Chapter 20

1.1K 25 0
                                    

Chapter 20

*Hyacinth’s POV*


Tahimik lang akong nakatayo sa gilid ng wine section sa bahay ng mga Torres, habang pinagmamasdan ang mga magulang ni Jared na nag-uusap. Hindi ko naman ugali ang makinig ng pag-uusap ng iba, lalo na ng mga amo ko, pero dahil gusto kong malaman kung nasaan ang anak nila, minabuti kong tumayo rito. Sa pamamagitan kasi nito, baka magkaroon ako ng kahit kaunting idea kung nasaan ito.

Alam kong hindi parte ng kasunduan namin ang alamin kung nasaan siya at ano ang ginagawa niya. Hindi ko lang talaga maalis sa sarili ko na para bang hindi nalang kasunduan yung nangyayari. Nasanay na ako sa presensiya niya at ngayon, ayoko mang aminin sa sarili ko pero masakit sa’kin na hindi siya nagpaparamdam.

“Beatrice, can you please sit down? Or just stop what you are doing! Nahihilo na ‘ko sayo, kanina ka pa palakad lakad sa harap ko!” Wika ni sir Alden sa asawa. Huminto naman ito sandali at humarap sa kanya.

“I am just thinking where your son is. Did he call or text you?”

“Not at all, why?”

Simpleng sagot nito at itinuloy ang pagbabasa ng newspaper. It’s nine-forty in the morning, dito ako natulog sa bahay nila sa pag-aakalang makikita ko si Jared, pero kahit anino niya wala. Kahit yata sa mismong bahay nila, wala siyang balak umuwi.

“Why? I haven’t seen him for exactly ten days!”

“What’s new?” Wika nito na hindi na nag-abalang tumingin sa kanya. “Hindi kana nasanay sa anak mo, lagi namang wala iyon sa bahay.”

“I know,” Umupo ito sa couch bago muling magsalita. “I know he loves freedom, he wants to be alone and he hates mandating him. Pero kahit hindi niya sinasabi kung saan siya pumupunta, he never forget to call or text me saying he’s alright!” Bumuntong hininga ito. Itinupi naman ni sir Alden yung newspaper at bumaling sa asawa.

“Come on honey, malaki na si Jared. Kahit makarating siya ng Bhutan, kaya niyang umuwi mag-isa.”

“But that’s not the point Alden.”

“Look Beatrice. You know your son very well. He do whatever he wants without our permission.”

“But this one’s different. It’s a mother’s instinct, I know, he’s not okay.” Bumuntong hininga si sir Alden.

“What do you want me to do?”

“Talk to your son. Tanungin mo kung ano’ng problema niya. Sayo lang naman nakikinig ‘yon.”

Napabuntong hininga nalang si sir at pagkatapos ay tumango tango. Hindi ko ba alam kung aalis na ‘ko, magpapa-alam sa kanila o babalik nalang sa kwarto. Nasa kasagsagan pa ‘ko ng pag-iisip ng marinig ko yung may hindi kalakasang boses ni ma’am Beatrice.

“—Hyacinth?!” Pasimple akong lumabas sa isang gilid upang isipin ng mga ito na nanggaling ako sa kwarto at hindi nakikinig sa pag-uusap nila.

“M-May ipag-uutos po ba kayo?” Patay malisyang tanong ko.

“Aalis ka na ba? Pwede bang maupo ka muna rito?” Tumingin ako kay sir Alden. Tumango lang naman ito kaya marahan akong ngumiti at umupo sa tabi ni ma’am.

“Hija, wala bang nasabi sayo ang alaga mo kung nasaan siya?” Malungkot akong umiling.

“Pasensiya na po. Hindi ko rin po kasi alam.”

“Kailan kayo huling nagkita?”

“More than one week na po.”

Simula ng sunduin ako nito sa school at ihatid sa bahay, hindi pa kami nagkikita. Pagkatapos din noon, bigla nalang siyang nawala. Hindi ko alam kung ano’ng iisipin ko. Sa tingin ko, wala naman akong ginawang mali. At isa pa, wala naman akong karapatan na sisihin ang sarili ko at isiping ako ang dahilan kung bakit umalis ito.

Baka naman kasi, may mahalagang bagay lang siyang inaasikaso at ayaw niyang may maka-alam kaya siya biglang nawala. Kapag nakikita ko naman yung mga kaibigan niya, parang wala lang. Parang hindi naman nila iniintindi na nawawala ito, kaya siguro naman, nasa mabuti siyang kalagayan.

Tumingin ako kay ma’am Beatrice. Hawak nito yung cellphone at paulit ulit na nagtatype roon pagkatapos ay itatapat sa tenga. Maya maya, napabuntong hininga ito at marahang ngumiti sa’kin.

“G-Gusto niyo po bang ikuha ko kayo ng juice?”

“Please.” Ngumiti ako at tumayo. Nang makarating ako sa kusina ay nadatnan ko si ate Betty na busy sa paghuhugas ng mga pinagkain. Lumapit siya sa’kin at siniko ako.

“Anong mayro’n? Bakit kinakausap ka ni ma’am?”

“Bawal ba akong kausapin ni ma’am?” Biro ko sa kanya at marahang ngumiti. Nagkamot ito sa ulo habang pasilip silip sa sala.

“Hindi naman. Nagtataka lang ako. Ang weird kasi,”

“Tinatanong lang ni ma’am sa’kin kung alam ko ba kung nasaan si Jared.” Inayos ko yung pagtitimpla ko ng pomelo juice. Hinandaan ko na rin ang mga ito ng chicken sandwich.

“Hindi na siya nasanay sa lalaking ‘yon. Lagi namang nawawala iyon eh. Palibhasa nag-iisang anak, kaya laging hinahanap ni ma’am. Feeling niya siguro bata pa rin yung anak niya.”

Ganoon nga talaga siguro kapag nasanay kana. Sila, nasanay na laging nawawala si Jared at babalik lang kung kailan nito maisipan. Ako naman, nasanay na lagi siyang kasama, na laging tumatawag para utusan ako, kaya siguro hinahanap hanap ko rin, kasi doon ako nasanay, yung nakikita ko lang siya.

“Ganoon ba?” Sagot ko.

“Oo, ang tagal ko ng nagtatrabaho rito, minsan lang naman umuwi sa bahay iyon, pero lagi siyang hinahanap ni ma’am Beatrice. Akala mo naman laging nawawala yung anak niya!” Natawa nalang ako ng mahina. Hindi niya talaga iniintindi yung pagkawala ng amo niya.

“Only child nga kasi kaya ganoon.” Sagot ko nalang.

“Hindi rin. Si manang Yolly nga hindi siya hinahanap, eh halos siya na ang nagpalaki roon.”

“Kapag nagka-anak ka siguro, maiintindihan mo rin.”

“Oo nga, kailan kaya mangyayari iyon?”

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon