Chapter 25

350 7 0
                                    

Chapter 25

*Hyacinth’s POV*


Napatili ako ng malakas ng pagbukas ko ng kwarto ni Jared ay may teenager na lalaking nakahubad at nagbibihis. Taranta kong tinakpan yung mata ko, nagulat din ito kaya nataranta rin siguro sa pagbibihis. Dali dali akong lumabas ng kwarto at isinara ang pinto. Huminga ako ng malalim. Sino ba yung lalaking ‘yon? Bakit may ibang tao rito? Hindi kaya magnanakaw ‘yon? Sandali, ano nga bang hitsura noong lalaki? Sa tingin ko hindi naman siya mukhang masama.

“Why did you open the door? You should have knocked!”

Narinig kong boses ng lalaki habang pababa ng hagdan, nasa sala na ako at di mapakali sa paglalakad habang iniisip kung paano nagkaroon ng ibang tao sa condo ni Jared. Hindi kaya maling kwarto ang napuntahan ko? Kung mali ang napuntahan ko, dapat nag error yung password nito.

“Hey! Are you listening?” Tiningnan ko siya. Bata pa ito, mga nasa fifteen or sixteen  siguro.

“Who are you?” Sabay na tanong naming dalawa.

“Are you a thief?” Sunod na wika niya.

“Ano? Ako pa ngayon ang magnanakaw?” Kumunot yung noo niya. Hindi siguro nakakaintindi ng tagalog, mukha kasing iba yung lahi niya. Hindi ko lang maisip kung ano.

“Then, who are you? Why are you here?”

“I’m the one who should ask you that! Who are you? Why are you in someone else’s condominium? Where are you from?” Magsasalita sana siya ng biglang bumukas yung pinto at pumasok buhat doon ang lalaking matagal ko ng gustong makita.

“Hey big brother where have you been? You left me with this girl.” Tinuro niya ako bago mapakunot ang noo. “And who’s this girl by the way? Do you know her?”

“Jared?!” Gulat na gulat na wika ko at hindi pinansin ang sinabi ng lalaki kanina. Totoo ba ito? After three weeks nandito na siya?

“Ikaw ba ‘yan?”

“What do you think?” Ganting tanong niya sa’kin. Naglakad ito papunta sa kusina at kumuha ng orange juice sa ref.

“B-Bumalik kana.” Hindi makapaniwalang wika ko. Tumingin siya sa’kin.

“Yeah, so what?”

Baliwalang sabi nito. You’re so cold Jared, dala dala mo parin ba ang lamig ng Spain hanggang dito? Kung sabagay, ano bang inaasahan mo Hyacinth? Lalapitan ka niya? Susugurin ng yakap at sasabihing na-miss ka niya? Umiling iling ako. Imposible.

“You didn’t sleep here?”

“Ha? Ah hindi, doon ako natulog sa bahay niyo.” Tumango lang siya. “A-Ah ano, kailan ka pa nakauwi?” Tumingin lang siya sa’kin. “Ano, pasensiya na. Di ko naman sinasadyang magtanong ng marami.” Yumuko ako.

“Last night, that’s why I know you didn’t stay here.”

Natutulog lang naman ako sa condo niya kapag kasama ko siya. Pero dahil nawala ito, bakit naman ako mag stay dito? Maaalala ko lang siya. Lumapit siya sa’kin at marahang hinawakan yung pisngi ko. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong umiyak, gusto kong tanungin kung bakit siya nawala pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

“Hey, I’m still here.” Napatingin kaming dalawa sa kanya. Napakamot ito sa ulo ng may pagtataka. Napabuntong hininga si Jared.

“By the way Hyacinth, he’s Axel. He’s the grandson of our house caretaker in Spain. He’s like a little brother to me.” Tumango ako at nag hi doon sa bata. “And Axel, this is Hyacinth.”

“Your?” Dugtong na tanong nito. Tiningnan lang siya ni Jared.

Inaasahan siguro niyang sasabihin nito, “This is Hyacinth, my girlfriend. No, my special someone. My maid?” Nginitian ko nalang ito. Hindi na kailangan i-elaborate. Understood naman ‘yon Hyacinth. Ano ka ba ni Jared? Malamang, di hamak na maid lang diba? Nagiging more than that lang naman ang pagiging maid mo kapag may kailangan siya sayo.

Pumunta ito sa kwarto. Pagbaba niya ay may hila hila na siyang isang maliit na maleta. Kumunot yung noo ko. Kadarating lang niya aalis nanaman ba siya? Hindi na ako nakatiis at muling nagtanong.

“A-Ah sandali, saan ka pupunta?” Imbes na pansinin ako bumaling siya kay Axel.

“Is this all your things?” Tanong nito sa maleta na hawak niya, tumango naman ito. Tumingin siya sa’kin at marahang ngumiti.

“I’m not going anywhere. I will just take him home before I go to school.” Napatango nalang ako. Marunong din naman pala siyang magpaliwanag kahit papa’no.

“Ikaw?”

“Huh?”

“Aren’t you going to school?”

“Ah, mamaya pa ang klase ko. Aayusin ko muna ‘tong condo mo.”

Sabi ko nalang kahit ang totoo wala naman akong klase. Practice lang para sa play ang gagawin namin. Tumango ito. Kinuha niya yung jacket at sinampay sa balikat niya. Lumapit siya sa’kin at hinalikan ako sa pisngi. Tsaka siya bumulong.

“I’ve missed you.” Kinagat ko yung ibabang labi ko. Gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya. Tahimik lang namang nakatingin si Axel.

“Let’s go Axel.” Wika nito at nauna ng lumabas. 

“Goodbye mistress.” Ngumiti siya sa’kin at kumaway. “Hey big bro, is she your girl friend? She’s pretty.” Narinig ko pang tanong nito habang humahabol  kay Jared. Napapa-iling na napahawak nalang ako sa pisngi ko.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon