, mauna na ‘ko.” Tatayo na sana ako ng magsalita si Amber.

“Know what Hyacinth, magpapadala nalang ako ng maids sa condo niya. May battle of the bands sa mall mamaya, manuod nalang tayo.” Ngumiti ako.

“Salamat, pero hindi pwede. Restricted area yung condominium niya at kailangan pa ng permiso niya bago ka makapasok sa loob.”

Bawat taong papasok doon, itinatawag pa ng guard sa intercom kung totoo ngang expected ng may ari ng condo na pupunta yung mga taong iyon. Aware naman siguro sila na lahat ng condo at ibang building ay may ganon. Tumango tango naman ito. Ngumiti nalang ulit ako at nagpa-alam.

---

Votes and Comments are highly appreciated. Thanks! :)

-Akirah

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon