Chapter 8

3.8K 38 2
                                    

Chapter 8


*Hyacinth's POV*



"Hi Miss?!"

"Ah h-hello?" Naiilang na nginitian ko siya bago dire-diretsong naglakad palayo.

He looks familiar. Did I met him before? Ewan. Naririnig ko na tinatawag ako nito pero hindi ko na pinansin. Nagmamadali ako dahil male-late na 'ko. Si Jared kasi, hindi ako pinauwi kagabi kaya naghahabol tuloy ako sa oras ngayon. Kaninang umaga lang ako naka-uwi tapos late pa akong nagising. Wala akong ibang sinisisi kundi siya dahil hindi niya 'ko tinigilan buong magdamag!

"Hyacinth?!"

"Ay pusa!"

"Sorry," Kibit balikat na sagot nung lalaki kanina.

Kumunot lang yung noo ko habang nakatingin sa kanya. Kilala niya 'ko? Alam mo yung feeling na nagmamadali ka dahil late kana, tapos may isang taong haharang at kakausapin ka? Nakaka-inis diba?!

Major pa naman yung first subject ko. Governor pa naman ako, kaya dapat i-maintain ko yung good profile ko. Tapos may makakakita sa'kin na kausap ang isang lalaki. Baka sabihin pa nila na inuuna ko yung pakikipaglandian kaysa yung pagpasok sa eskwelahan.

"You drop this," May inaabot siya sa'king isang bagay.

Auto-matikong nakapa ko yung leeg ko. Wala nga yung kwintas. Isa itong silver necklace na binili sa'kin ng mother ko nung ten years old ako. May letter 'H' na pendant which stands to my name Hyacinth. Napabuntong hininga ako. Ilang taon ko na rin itong sinusuot tapos ngayon ko pa mawawala. Simpleng kwintas man siya. Hindi ito mapapantayan ng kahit na anong materyal na bagay.

"Thanks!" Sabi ko rito bago kuhanin yung kwintas at ilagay sa bag ko.

"No problem!" Sagot nito pagkatapos ngumiti sa'kin. Sandali, parang nakita ko na talaga siya. Hindi ko lang matandaan kung saan. Nagiging makakalimutin na yata ako.

"Wait. Did we meet before?" Ngumiti ulit ito.

"Yeah. At AJ's House."

"AJ's house?" Kunot noong tanong ko.

"You forgot? It's just ten weeks ago," Napa-iling iling nalang ako habang nakatingin sa kanya.

Hindi naman siguro masama sa memory ko na nakalimutan ko na kung saan ko ito nakita. At tsaka, ten weeks ago pa naman, matagal tagal na iyon kung tutuusin. At isa pa, sa sobrang dami ng iniisip at ginagawa ko baka kahit last week ko lang siya nakita, baka nakalimutan ko na rin.

Sandali akong nag-isip. Saan ko nga ba kasi siya nakita? Gwapo ito, kaya imposible namang maging suitor ko ito. Si Kelvin lang naman ang natatandaan kong may gusto sa'kin. Magpapa-alam na sana ako na aalis na ng may bigla akong maalala.

"Teka lang, diba ikaw yung goal keeper ng soccer team?" Ngumiti ito sa'kin.

"Yeah," Tiningnan ko lang siya. Yeah. He's the goalkeeper. Natatandaan ko dahil minsan na rin akong nakapanuod ng practice nila sa soccer. Si Marlo kasi ang makulit. Alam niyo na ang bakla, mahilig sa mga gwapo.

"A-Ah okay. Thanks ulit," Sabi ko bago nag-aalangang ngumiti rin sa kanya.

Hindi ko ba alam kung aalis na 'ko o titingnan ko lang siya. Masiyado siyang gwapo para hindi mo pansinin at makayang i-resist ang charm niya. Iniisip ko lang kung bakit ako kinakausap ng gwapo at sikat na lalaking 'to. Wala naman akong natatandaan na nagiging lapitin ako ng mga gwapo.

Ay mali, hindi ako lapitin ng gwapo. Itong lalaking 'to, lumapit lang sa'kin kasi nagmagandang loob na isoli yung kwintas ko. At si Jared kaya ko lang siya nakilala ay dahil may purpose. Kailangan niya ng babaeng makakapag-satisfy sa needs niya at ako naman, kailangan ko ng pera. That's how it goes. Sex and money.

"By the way I'm Jeff, Jared's friend!" Ngumiti ito.

Biglang nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko na. Hindi ang pagiging goalkeeper niya ang gusto niyang iparating kundi yung pagpunta niya sa bahay ng mga Torres. Tapos may kasama rin siyang isang lalaki na hindi nalalayo ang kagwapuhan sa kanya.

Nilahad niya yung kamay niya at nag-aalangan naman ako kung makikipaghand shake ako sa kanya pero bago pa ako makapag-isip, naramdaman ko nalang yung mainit na bagay na nakadampi sa balat ko. Nakangiti lang naman ito.

"I just want to formally meet you. You're Jared's girlfriend am I right?"

"G-Girlfriend?" Muntikan na 'kong masamid. "Ah h-hindi, m-maid niya ko," Girlfriend? Nang-iinis?!

Nakita naman niya ako noong nandoon sila sa Mansion. Ako pa yung nagdala ng meryenda sa kanila at nakita rin naman niya na umakyat ako sa kwarto ng kaibigan niya para ayusin yung mga gamit nito at narinig naman din niya noong inutusan ako ng mother ni Jared. Pagkatapos sasabihan niya akong girlfriend ng kaibigan niya? Hindi ba obvious na katulong lang ang role ko doon?

"Yeah. A special maid."

"Huh?"

Tumingin ako rito, kakaiba yung ngiti niya. May alam kaya siya sa totoong kaugnayan ko kay Jared at kung magsalita siya ay para bang alam na alam niya yung mga nangyayari sa amin. Wala naman sa hitsura ni Jared ang mahilig magkwento at siya pa nga mismo ang nagsabi sa amin na walang dapat maka-alam ng kasunduan namin para maprotektahan yung kanya kanya naming buhay.

"A-Alam mo?" Kabadong tanong ko. Mahina itong tumawa.

"Of course I knew, he likes you!"

"Ha?!" Gulat na tanong ko.

Ang akala ko pa naman ay may alam siya sa kasunduan namin ni Jared. Iba pala yung ibig niyang sabihin. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil doon, pero ang isiping may gusto sa akin si Jared. Imposible. Baka pinagti-trip-an lang ako nito, nasa mukha naman niya kasi yung pagiging palikero.

"But don't tell him na sinabi ko, baka bugbugin ako non. Ingat na ingat ka pa naman niya,"

Ngumiti ito. Kumunot ulit yung noo. Masyado naman yata siyang sigurado sa sinasabi niya. Kasi imposible talagang mangyari iyon. Ayaw nga niya na mainlove ako sa kanya, tapos siya ang magkaka-gusto sa'kin? Kalokohan.

"Ingat na ingat?"

"Why? Aren't you aware that you're special? To him?"

"Ewan ko." Baliwalang sagot ko. Kung si Jared siguro ang magsasabi niyan sa'kin, baka ikatuwa ko pa. Pero kung manggagaling lang sa isang kaibigan. Wag nalang dahil wala 'yong kasiguraduhan.

"He didn't realize it yet, but I'm sure he likes you." Ngumiti nalang ako.

"Ah sige J-Jeff, mauna na 'ko. Late na rin kasi ako eh," Wika ko na hindi na pinansin yung sinabi niya.

"Don't worry. I love to take you there,"

"Huh?"

"Ihahatid na kita sa classroom mo." Ngumiti ito.

Kinuha niya yung mga books na dala ko at ngumiti ulit sa'kin. Naiilang na sinabayan ko nalang yung paglalakad niya. Hindi naman na ito nagkwento ng tungkol sa kaibigan niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Malayo layo pa yung department ko dahil ugali kong dumaan sa main gate at hindi sa kabilang gate kaya malayo layo pa yung lalakarin namin.

At habang naglalakad kami, ito na nga ba ang pinaka-iiwas iwasan ko. Ang daming matang nakatingin sa'min. May kasama ba naman kasi akong gwapo, hindi ka kaya magtaka. Kung nakikita man ako ng ibang estudyante rito. Wala akong ibang kasama kundi ang mga kaibigan ko. Kahit si Kelvin kapag niyayaya akong lumabas, tinatanggihan ko minsan.

"S-Sige Jeff, dito nalang ako. Salamat."

Wika ko nang malapit na kami sa classroom. Isang classroom pa bago ang classroom ko. Ayokong ihatid niya ako sa mismong room ko dahil panigurado nandoon na si Miss Garcia at ayokong makita niyang sinesermunan ako nito. Ayaw na ayaw kasi nitong tumatanggap ng mga late na estudyante.

"Okay," Ngumiti ito at binalik yung mga libro sa'kin. Nauna na akong maglakad at hindi na tiningnan ang pag-alis nito. Huminga ako ng malalim bago batiin ang professor namin.

"G-Good Morning Miss." Nahihiyang bati ko. Natigil ito sa pagdi-discuss at kunot noong bumaling sa'kin.

"Ms. Chua? Am I right?" Marahan akong tumango. "Aren't you aware that I don't accept late comers' student?!" Huminga ulit ako ng malalim.

Si Miss Garcia o Baklang Dragon o BMW (Bilbil mo walo), ilan sa mga sikat na bansag ng mga estudyante sa kanya lalo na kapag nakatalikod ito. Siya ang favourite naming professor sa Nursing Leadership and Management (NLM). Babae ito pero mukha raw bakla dahil sa style niya sa pagme-make up, Dragon dahil sa sobrang sungit at istrikta nito.

The Sexy Badass [R-18 Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon